MAY SALTIK SI ASUL. Hindi ko talaga maintindihan kung galit siya o hindi. Pagkatapos kasi ng encounter namin no'ng nakaraang araw ay hindi na siya ulit nagpakita. Hindi ko na siya naaabutang gising dito sa unit niya. Pero gano'n pa rin parati ang ayos ng buong unit sa tuwing dumadating ako, marumi at maraming nagkalat na mga bote. Sabagay. Okay na rin naman siguro na araw-araw siyang umiinom para araw-araw rin akong may lilinisin. Sayang naman kasi ng pinapasuweldo niya sa'kin. At gusto ko talaga siyang pagsilbihan. Kaya lang hindi ko rin ma-gets kung bakit naging daily routine niya na ang pag-inom. 'Pag nagtuloy-tuloy pa ang ginagawa niya, maaaring magkasakit siya. Hindi ko rin namang maiwasang mag-alala para sa kanya. Kung bakit ba kasi pinapabayaan siya ng asawa niyang mag-iinom nang

