"SO, YOU'RE THE EX." Nag-replay sa utak ko ang kanyang sinabi. Tila tumigil sa pagdaloy ang dugo sa mga ugat ko. I cursed inside my head. Kilala niya ako? Based on what she just said ay may ideya siya kung sino ako sa buhay ng asawa niya. And I admit, nakaka-bitter siya. I'm not just an 'ex'. I know I still hold a special place inside her husband's heart. Kasi kung wala, ano ang ibig sabihin ng nakita ko sa loob ng kuwarto niya? Hindi kaya naikuwento ako ni Asul sa kanya? Hindi kaya may alam nga siya sa nakaraan namin ni Asul? "Miss Aragon!" she snapped. Natauhan ako bigla sa pagkatulala. She was staring at me intently. Na para bang kinikilatis niya ang bawat anggulo ko. Kasingpula ng dugo ang kanyang mga labi. Her dark and perfectly curved brows made her appeal intimidating. Sana p

