HE'S MAD AT ME. He changed a lot. Wala akong maramdamang ni katiting na pagkasabik mula sa kanya. Pakiramdam ko nagkamali ako ng desisyon na magpakita pa sa kanya. Kung tutuusin wala na dapat akong pakialam sa kanilang relasyong mag-asawa, pero hindi ko maatim na manahimik lang gayong alam kong niloloko siya ng Liberty na 'yon. "Seriously, Allenda? What have you done? Do you think babalikan ka pa niya ngayong may asawa na siya?" Natigilan ako sa pag-iisip ng kung anu-ano. I almost forgot that Ulises was on front of me. Napilitan akong sabihin sa kanya ang mga plano at ginawa ko para sakaling magkaproblema rito sa shop ay alam niya kung nasaan ako. "Hindi ko naman sinabing magkakabalikan kami. Wala namang official label sa amin noon as a couple, 'di ba?" "Then why are you doing this? Y

