Chapter 2

2285 Words
Pagkarating ni Rafael sa kanyang condo, dumiretso siya sa kanyang kwarto at hinubad ang kanyang coat. Napatingin siya sa malaking salamin sa harap ng kanyang kama. He ran a hand through his slightly disheveled hair, sighing deeply. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin matanggal sa isip ang babae. Her touch, her scent—everything about her felt strangely familiar yet unknown at the same time. He unbuttoned the first few buttons of his shirt and poured himself a glass of whiskey. Umupo siya sa kanyang couch at na alala niya ang silver necklace na na iwan ng babae nakatalik niya kagabi. Rafael picked it up, inspecting the delicate piece of jewelry. "Interesting..." yun lang ang nasabi niya habang pinagmamasdan niya ito Alam niyang hindi ito ordinaryong kwintas. Masyadong personal. Kung sino man siya, tiyak niyang hindi lang basta-basta ang babae. Napabuntong-hininga siya habang sinusuri niya ang silver necklace at habang sinuri niya ito at may napansin siya na isang ukit na bulaklak sa likod ng kwintas. Tila isang piraso ng palaisipan ang nahulog sa kanyang mga kamay. Hindi niya alam ang pangalan ng babae, ni hindi nga nila pinag-usapan kung sino sila, pero ngayon, may hawak siyang clue. "Rosas?" unti- unti pa niyang sinuri ito habang tinitingnan ang kwintas. Napangiti siya, hindi niya alam kung bakit pero may kung anong tuwa siyang naramdaman. Bigla namang nag-ring ang kanyang phone. Agad niyang kinuha ito at napakurap nang makita ang pangalan ng kanyang ina sa screen—“Mom”. Alam na niya kung anong pag-uusapan nila. Huminga siya ng malalim bago sinagot ang tawag. “Good morning, Mom,” he greeted in a composed tone. “Rafael, my dear, where are you?” Malambing ang boses ng kanyang ina pero may halong authority. “I was expecting you to visit us. It’s your birthday, after all.” Napahilot si Rafael sa sentido niya. “I had a small celebration with friends. I didn’t think it was necessary to—” “Nonsense,” putol ng kanyang ina. “You should’ve celebrated with us, your family. Anyway, I need you to come to the mansion tomorrow for lunch.” Rafael took a sip of his whiskey, already knowing where this was going. “Mom, is this about another one of your matchmaking attempts?” His mother chuckled elegantly. “I wouldn't call it that, sweetheart. I just want to introduce you to someone. You’re twenty-eight, Rafael. It’s about time you take dating seriously. Your brothers are all too busy with business, and you’re too busy with work. I need at least one of you to settle down.” Rafael sighed. “Mom, I—” “No excuses. Come home tomorrow. One o’clock sharp.” Utos ng kanyang ina. At bago pa siya makasagot, pinatay na ng kanyang ina ang tawag. Napailing siya at napangiti nang bahagya. “Classic Mom.” Inilapag niya ang telepono sa gilid at muling tiningnan ang kwintas na naiwan ni Bella. A smirk formed on his lips. “Too bad, Mom. I might already have someone in mind.” Kinabukasan, kahit na hindi masyadong ganado, sumunod si Rafael sa utos ng kanyang ina. Habang nagmamaneho patungo sa kanilang mansyon, hindi niya maiwasang isipin ang nangyari kagabi. Ang babae. Ang kwintas. Ang pakiramdam na parang matagal na niyang kilala ito kahit hindi niya alam ang pangalan nito. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang isa sa kanyang mga kaibigan na may koneksyon sa mga pribadong imbestigador. "Bro, I need your help," diretsong sabi niya. "Anong tulong?" sagot ng kaibigan niya sa kabilang linya. "May hinahanap akong babae. Ang tanging clue ko lang ay ang kwintas na hawak ko ngayon na may nakaukit na Rosas at mukhang galing ito sa mamahalin na shop," sagot niya habang iniikot sa kanyang daliri ang kwintas. "Yun lang? Ang hirap naman niyan hanapin bro. Wala bang apelyido o kahit anong iba pang detalye?" tanong ng kaibigan niya. "Wala," sagot niya, napabuntong-hininga. "Pero sigurado akong may paraan para siya mahanap." "Mukhang malaki ang epekto ng babaeng ito sa’yo, ha," natatawa na puna ng kaibigan niya. "Just do it, bro," sagot niya, hindi na pinapansin ang pang-aasar nito. Sa loob-loob niya, hindi niya alam kung bakit niya ito ginagawa. Pero ang sigurado siya, hindi niya kayang basta na lang kalimutan ang babaeng iyon. Pagdating niya sa malaking mansyon ng mga Grafton, sinalubong siya ng kanilang maid. "Good afternoon, Sir Rafael. Your mother is waiting for you in the dining hall." Napabuntong-hininga siya at dumiretso sa loob. Sa mahabang hapag-kainan, nakita niya ang kanyang ina eleganteng nakaupo at may kasamang isang babaeng hindi pamilyar sa kanya. Agad siyang kinutuban. "Ah, Rafael, finally," masayang bati ng kanyang ina. "Come, sit." Sumunod naman siya, pero hindi niya tinanggal ang tingin sa babae sa harap niya. Maganda ito, mukhang edukado, pero wala siyang nararamdaman interes. "Rafael, this is Olivia Montemayor. She's the daughter of one of our business partners." Ngumiti ang babae sa kanya. "Nice to finally meet you, Mr. Grafton" “Pleasure," maikling sagot ni Rafael, saka tumingin sa kanyang ina. "Mom, we’ve talked about this." "I just want you to get to know her. No harm in that, right?" sagot ng kanyang ina, pilit ang ngiti. Napapikit si Rafael at marahang hinilot ang sentido niya. Wala siyang gana sa ganitong set-up. Hindi ito ang babaeng gusto niyang makilala. Sa kabilang dako naman muling bumalik si Isabella sa normal niyang routine—pagrereview para sa LET at pag-iwas sa anumang hinala mula sa kanyang pamilya. Hindi niya lubos maisip kung paano siya nakaeskapo noong gabing iyon, pero ang mas ikinabahala niya ngayon ay ang kakaibang nararamdaman ng kanyang katawan. Madaling mapagod, parang wala sa sarili, at ang pinakamasama—nagsusuka siya tuwing umaga. Isang umaga, habang nakaupo siya sa kama, nakaramdam siya ng matinding hilo. Agad siyang tumakbo sa banyo at isinuka ang laman ng kanyang sikmura. Napahawak siya sa kanyang tiyan, napapikit, at doon na siya kinabahan. "Hindi kaya..." bulong niya sa sarili. Hindi niya kayang isipin. Hindi siya pwedeng mabuntis. Isa lang iyon—isang gabing hindi dapat mangyari. Pero habang tumatagal, mas lalo siyang natatakot. Kaya napagdesisyunan niyang magpa-check-up nang palihim. Ayaw niyang malaman ito ng kanyang pamilya, lalo na’t kakagraduate pa lang niya. Wala pa siyang trabaho, wala pa siyang lisensya, at higit sa lahat… hindi pa siya handa. Habang nakaupo sa waiting area ng clinic, hindi niya mapigilan ang malakas na kabog ng kanyang dibdib. Hindi pa siya sigurado, pero may kutob na siyang mali ang lahat ng ito. "Miss Zamora?" tawag ng nurse. Tumayo siya nang dahan-dahan at pumasok sa consultation room. Matapos ang ilang tests at pagsusuri, hindi na niya kailangan marinig pa ang resulta. Kitang-kita niya sa mata ng doktor ang sagot. "Congratulations, Miss Zamora. Buntis ka." Parang bumagsak ang mundo niya. Wala siyang nagawa kundi ang hawakan ang kanyang tiyan. Pilit niyang tinatanggap ang katotohanan, pero parang hindi niya kayang paniwalaan. Paglabas ng clinic, nanginginig ang kanyang mga kamay habang tinatawagan si Erica. “Hello? Bella, bakit ka tumawag?" sagot ng bestfriend niya, halatang nagtataka. “Erica…" mahina ang kanyang boses. "Hindi ko alam ang gagawin ko."* "Hala, anong nangyari? Bakit parang ang hina ng boses mo? Ayos ka lang?" "Buntis ako." Saglit na katahimikan. Tila nag-rehistro pa kay Erica ang sinabi niya bago ito sumigaw. "WHAT?!" "Shhh! ‘Wag kang maingay! Nasa labas ako!" taranta niyang sabi habang palinga-linga sa paligid. "Nasaan ka?!" "Nasa labas lang, galing akong clinic."* "Omg! Sinong ama? Wait, seryoso ka ba? Ilang buwan na?!" Napabuntong-hininga siya at napaupo sa isang bench. "Two weeks na daw… Erica, anong gagawin ko?" "Syet, Bella! Two weeks?… So ibig sabihin, ‘yung gabing ‘yun?!" Hindi makapaniwala na wika ni Erica. "Huwag mo nang banggitin, Erica, please," mahinang sagot niya. "Syet. Syet. Syet. Bella, alam mo bang napakalaking problema nito? Hindi ito biro!" Ang sabi pa ni Erica na tila problema nito ang problema niya. "Kaya nga litong-lito ako! Ayokong malaman ng pamilya ko. Hindi pa ako handa, wala pa akong trabaho, hindi ko pa nga na itutuloy ang LET review ko! Paano ko bubuhayin ang batang ‘to?" "Ikaw? Wala ka pang sinasabi sa pamilya mo pero iniisip mo na agad ‘yan? Bella, seryoso ka ba? Sinong ama? Alam na ba niya?" "Wala, Erica. Ni hindi ko nga alam kung alam niya ang pangalan ko. Wala akong number niya, wala akong ideya kung saan siya nakatira. Wala akong clue kung ano ang plano niya sa buhay," napapikit siya at pinigilan ang pagpatak ng luha. "Wait, wait. Kanina lang iniisip mo kung paano mo maitatago ‘to sa pamilya mo, tapos ngayon iniisip mo na agad kung paano mo palalakihin mag-isa? Isa-isa lang, Bella. Hindi mo ‘to kayang itago nang matagal, pero may paraan!" Napabuntong-hininga si Bella at tumingala sa langit. “Ano’ng gagawin ko, Erica? Magagalit talaga sina Mama at Papa. Ang inaasahan nila, matutulungan ko ang pamilya namin, hindi ang magpalaki ng bata!" "Kaya nga. Kung ayaw mo pang sabihin sa kanila, siguraduhin mong may kakampi ka. Hindi ko sinasabi na itago mo ‘to habambuhay, pero kung hindi mo pa kaya ngayon, huwag mong pilitin. Pero girl, kailangan mo ng suporta." Napatahimik siya. Suporta. Pero kanino? Si Erica lang ang meron siya ngayon. At isang bagay ang alam niya—hindi niya kayang itago ito nang matagal. Pero para sa ngayon, isa lang ang sigurado. Hindi siya pwedeng magpatalo sa takot. Pagkauwi ni Bella mula sa clinic, pakiramdam niya ay pagod na pagod siya, hindi lang pisikal kundi pati emosyonal. Tulala siyang pumasok sa bahay, pinilit na huwag magpakita ng kahit anong emosyon na maaaring magdulot ng hinala sa kanyang pamilya. Pagpasok niya sa bahay, nadatnan niya ang kanyang ina na nag tutupi ng kanilang mga damit. "Oh, Bella? Kanina ka pa umalis, saan ka ba nagpunta?" tanong ni Carmena habang abala sa paghihiwa ng gulay. "Ah... ano kasi, Ma... dumaan lang ako sa apartment, inayos ko lang ‘yung mga gamit ko ro’n," sagot niya, pilit na pinapanatili ang normal niyang tono. Tumango ang kanyang ina pero halata sa mga mata nito na may iniisip pa itong iba. "Bakit parang ang tamlay mo? Masama ba pakiramdam mo?" "Ha? Hindi, Ma, pagod lang siguro," mabilis niyang sagot. Nilapitan siya ng ina at tiningnan ng mabuti. "Baka kailangan mong uminom ng vitamins. Baka naman nagpupuyat ka kakareview mo para sa LET?" "Medyo, Ma," sagot niya habang pinipilit na ngumiti. "Pero ayos lang ako, promise." Napabuntong-hininga si Carmena. “O siya, kung ganon. May ipapakiusap sana ako sa’yo. Hindi masusundo ng kuya mo si Kiera sa school niya kasi mag-o-overtime siya, tapos ang Papa mo may meeting pa. Ikaw na lang ang sumundo sa kanya, anak." "Ha? Ako?" Napakurap si Bella. "Eh, Ma—" “Wala nang kontra-kontra, Bella. Wala ka namang ginagawa ngayon, ‘di ba?" Wala siyang nagawa kundi ang tumango. "Sige po, susunduin ko si Kiera." Kahit gusto niyang magpahinga at mag-isip nang maayos, alam niyang wala siyang lusot dito. Kaya naman, nagpalit lang siya ng damit at lumabas na ng bahay para pumunta sa paaralan ng kanyang kapatid. Nag motor na lang siya para madali siyang makarating dun. Habang nasa gate ng eskwelahan, naupo si Bella sa isang bench at naghintay. Wala siyang ibang kasama maliban sa ibang mga magulang at guardian na naghihintay rin ng kanilang mga anak. Napasulyap siya sa paligid, tinatantiya kung gaano katagal bago lumabas ang kapatid niya. Dahil malalim ang iniisip, hindi niya agad napansin na may isang lalaking dumaan sa harapan niya. Isang matangkad na lalaki, naka-long sleeves at slacks, halatang hindi estudyante o guro kasi hindi naman ito naka uniform. Naglalakad ito patungo sa isang opisina malapit sa entrance ng paaralan. Nagkataong napalingon siya sa parehong oras na lumingon din ang lalaki. Saglit lang ang tagpong iyon, isang simpleng tinginan, na parang wala lang. Wala silang ideya na minsan na silang nagkatabi, nagyakap, at nagbigay ng init sa isa’t isa sa gabing hindi nila inakala na nagdudulot ng malaking pagbabago sa buhay ni Bella. Pero sa isang iglap, nagpatuloy lang sila sa kani-kanilang ginagawa. Pagpasok ni Rafael sa opisina, agad niyang tinawag ang kanyang secretary. "Mag-announce ka ng emergency faculty meeting in 15 minutes. May mahalaga tayong pag-uusapan." Utos ni Rafael dito. Mabilis na tumango ang secretary at lumabas ng opisina upang ipasa ang mensahe sa mga guro. Habang naghahanda si Rafael sa meeting, saglit siyang lumingon sa bintana. Natanaw niya ang ilang mga magulang na naghihintay sa labas, kasama ang ilang estudyante. Ngunit isang pigura ang bahagyang nakakuha ng atensyon niya—isang babae na nakaupo sa bench habang nakayuko at nag cecellphone. Hindi niya alam kung bakit parang pamilyar ito sa kanya. Napailing siya at tumalikod, bumalik sa kanyang lamesa. "Ano bang nangyayari sa'kin? Hindi ko naman siya kilala pero parang..." bulong niya sa sarili. Pinilit niyang iwaksi ang iniisip at nag-focus sa meeting, ngunit hindi niya alam na ang babaeng iyon ay may dalang sikreto na babago sa takbo ng buhay niya. Si Bella naman ay buntong-hininga, hindi alam kung bakit biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso. "Parang ang pamilyar ng lalaking ‘yon..." bulong niya sa sarili. Pero mabilis din niyang inalis sa isip ang ideyang iyon. Wala namang rason para isipin pa niya ang isang estranghero na dumaan lang. Hanggang sa lumabas na si Kiera at agad siyang nilapitan. "Ate! Sorry di kami pinapalabas ng teacher namin ng di pa tapos mag sulat eh!" Sabi ng kapatid niya. "Ayos lang yun. Tara na," sagot ni Bella, pilit na tinatago ang bumabagabag sa kanyang isip. Sabay na silang lumabas ng paaralan, hindi alam ni Bella na ang lalaking muntik na niyang nakasalubong ay ang lalaking babago sa takbo ng kanyang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD