Kabanata 5

1262 Words
Demonise Point Of View Sa sobrang daming nangyare sa inaraw-araw na pagpasok ko hindi ko maintindihan kung bakit ang boring parin. Nakakaasar na. Hanggang ngayong college ba hindi ko parin mahahanap yung happiness ko? Tatanda ba akong dalaga? Kabadtrip naman. Ano ba talagang kulang sakin. Ikaw? Alam mo ba kung anong kulang sayo? "lovelife! Yun ang kulang sayo. Grabe ka naman kasi Lilienne! Maganda ka naman. Manhid ka nga lang!" napalingon ako agad sa magkaibigang nag uusap. Ang lakas masyado ng boses nila to the point na rinig na rinig dito sa pwesto ko. Jusko. "wala na bang iba? lovelife talaga? Palibhasa ikaw. Puro ka pag ibig e. Ang hilig mo sa lovelife. Kaya tuloy yung grades mo puro 70. Pa thinking thinking out loud kapa dyan." despensa nung Lilienne na maganda. May hawak itong libro. "sa yun ang themesong namin ni baby eh."nakasimangot na sabi ng kaibigan niya. "ewan ko sayo. Walang forever. Till 23 lang kayo. Hmmp!"nagwalk out yung Lilienne at sinundan naman siya nung kaibigan niya. Dahil sa nasaksihan at narinig wala sa sarili tuloy akong napatanong. Sa'kin? Lovelife din ba ang kulang? Jusko naman. Nasapo ko nalang ang aking noo sa kalokohan. "what are you doing here? Beautiful."may biglang nagsalita kaya agad akong napalingon sa direksyon nito. Sino nga ulit ito? kumunot ang aking noo at pinanliitan ko ito ng mata habang pilit inaalala ang pangalan but to no avail di ko talaga matandaan. "I'm Fah. And you are?"napansin niya naman ang pa-ngingilala ko at narealize ko bigla na dahilan kaya napangiwi ako. Jusko! Napapalapit ata ako sa Ilustrado. Napansin ko naman ang hawak niyang bola ng basketball. He's wearing a jersey. Ilustrado number 10. Ah-uh. "Wala lang. Ikaw?"matagal bago ako nakasagot. Ngumiti siya ng pagkalapad lapad saka iniabot sakin ang isang kulay puting bondpaper maliit lang yun. Sapat na para mabasa ko. "punta ka."saad nito. Napanganga ako nang mabasa ang nakasulat. Malapit na ang birthday party ko. Invited ka. Punta ka sa rooftop mamaya after class. Ibibigay ko ang invitation. - Kei Pagkatapos ipabasa sakin ang sulat. Tumayo na siya at agad na nagpaalam. "Hihintayin ka niya. Sige. Una na ako!"nakangiting sambit nito bago tuluyang umalis. Ano kayang nakain ng playboy na 'yon at naisipan akong imbitahin sa birthday niya pa talaga. Kaya naman halos buong vacant ay hindi ako mapakali sa pagkakaupo ko. Wala akong ginawa kanina pa kundi magtayo upo. Omygod! Ayoko na sanang magkrus pa ang landas namin ng lalaking yun! Pero bakit ganito? Kung anu-ano nanaman ang napasok sa isip ko. Saka ayokong mapabilang sa mga babae niya. Mababaliw ako sigurado. T*nga pa naman ako pagdating sa pag ibig minsan lalo pag gusto ko talaga. Ayokong mahulog baka hindi niya ko masalo. Masasaktan lang ako sigurado yan. Narinig ko namang nag uusap ang ilan sa mga estudyante ng DLSU-D. Panay ang tili at kilig ng mga ito. "Nababaliw na ata ako kay Kei,bebe. Ang gwapo niya grabe ang galing niya pa magbasketball shocks! Di bale ng mapaos kaka cheer sa pangalan niya!"malanding sabi nung babaeng blonde ang buhok. "Oo nga e. Nakakabaliw siya kahit na magpawis pa siya o ano. Parang gusto kong punusan yung mga pawis niya kanina girl!" todo tili din yung babaeng kasama niya. Bigla ko tuloy naimagine yung itsura niya. Omy! Ang hot! s**t! Tipong dahang dahang natulo ang pawis sa noo at leeg niya. Deym! Why so fuckin' hot?! Halos magharumentado ang baliw kong puso sa imahinasyon. Sobrang gwapo talaga nito at napakaganda rin ng hubog ng katawan na may matitipunong muscles. "Huy! Nababaliw kana? Ang epic ng itsura mo girl. Para kang naiihi na ewan. Natatae kaba?"sambit ng walanghiya kong bestfriend! Tae! Nakita niya pa ko sa ganoong itsura at posisyon. Nakakahiya. Nakakainis talaga ito kung minsan ang hilig manira ng moments at pinahiya pa ko. Tsk! Para naman akong binuhusan ng tubig nang bumaling sa conscious niyang muka nang maalala ang imbitasyon ng womanizer na iyon. Napansin naman nito ang pagkabalisa ko. Napangiwi ako dahil sa pagtaas ng kilay niya. "sa totoo kasi niyan.." gad? Sasabihin ko ba sakanya? Nakakaloka! "Ano.. Ah.."inaantay niya ang sasabihin ko nang mapaupo ako sa lupa. Gaaad! Di ko alam kung anong gagawin ko? Huhu.. Bakit kasi niyaya niya pa ako!? Wala naman akong gagawin sa party niya. Saka kelan ba yun? Waaaaah! Sigurado akong maraming sikat na modelo at businessman ang magpupunta doon.. Kilala ang Ilustrado sa industriya ng business isa ang pamilya nila sa nakikipagkompetensya sa Martin, Guerrero at maging sa Fortalejo group of company. Hindi pa naman kami mayaman. Hindi ko afford ang gown. Saka saan naman ako manghihingi. Hindi ako palahingi ng pera kina mama at papa. Gaad! "ano nakalimot kana naman? Back to earth, Dems! Umayos ka nga. Ano ba kasi yun? Binibitin mo naman ako e."ngumuso ako at nilingon muna ang paligid saka mahinang bumulong sakanya. "Gah? O! Anong pinoproblema mo? Ang swerte mo nga ..Sa sungit nun akalain mo nag aya sa birthday niya.. Sobrang suplado kaya nun. Ang sungit sungit kala mo laging galit sa mundo. Ang harsh pa magsalita. Grabe.. Pero mukang mabait naman siya sayo?"tumango ako. Oo nga. Bakit ang bait niya naman ata sakin? "Baka type ka niya."halos matapilok ako sa narinig ko mula sakanya. "asa naman no. Wala pa ko sa kalingkingan ng mga babaeng natitipuhan nun. Saka ano kaba! Ayoko sa playboy nuh."despensa ko agad. "sus kakainin mo din yang sinasabi mo. Ang gwapo niya kaya. Halos malaglag na nga panty ng mga babae dito sa school sa tuwing naghuhubad ng shirt yun."halos mangislap ang mata niya. "problema ko saan ako kukuha ng gown kung sakaling nakapormal ang theme ng party niya?"tanong ko. Ngumuso siya. "marami ako. Wag kang mag alala."sabi niya. Tumango ako at ngumiti. Bumalik na kami sa room at gaya ng palaging nangyayari ay nagsimula na ang klase at agad ding natapos. Lutang ang isip ko simula hanggang matapos ang klase namin sa Entrepreneurship. Kasi naman. Nakakakaba. Hindi naman ako mahilig talagang dumalo sa mga party. Lalo na sa hindi ko pa ganap kakilala. Oo at nagtatagpo ang landas namin pero di ibig sabihin na close na kami at nakuha na niya ang tiwala ko. We all knows na isang dakilang playboy ang isang yun. Nakakatakot siya kasama.. Tinapik ako ni Angel para magpaalam. Tinanguan ko lang siya. "text mo ako kapag nasabi na niya kung kelan yun para mahanapan na kita ng gown mo girl."halos mapapitlag ako ng marinig ang sinabi niya! Omygod! Bat ba nakatunganga pa ko dito? Sabi nga pala niya ay magkita kami sa rooftop. Para sa imbitasyon. Agad akong tumango kay Angel at mabilis na nilisan ang room. "Text nalang kita agad. See you tom!"sigaw ko. "Oo! Ingat! Goodluck."aniya ng natatawa. Umalis na ako dun. At tinakbo ang distansya ng room at elevator. Agad kong pinindot ang button at sumakay pataas. Humahangos akong umakyat ng hagdan. Deck nga pala to. Anong rooftop pinagsasabi niya? Kaloka siya! Rooftop ang tawag niya sa deck. Jusmiyo! Pagkatapak ko sa labas ng elevator ay nakita ko agad ang broadshoulders nito. Gad! Kahit na nakatalikod halatang gwapo. "Sorry! I'm late."paghingi ko ng paumanhin. Dahan dahan siyang humarap at nagsalubong ang kilay. "you need to pay for my time. Since you're 10 mins late. You need to kiss me three times, hug me two times, and date me five times."halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. Magpoprotesta na sana ako nang bigla siyang humalakhak. "just kidding. Kung nakita mo lang ang itsura mo. God, ang epic."humalakhak siya. Agad akong tumakbo at pinaghahampas siya sa balikat. "Whoa. Easy!"nakangising sambit nito. Habang sinasalag ang mga kamay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD