“DROP your gun,” banta ni Dark Red kay Jerome. Nabalot ng tensyon ang buong silid na pinaglagyan sa aming tatlo. Tuluyan nang nakalas ni Jean ang tali sa kanyang mga paa. “Ang sakit ng katawan ko! Hayop ka talaga!” Binalingan ng huli si Jerome, na ngayon ay namumutla na. Sunod-sunod na nagsipasukan ang mga lalaking halos kasingtangkad lang ng kambal. They were all good-looking at mukhang mga descendants ni Adonis. Sandaling namang natuon ang atensyon ko sa kanya. Nakaigting ang kanyang panga at nagliliyab ang kanyang mga matang nakatingin sa 'kin. “One wrong move, Aragon, magkikita kayo ni Satanas.” “Hindi n'yo ako matatakot!” sansala ni Jerome at biglang nilapitan si Liberty. Itinutok niya sa ulo ng babae ang kanyang baril. “Jerome, tama na!” sigaw ko kahit hinang-hina na ako. “

