Chapter 28

1689 Words

“KASALANAN mo talaga kung bakit tayo napunta rito.” “Anong akin? Kasalanan mo! Hindi mo sinecure ang restroom na ‘yon!” “Malay ko ba na papasok kayo ng restroom? Sana kasi nagpadala ka ng mensahe.” “Wow ha! So ano’ng ibig mong sabihin? Iti-text pa kita ‘pag naiihi ako o naji-jebs?” “Kasama mo si Ma’am Allenda, dapat mas naging maingat ka. Ayan tuloy. Paano tayo makalalabas dito?” “Ewan ko sa'yo. Gumawa ka ng paraan, kasalanan mo naman.” “Ikaw ang gumawa, ikaw ang nakaisip. Pareho tayong malalagot kay Captain Red at kay Boss Asul.” Naalimpungatan ako nang maulinigan ko ang nagtatalong mga boses. Napangiwi pa ako nang maramdaman ko ang pangangalay ng buong katawan ko. Gano'n na lang ang pagkagulat ko nang tuluyan ko nang naimulat ang mga mata ko. Nakatali ako sa isang silya! Sinubuka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD