bc

The Principal's Affair

book_age18+
44
FOLLOW
1K
READ
one-night stand
HE
office/work place
like
intro-logo
Blurb

"Isang gabing puno ng kapusukan ang nag-ugnay kay Isabella Zamora at Rafael Luis Grafton—isang estranghero na hindi niya inakalang muling makakatagpo. Dapat ay isang lihim lang iyon, isang pagkakamaling dapat kalimutan.

Ngunit sa muling pagtatagpo ng kanilang mga landas—hindi bilang magkaibigan, kundi bilang guro at prinsipal—mabubunyag ang isang lihim na matagal nang itinago. Sa gitna ng pag-iwas at pagkakaila, magagawa ba nilang talikuran ang nakaraan? O ang tadhana mismo ang pipilit sa kanilang harapin ito?"

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Pagkatapos ng limang taong pagsisikap sa kolehiyo, sa wakas ay natanggap na rin ni Bella ang kanyang diploma. Hindi siya ang pinakamatalino sa klase, pero ipinagmamalaki niya ang sarili dahil nalampasan niya ang lahat ng pagsubok. Isang selebrasyon ang pinagkasunduan nilang magkakaibigan, kaya naman nagpaalam muna siya sa kanyang mga magulang bago umalis. "Ma, Pa, pupunta lang po kami ng bar nila Erica. Celebration lang po ng graduation namin," paliwanag ni Bella habang tinatali ang kanyang buhok sa harap ng salamin. "Bar? Ikaw?" Napataas ang kilay ng kanyang ina. "Hindi ka naman mahilig sa ganyan." "Minsan lang naman po, Ma," sagot niya. "Tsaka hindi ako magtatagal." Bagaman nag-alangan ang kanyang mga magulang, pumayag na rin sila. Pagkatapos magpaalam, naghintay siya sa labas ng bahay habang hinihintay si Erica na sumundo sa kanya. "Aba, dalagang Pilipina, naghihintay ng sundo," biro ni Erica habang bumaba ng sasakyan. "Ready ka na bang magwala?" "Ano ka ba? Wala akong balak magwala, natatawang sagot ni Bella. Pagdating nila sa bar, agad nilang sinalubong ang ingay ng musika at ang makukulay na ilaw na pumapalibot sa dance floor. Sa simula, hindi mapakali si Bella. Hindi kasi siya sanay sa ganitong lugar. Ngunit nang matikman ang unang baso ng alak, unti-unti siyang nagrelax. "Okay ka lang?" tanong ni Erica nang makitang tahimik lang siya. "Oo naman," sagot ni Bella habang umiiling. "Pero parang gusto kong sumayaw." Hinila siya ni Erica papunta sa dance floor, at sa simula, kinakabahan pa siya. Ngunit nang maramdaman niya ang ritmo ng musika, hinayaan na niya ang sarili niyang sumabay. Habang sumasayaw, biglang may lumapit na lalaki sa likod niya. Hindi niya ito nakita, pero dama niya ang presensya nito. Nang lumingon siya, isang matangkad at gwapong lalaki ang nakangiti sa kanya “Mukhang nag-eenjoy ka," aniya, ang boses niya ay malalim at mapanukso. "Bakit? Bawal ba?" sagot ni Bella na may halong pang-aasar. "Hindi naman," sagot ng lalaki habang dahan-dahang inilapit ang mukha niya. “Pero mas masaya kapag may kasayaw ka." Nagulat siya nang biglang hawakan nang lalaki ang kanyang baywang, sapat lang para ipadama ang init ng katawan nito. Nag-aalangan si Bella, pero dahil sa alak at sa mapanuksong tingin ng lalaki, hindi niya nagawang tumanggi. "Hindi ba nakakailang sumayaw nang ganito sa isang estranghero?" tanong ng lalaki sa kanya bahagyang iniikot siya sa saliw ng musika. "Depende," sagot ni Bella, nakatitig sa mga mata nito. “Kung ang estrangherong iyon ay marunong sumayaw at hindi ako tinatapakan." Napangiti naman ang lalaki at nag salita "Mukhang mataas ang standards mo." "Siyempre naman," sagot niya, bahagyang ngumiti. "Bakit? Pasado ka ba?" Hinapit siya ni Rafael palapit sa katawan nito. "Bakit hindi natin alamin?" Sa sandaling iyon, hindi na niya alintana ang ibang tao sa paligid. Wala na siyang pakialam kung sino ang lalaki sa harap niya ang mahalaga lang ay ang sandali nilang dalawa. Matapos ang sayaw, bumalik siya sa kanilang table, pero dama pa rin niya ang kakaibang init na iniwan ng lalaki. Nagpaalam siyang pupunta sa CR. Ang hindi niya alam na ang desisyon na iyon ang magdadala sa kanya sa isang hindi malilimutang gabi. Sa halip na CR, isang VIP room ang napasukan niya—at doon na muli silang nagtagpo ng lalaki. Ngunit sa pagkakataong ito, wala nang distansya sa pagitan nila. Pagpasok ni Bella sa VIP room, agad siyang napatigil. Ang ilaw ay dim, at may isang lalaking nakaupo sa sofa, bahagyang nakasandal habang umiikot ang baso ng alak sa kamay niya. Hindi niya ito kilala. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi rin niya kayang alisin ang tingin dito. "Hindi ito CR," bahagyang nakangiting sabi ng lalaki, ang boses ay mababa at may halong pagod. Ito ang lalaki kanina sa dance floor "Mukha ngang hindi," sagot ni Bella, ngunit hindi siya agad lumabas. Ang lalaki ay matangkad, may matipunong pangangatawan, at ang tingin nito sa kanya ay para bang alam niyang magtatagal siya roon. "Mukhang hindi ka sanay sa ganitong lugar," dagdag ng lalaki, itinulak papunta sa kanya ang isang basong may alak. "Pero gusto mong subukan." Sa hindi maipaliwanag na dahilan, kinuha ni Bella ang baso at uminom. Umupo siya sa kabilang dulo ng sofa, nag-aalangan. Hindi niya alam kung bakit hindi siya agad umalis. Pero may kakaiba sa presensya ng lalaking ito isang pakiramdam na parang hindi sila estranghero sa isa't isa. "Alam mo 'yong pakiramdam na parang matagal mo nang kakilala ang isang tao kahit ngayon mo lang siya nakita?" tanong ng lalaki, bahagyang nakangiti. Nagtagpo ang kanilang mga mata. "Bakit? Ganun ba ang pakiramdam mo sa akin?" tanong ni Bella, bahagyang tumatawa upang itago ang bilis ng t***k ng puso niya. Hindi sumagot ang lalaki. Sa halip, hinawakan niya ang kamay ni Bella at marahang hinila ito patayo. "Halika," bulong nito. "Saan?" tanong ni Bella, pero hindi niya binawi ang kamay niya. "Sayaw tayo ulit pero hindi na sa maraming tao dito na lang tayo sa loob." Sa malambot na tunog ng musika, unti-unting lumapit ang katawan nila sa isa't isa. Mainit ang kamay ng lalaki sa bewang ni Bella, at ang bawat galaw nila ay parang sinasabayan ng sariling ritmo ng damdamin nila. "Hindi pa tayo nagkakilala nang maayos," bulong ni Bella, kahit na sa isip niya, hindi na iyon mahalaga. Hindi na rin siya na hiya siguro ay dahil ito sa alak, iba talaga ang tama ng alak nag iibang anyo siya. "Sa ngayon, hindi naman mahalaga 'yon, 'di ba?" sagot ng lalaki. Hindi siya makasagot. Dahil totoo sa gabing ito, wala nang ibang mahalaga kundi ang sandaling ito. "Kapag nagkita tayo ulit… baka doon natin alamin ang pangalan ng isa't isa," bulong ng lalaki, dahan-dahang inilapit ang mukha niya kay Bella. At bago pa man makapag-isip si Bella kung tama ba ito, naramdaman na lang niya ang mainit na labi ng lalaki sa kanya. At sa isang iglap, tuluyan na silang nilamon ng gabing hindi nila inaasahang babago sa buhay nila. Nagising si Bella sa isang hindi pamilyar na kwarto. Masakit ang ulo niya, at ramdam pa rin niya ang init sa balat niya. Nang lingunin niya ang tabi niya, nakita niyang mahimbing pang natutulog ang lalaking kasama niya kagabi. Hindi niya alam ang pangalan nito. At hindi niya alam kung gusto pa niyang alamin. Dali-dali siyang bumangon, nagbihis, at lumabas ng kwarto nang hindi nag-iiwan ng bakas… maliban sa isang bagay—ang kwintas na bigay ng kanyang ina na naiwan sa bedside table. ANG unang liwanag ng umaga ay pumasok sa kwarto, banayad na tumama sa mukha ni Rafael. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata, inaayos ang magulong buhok habang pilit inaalala ang nangyari kagabi. Napakunot ang noo niya nang mapansin niyang mag-isa na lang siya sa kama. Wala na ang babaeng kasama niya kagabi. Agad niyang nilibot ang tingin sa kwarto, at doon, sa ibabaw ng bedside table, may naiwan siyang hindi inaasahang bagay—isang kwintas. Pinulot niya ito at tiningnan ang maliit na pendant. Simple pero elegante. Tila may kakaibang pakiramdam siyang naramdaman habang pinagmamasdan ito. "Iniwan mo ako nang hindi man lang nagpapaalam... pero may iniwan ka namang alaala," mahinang bulong niya, may bahagyang ngiti sa labi. Bumangon siya, nagsimulang magbihis, at kinuha ang kwintas bago inilagay sa kanyang bulsa. Hindi siya madalas mag-isip tungkol sa mga panandaliang relasyon, pero bakit parang may kakaiba sa gabing iyon? Kinuha niya ulit ang kwintas "Sino ka ba? Muli tayong magkikita," bulong niya habang hawak ang kwintas. "Sigurado ako.” Samantala, sa loob ng isang taxi, si Bella ay tahimik na nakaupo, mahigpit na hawak ang bag habang pilit na hindi nagpapahalata ng anumang emosyon. "Kuya, paki bilisan po," mahina niyang sabi sa drayber. "Mukhang puyat ka, iha. Galing party?" tanong ng drayber na may halong biro. Mabilis siyang ngumiti kahit kinakabahan. "Ah, Nag-celebrate kami ng graduation,” sagot na lang ni Bella. Tumango lang ang drayber, at napabuntong-hininga si Bella. Dapat normal lang ang kilos niya. Walang dapat makahalata. LPagkarating sa malapit sa bahay nila, maingat siyang bumaba ng taxi. Inayos niya ang suot para siguradong walang makikitang kakaiba. Huminga siya ng malalim bago dahan-dahang naglakad papasok sa kanilang bakuran. "Dapat hindi halata..." bulong niya sa sarili. Tahimik niyang hinubad ang sapatos sa tapat ng pinto at sinubukang dumiretso sa kanyang kwarto nang— "Bella?" Napapitlag siya. Nakatayo ang kanyang ina sa may kusina, nakatawid ang mga braso, at nakatingin sa kanya ng matalim. "Kararating mo lang?" tanong nito, hindi mawari kung galit o nag-aalala na tono. Mabilis niyang inayos ang sarili at pilit ngumiti. "Ah… opo ma galing lang po ako sa apartment. Doon na lang ako nagpahinga pagkatapos ng party." Hindi agad sumagot ang kanyang ina, tila inaaral kung nagsasabi siya ng totoo. Naramdaman ni Bella ang panlalamig ng kanyang palad. Hanggang sa bumuntong-hininga ito. "Next time, mag-text ka naman. Alam mong hindi ako sanay na hindi ka umuwi. At saka malaki kana bella ha? Ka ga-graduate mo lang." Agad siyang tumango. "Opo, Ma. Sorry po, hindi ko na namalayan ang oras." Pagkahiga ni Bella sa kama, ramdam pa rin niya ang pagod sa buong katawan. Ngunit kahit pilit niyang ipikit ang mga mata, hindi niya maiwasang maalala ang gabing nagdaan—ang misteryosong lalaki na iyon, ang pakiramdam na para bang matagal na niya itong kilala, kahit hindi man lang niya nalaman ang pangalan nito. Nag-vibrate ulit ang cellphone niya. Isang tawag mula kay Erica. "Naku, patay!" Bulong niya sa sarili bago ito sinagot. "Bella!!" Halos pasigaw na bungad ni Erica. "Akala ko kung na paano ka na! Bakit hindi ka nag-text kagabi? Ang sabi mo magka-CR ka lang, tapos bigla kang nawala!" Napangiti si Bella habang bumaling sa kisame. "Erica… ang dami mong tanong." "Hoy, wag mo akong ginaganyan! Alam mo bang hinahanap kita?! Akala ko kinidnap ka!" Umiling si Bella kahit hindi siya nakikita ng kaibigan. "Tanga, bakit naman ako kikidnapin? Tapos na ang graduation natin, wala na silang makukuhang ransom." "Huy, seryoso ako! Saan ka ba pumunta? Nakita kitang sumasayaw, tapos biglang nawala ka. Tapos nung tinatawagan kita, hindi ka na sumasagot!" Bulyaw ni Erica. Huminga nang malalim si Bella at pinilit na huwag matawa. "Okay, okay… Bago ako mawala, may nakasayaw akong lalaki sa dance floor." "Anong lalaki?! Sino ‘yon? Kilala mo ba? Gwapo ba? OMG, Bella, ‘wag mong sabihing—" "Hindi ko siya kilala, Erica. Ni pangalan niya, hindi ko alam." "HA?! Pwes, anong nangyari?" Ungot pa ng kaibigan niya. Napakagat-labi si Bella. Hindi siya sigurado kung dapat niyang ikuwento ang lahat. Pero knowing Erica, hindi ito titigil hangga’t hindi siya umamin. "Nagkataon lang na nagkasabay kami sa isang kwarto. Pareho kaming lasing… and then… one thing led to another." Kwento ni Bella sa kaibigan. "ANO?! BELLA?! ISA ITONG MAJOR TEA!" sigaw ni Erica sa kabilang linya. "Gusto ko ng full details! Wait lang, may hawak akong popcorn!" Napatawa si Bella. "Ano ba, Erica! Hindi ito pelikula!" "Girl, halos buong college life mo tahimik ka sa mga ganitong bagay, tapos ngayon na graduate ka na, saka ka pa may pasabog? Hindi ko kinaya!" “Hay naku, tigilan mo ako…” Inikot ni Bella ang kanyang mga mata, pero hindi niya maiwasang matawa rin. "Pero seryoso, anong pakiramdam?” biglang tanong ni Erica, pero this time, may halong pag-aalala ang boses nito. "I mean… okay ka lang ba?" Muling napatingin si Bella sa kisame. Sa totoo lang, hindi pa rin niya alam ang sagot. Hindi naman siya nagsisisi, pero hindi rin niya alam kung tama ba ang nangyari. "Okay naman ako, Erica. Hindi ko naman ito plano, pero… hindi ko rin pinagsisihan. Basta… parang may kakaiba lang sa kanya. Hindi ko alam kung paano ipaliwanag." "Kakaiba? How? Like… feeling mo ba may connection kayo?" "Oo, parang ganun." "Hala! Bella, baka siya na ‘yon! Alam mo namang love at first sight is real!" Napa hagikgik si Bella. "Love at first sight agad? One-night stand lang ‘yon, Erica." "One-night stand? O isang simula?" pabirong sagot ni Erica. Umiling si Bella, kahit may bahagyang ngiti sa labi. "Baliw ka talaga." "Hoy, seryoso ako! Imagine, hindi mo siya kilala, hindi mo alam pangalan niya, pero na-feel mong may something kayo? Girl, parang w*****d lang!" Kinikilig na wika ni Erica.Natahimik si Bella. Hindi niya man gustong aminin, pero may punto si Erica. "Bella, sigurado ka bang hindi mo na siya makikita ulit?" tanong ni Erica matapos ang ilang segundo ang katahimikan. Napatingin si Bella sa maliit na lamat sa kisame ng kanyang kwarto. "Sigurado na ako, Erica. At mas mabuti na rin siguro ‘yon." "Tsk, sayang. Pero sige, ikaw bahala. Basta, kung may nararamdaman kang hindi mo maintindihan, nandito lang ako, okay?" Wika ni Erica. "Alam ko ‘yon, Erica. Salamat." Pagkababa ng tawag, ipinikit ni Bella ang kanyang mga mata. Isang gabi lang ‘yon. Isang pagkakamali na kailangan kalimutan. Pero bakit parang may kulang? At bakit hanggang ngayon, nararamdaman pa rin niya ang init ng yakap ng lalaking iyon?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.4K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.0K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.4K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook