Marami nanamang event na ginaganap sa school gaya ng International Food Festival na mga taga HRM ang nag cocoordinate. Ang mga taga Liberal Arts naman ay nag gagather for their artistic Arts at iba pa. Marami ding tao na naglalabas masok sa Chapel. Maraming booth sa gate 1 na may iba't ibang binebenta. Ito yung nagmistulang tiangge kapag festival.
Napabuntong hininga ako dahil crowded nanaman at hindi alintana ang dami ng mga taong nagkalat dito sa school dahil Lasallian Festival nanaman. Para sakin boring ang festival. Lalo na at di naman ako mahilig makijoin sa mga activities..
Wala sa sarili akong naglakad sa campus. Sana di nalang ako pumasok. Kung di lang dahil sa accounting talaga. Naku.
I sighed. Pumasok agad ako sa classroom. At pag minamalas ka nga naman. Ngayon lang dineclare na walang pasok. Sabi ng mga kaklase ko. Nakakainis. Ito lang ang subject ko ngayon.
Napalingon ako kay Angel na kararating lang.
"wala daw pasok."walang gana kong sambit. Nakakapagtaka pang imbis na mabadtrip siya ay tuwang tuwa pa siya.
"talaga?"nagtatalon siya. Napaismid nalang ako.
"Bakit natutuwa kapa?"tsk. Napairap ako doon.
"kasi makakasama ako kina She.."aniya ng nakangisi. Kumunot ang noo ko sa narinig. Naupo kami sa isang table. Habang nag uusap.
"sino naman yan? Babae?"umiling siya agad.
"She Ilustrado. Ang gwapo niya be. Grabe! Yung lahi talaga nila jusko. Masyado silang pinagpala."sambit nito. Wala naman akong kibo. Dahil tama siya. Ang gwapo nga ng mga Ilustrado. Mayayabang nga lang lalo na si Kei.
Akala ko naman tahimik. Madaldal din pala. Ang dami niyang ugali.
Unti unti ng nagbabago ang tingin ko sakanya.
Madalas ko siyang makitang pinaprangka ang mga nagkakagusto sakanya. Sinasabihan niya ito in a harsh way. Sinasabi niyang tigilan na siya ng mga ito.
Kaya nga maraming babae ang naiyak. Pero kahit ganun siya may mga nagkakagusto padin sakanya. May mga napatol parin sa karisma niya. Kaya nga nababansagan na siyang Campus Boyfriend. Kada araw iba't ibang babae. Hindi man niya nagiging gf ang mga yon. Nakakalandian niya naman. Which is nakakaturn off.
Kaya nga naiwas nadin ako sa tuwing magtatagpo ang landas namin. Hindi naman siya naimik.
"hey girl. Back on earth.."todo kaway ng kamay si Angel sa harap ng muka ko. Napakurap ako bigla.
"ha?"ngumuso siya saka pinameywangan agad ako.
"Sabi ko mauna na kami. Andiyan na si She. Sabi ko kasi sunduin nalang ako."aniya. Tinaasan ko siya ng kilay pero tumili lang siya. Tsk. Ang hilig nila sa gwapo kaya sila nasasaktan e. Kahit playboy nagugustuhan. Napailing nalang ako sa nangyayari.
Bumuntong hininga ako at tumango. Saktong pasok naman sa room nila She at nung isang Ilustrado na di ko kilala e. Masyado silang marami. Pero di mo talaga makakaila na gwapo sila at may maibubuga. Mayaman din talaga ang angkan nila.
"Tara na?"yaya niya kay Angel. Panay ang tango ni Angel dito. Para na siyang patango. Tsk. Nakakahiya ang kaibigan kong ito.
"Ano? She. Alis na tayo."tumango lang yung She. Saka inakbayan si Angel.
"Fah,kasama sila Ugh?"tanong ni Angel. Bago sila mawala sa paningin ko. Sa wakas nakaalis na sila. Pinagtitinginan na sila ng mga tao. At halatang pinagpapantasyahan ng mga ito ang mga kasama ni Angel.
Tamad akong naglakad palabas ng room. May mga kaklase akong nakasalubong at bumabati sakin. Nginingitian ko lang sila.
Mag isa nanaman ako. Kainis. Nakakailang pa naman pag mag isa lang. Habang naglalakad ay may nakita akong binubully ng mga fourth year.
"Hahaha! Lampa. Pano ka ba naging Ilustrado? Bukod sa muka kang monggoloid napaka pangit mo. Hahaha!"panglalait ng mga ito saka sinipa siya ng pinaka mayabang sa anim.
"T-Tama na.."pagmamakaawa nung nerd. Tumaas ang kilay ko sa inis. Dahil halos tumalsik at magkabasag basag na ang salamin nito sa mata habang pinagpapasa pasahan ng anim. Tinutulak siya ng mga ito. Saka ginugulo ang buhok at uniform. Hindi talaga ako pabor sa mga bully dapat sakanila pinapatalsik ng eskwelahan. Ito ang ayoko sa ilang mayayaman, hindi ko nilalahat pero nakakainis talaga yung ganitong mga pag uugali.
Kahit na mahigpit na pinagbabawal dito sa school ang pangbubully ginagawa parin nila. Mga siraulo talaga.
"hahaha. Ano? Magsusumbong ka sakanila?"mayabang na sambit ng isang blonde ang buhok.
Napatingin ako sa nerd na halos tumabingi na ang salamin niya dahil sa marahas na pagtulak sakanya.
May sumuntok din sa balikat niya. At sinikmuraan siya. Nakaramdam ako ng galit sa nakikita ko pero wala akong magawa kundi ang ikuyom ang kamao ko. Magkaiba kami ng level hindi ako mananalo sa dami nila. Bago babae ako. Kaya pinagdasal ko nalang na sana may dumating at tumulong sa nerd.
"Aack!"daing ng mga lalaking estudyante at panay ang ungol ng mga ito sa sakit.. Napapikit ako. Balak ko na sana silang sawayin nang may tatlong dumating.
Nangunguna si Kei, kasama niya sila Meh at at Naa. Ang isa sa badboy ng IT.
"Kou, ano ayos ka pa?"tanong ni Meh. Hindi nakasagot ang nerd.
"mga siraulo kayo ah!."usal ni Naa. Sinamaan naman ng tingin nila Kei ang mga ito kaya napaatras yung anim at binitawan agad si Kou. Tumilapon ito sa sahig pati ang hawak nitong mga libro.
Nakita ko kung paano magalit ang mga Ilustrado. Lalo na siya. Kumuyom ang kamao niya bago pa man makatakbo ang anim ay naabutan na sila ng tatlo.
Agad na hinila ni Kei sa damit ang isa at sinipa ang isa pa.
Tinadyakan naman sa muka ni Naa yung isa at pinatid yung isa pa.
Nahambalos agad ng tubo ni Meh yung isa sa likod at sa binti yung isang blonde ang buhok.
"mga tarantado. Kung may galit kayo sa katulad namin. Wag dun sa mahihina. At walang kalaban laban."ani Kei. Nakakatakot siya. Parang anumang oras ay kaya niyang pumatay.
Malamig at pamatay ang mga titig nito. Pinagsusuntok nila yung anim. Hanggang sa malumpo ang mga ito at di man lang makatama o makalaban..
May mga nakakita at agad silang naisumbong sa may kinauukulan. Sumipa pa ulit si Naa bago iniwan yung mga nangbugbog kay Kou na bugbog sarado na ngayon.
"tatabi ka? O babanggain kita?"narinig kong sabi ni Kei sa lalaking nakaharang sakanya.
"sorry.."sabi nalang nito at tumabi. He's rude.
Napabuntong hininga nalang ako at naglakad paalis dun.
Ang dami niyang attitudes. Unti unti ko ng nakikita lahat..
Tumambay nalang ako sa deck gaya ng nakagawian. Nakatulugan ko na nga doon. Nagising lang ako sa tunog ng cellphone ko..
Si Angel lang pala nagtext. :3
** Dems, grabe! Ang saya nila kasama hindi ako na-op. Jusme. Ang hot magsexy dance ni She. Ang dami ding pagkain dito.. Omg! Andaming gwapo..**
Sabi sa text. I typed a reply..
** Enjoy. Basta mag iingat ka. Saka kung sakaling nag iinom kayo. Wag papasobra. Babae ka pa naman. Alright. Ingat be.**
Bumaba nalang ako sakay ng elevator at nagsimula ng maglakad sa hallway. Ang boring talaga ng buhay kolehiyo ko. Nakakalungkot pa. Tsk.
Nagsimula na akong pumara ng jeep. Sumakay nako at umandar na din ang jeep. Napalingon ako sa labas lalo na nung makita ko siya.
Nakakapagtakang ang isang Kei Ilustrado ay naglalakad.. Sa tabing kalsada. Saan ba siya nakatira?
Pumara na ako agad kahit wala pa ko sa kanto ng Papuntang summer wind. Kahit na malayo pa. Sa kabilang side ako ng kalsada, kung saan di niya malalaman na sinusundan ko siya.
Araw araw ganun na ang ginagawa ko. At sa iisang subdivision kami nagtutungo. Dun din ako kumuha ng dorm.