Maaliwalas ang paligid at nagmistulang kulay asul ang kalangitan. Kapansin-pansin ang mga nagkalat na estudyante sa paligid ngayong araw ng Huwebes. Nagsusulat lang ako ng reviewer para sa last na subject na i-examine ko bukas. At napili kong tumambay dito sa grandstand kung saan nakaharap sa napakalaki at napakalawak na field ng lasalle na matatagpuan sa pagitan ng CBAA at Ugnayang Lasalle o gymnasium.
Nasa likod ito ng ULS. Bago ito ay parking lot muna.
Mainit ang panahon at kagagawan 'yon ni Haring araw. Tirik na tirik nanaman siya. Tanghaling tapat. Tsk.
Napabuntong hininga ako dahil sa pangangalay at pagod na din. Sana talaga matapos na talaga ang madugong examinations week kasi konti nalang parang bibigay na din ang katawan ko. Kagagaling ko lang sa lagnat last week dahil nga sa stress at pagod. Uwian pa ako. Nakakapagod talaga pero laban lang para sa pangarap. Lahat naman dumadaan sa ganitong karanasan.
Sabi nga nila magdorm nalang ako ulit. At gagawin ko talaga 'yon. Matapos lang tong prelim. Baka tuluyan ng bumigay ang katawan kop ag nagpilit pa kong mag uwian. Sobrang layo pa naman ng sa amin. Bailen to Dasma jusko pag di ka nga nautas sa biyahe na lagpas 5 hours dahil nagjejeep at bus ako pauwi.
Aasikasuhin ko na agad ang paghahanap ng dormitory sa sabado. I swear.
"you really loved studying, huh."boses ng lalaki ang narinig ko dahil di ito kalayuan sakin. Sa katunayan. He's sitting beside me. I look at him intently.
Hindi ko alam kung bakit ang hot niya. He's wearing a sunglasses. Malaya niyang pinagmamasdan ang field at ang mga estudyanteng nag P-PE doon. Hindi ako masyadong nagulat dahil medyo malakas ang pakiramdam ko ngayon kahit busy ako.
"hindi naman masyado."nahihiya kong sambit.
Ngumiti siya. Yung ngiting makalaglag panty. Omygod!
He look liked a Greek God! Para siyang Reflica ni Christian Grey? Wth?
Pero kasi. Hawig sila. Kaya mas lalo akong nahiya baka muka akong ewan. Tapos sakin pa siya tumabi.
"and you really like staring at me.."he teased me. Umirap ako at sinimangutan siya. Kapal din talaga nitong playboy na to. Tsk.
"Asa! Hindi no."pagtanggi ko kahit na obvious naman talaga. Nakikita na nga niya sasabihin pa. Di man lang sinarili nalang.
"ok..sabi mo eh. Bakit mag isa ka lang?"tanong niya habang nanatiling nakamasid ang mata sa field. Kapansin pansin talaga ang mahaba at makapal niyang pilikmata pati kilay lakas maka attract e. Gwapo talaga!
"kasi wala akong kasama?"pabalang kong sagot.
He smirked. "anong year mo na?"bigla niyang tanong. Akala ko mapipikon sakin, ngumisi lang siya.
"third."tipid kong sabi habang nagpapatuloy sa ginagawa ko.
"I'm thirdyear too. Anong course mo?"nakangiti niyang turan. Tumingin ako sakanya bago sumagot at tinigil saglit ang ginagawa ko.
"marketing.."tumango tango siya.
"ikaw?"tanong ko.
"Accountancy.."amaze na amaze ako sa sinabi niya. Gad! So? Matalino nga siya.
"ano bang ginagawa mo dito?"tanong ko. Kahit alam ko namang madalas talaga siya dito. Shh. Hindi ako stalker ah. Narinig ko lang. Halos lahat kasi ng mga babaeng taga building namin o kahit saang course o colleges siya ang bukambibig.
"wala tambay."tipid niyang sinabi. Ang alam ko kahit na playboy siya ay dakila itong suplado at napakasungit.
Nakakapagtaka lang na kinakausap ako nito at ang tino niya sakin. Hindi siya nagsusungit.
"kelan kapa ba naging playboy?"biglang lumabas sa bibig ko yung mga salita. Jusko! Sa isip ko lang dapat yun.
Bigla siyang natahimik at di agad kumibo. Halos manlamig ako sa nangyayari. Wrong talk, Dems. Lagot na. Kinabahan ako bigla.
"nevermind."sambit ko at binalin nalang ang tingin sa notebook. Tapos na pala ko. Aamba na akong tatayo ng hilahin niya nanaman ako paupo. Tsk. Napadakdak tuloy yung pwet ko sa bakal na inuupuan namin. Kaasar! Masakit yun ah!
"Why?"tanong ko. Sumeryoso ang muka niya at tinanggal ang sunglasses. Binalik niya iyon kanina nung matapos kong pagmasdan ang muka niya ngayon ay tinanggal niyang ulit.
Lalo ko lang napansin ang kagwapuhan nito. Ohmygod! Bakit ba may mga lalaking pinanganak na katulad niyang sobrang gwapo. Wala ng maipupula sakanya maliban lang sa pagiging playboy niya. Ang unfair talaga ni Lord.
"since, I realized that all things in this world is just temporary. Love doesn't matter. Enjoy life as long as you live."makahulugang sambit nito. Wala sa sarili akong tumango.
Ngumisi siya at sinenyasan akong umalis na. Moody. Akala ko talaga magagalit ito sakin. Buti nalang. Nakahinga ako ng maluwag.
Habang naglalakad ay di ko mapigilang isipin yung ngiti niya. Damn! That killersmile.
A killer smile of a hot playboy.. Kaya napangiti ako.
"uy! Bakit ganyan yung muka mo?"nagulat naman ako sa biglaang pagsulpot ni Angel sa gilid ko.
Napahawak agad ako sa dibdib ko saka huminga ng malalim.
"anong meron sa muka ko bukod sa maganda ako?"sagot ko kaya bahagya siyang tumawa.
"minsan maging humble ka naman, Dems. Actually, para kang sira diyang ngingiti ngiti."kumunot agad ang noo ko sa sinabi niya. Duh! I smiled like an idiot?
Bwisit kasing playboy. Pati ata sakin tumatalab ang charms niya.
"sus. Lika na nga. Uwi na tayo. Wala daw pasok sa Economics."sambit ko para maiba ang topic habang naglalakad kami sa hallway palabas ng campus. Ayokong magkuwento at malisyosa itong kaibigan ko.
Maraming tao kaming nakakasabay at nakakasalubong. May mga kotse ding nadaan.
Ang init parin. Hapon na naman. Hindi ko mapigilang magreklamo dahil di ako sanay sa init.
Sabay lang kaming tumawid. Tapos naghiwalay nadin kami agad ng landas.
Natapos agad yung exam namin ngayon. At last week nalang. Second sem na ulit. Bale, bago magsecond sem ay maghahanap na 'ko ng malilipatan ko.
Saan naman kaya? Ayoko naman sa Imus dahil malayo. Para saan pa ang pagtira ko kina tita kung magbabiyahe din ako. Hindi ako makakatipid imbis ganun din mapapagastos pa ako.
Naisipan ko munang tumambay sa Botanical Garden dito sa gate 1 sa likod ng CIH Building kung saan mga HRM students at mga tourism ang napasok. Sobra kasing tahimik at ganda doon. Preskong presko ang simoy ng hangin at nakakalibang ang mga paru-paro na nagliliparan sa paligid.
Suddenly habang dahan dahan akong naglalakad. May napansin ako sa kabilang kubo. Hindi siya kubo pero may bubong siya at lamesang gawa sa bato. Tapos may dalwang upuang gawa din sa bato. Gawa sa bato lahat pati ang pinaka poste nito.
Cream ang kulay at kulay maroon naman ang bubong.
Napansin kong nakaheadset nanaman siya habang nakasuot ng eyeglasses. I smirked. He looks like a handsome nerd.
Ayoko sanang istorbohin siya sa ginagawa niyang pagbabasa ng book sa Calculus kaya lang.
Ang bilis ng radar ng mokong. Tumingin siya sa direksyon ko. Napaiwas agad ako ng tingin at akmang hahakbang para pumunta sa kabilang kubo.
"you can stay here."aniya. Napalingon ako agad at nakita kong tinapik niya yung isang upuan. Bahagya akong tumango at bumuntong hininga. Baka isipin nito dakilang stalker niya ako. Kakainis. Bakit kasi kung nasan ako nandun din siya.
Pag upo ko nilabas ko nalang yung sketchpad ko at nagdrawing ng anime. Si Erza at Jellal ng fairytail. Favorite ko kasi silang characters.
"magaling ka palang magdrawing."puri niya. Akward akong ngumiti.
"salamat."tapos nanahimik na ulit kami.
Maya maya lang ay may tilas akong nakitang nagapang sa gilid ng mesa halos manigas ako sa kinauupuan ko dahil doon.
Nagulat ako ng hawakan niya ko sa kamay para itayo saka niya kinuha yung book niya at pinaalis yung tilas gamit ang libro.
"thankyou."pareho kaming natigilan at bumagsak ang tingin sa kamay naming magkahawak.
Oh my god! Umakyat na ata lahat ng dugo ko sa muka dahil doon. He smirked. Saka binitawan ang kamay ko at nagsorry.
Matagal din kaming tumambay doon bago tuluyang umuwi.