Dumating na ang kaarawan ni Kei. Sobrang dami ng tao sa loob ng mansion nila. Dito kasi gaganapin ang party ni Kei. Sa labas pa nga lang kitang kita na ang nagsusumigaw na karangyaan. Kitang kita agad ang ilaw na nagmumula sa loob ng mansion nila. Ang mga flag na maayos na nakatayo sa bawat parte ng gate. Ang isang napakalaking tarpaulin na nakapose si Kei habang nakaupo. May mga kuha din siyang nakatayo. Sobrang gwapo niya talaga. Espanyol na espanyol ang itsura niya. Sobrang gwapo.
Balik sa venue.. Pang lalaki ang itsura ng party. Natural lalaki ang magdiriwang ng kaarawan ngayon. Gusto ko sanang sabihin sainyo kung anong date ngayon pero ayaw ipasabi ni Kei. Hahaha! Sorry guys!
Napapalibutan ng mamahaling statue ang kanilang mansion mula sa harap. Hanggang loob pati mga antique.
Nagwawala din ang mga chandelier maging ang mga neon lights. Okay! Maayos ang pagkaka set up noon. Dahil nasa mismong harapan kung saan may malaking entablado ang mga neon lights. May mga tent din na may ribbon sa taas. Parang may kasal lang ah.
Nagtaka naman ako nang bigla akong akayin nila She at Fah. "saan niyo ko dadalhin?"tanong ko sa dalawa na may halong pagtataka. Pinagtinginan na nga kami ng mga tao.
"Ang ganda mo ngayon ah."panunuya ni She.
"palagi naman siyang maganda tol."dugtong ni Fah. Napangiti nalang ako.
Napadpad kami sa isang hagdan at sumenyas sila na tumaas ako. Sa loob parin to ng mansion. Parang nakakahiyang maglakad dito. Sobrang kintab ng sahig at ng mga gamit ultimo itong hagdan. Kulay gold!
"eh?"tumawa sila pareho saka pinagpilitang tumaas na ako.
"dahan dahan ah. Pagtaas mo. Diretso ka tapos kanan tapos kaliwa tapos kanan ulit. Pag may nakita kang puting pintuan na may lining na brown katok ka dun.."tumango ako at tumaas na. Sinunod ko yung sinabi ni She at Fah.
Nakakamangha talaga ang itsura ng mansion nila. Maraming pinto akong nakita at nadaanan. Halos tulad tulad maliban lang sa pintong nasa harapan ko. Ang pintong tinutukoy ng dalwa.
Kakatok palang ako ng bumukas ito. Saka niya hinila ang kamay ko papasok sa loob.
Halos malaglag ang panty este ang panga ko ng makita kung gano siya kagwapo! Omygod! Is this for real?! He's wearing a black mask. Tapos naka black tuxedo siya.
He look so damn handsome! Hindi ako agad nakapagsalita. Natulala lang ako sakanya.
"do i look so fuckin' disappointing?"halos paos ang boses niya. Lemme say. Husky! Oh my! Bakit ganito ang epekto niya sakin? Nakakabaliw. Este nakakaloka. Anoo ba?! Bakit kasi sobrang gwapo niya talaga.
Tapos ang husky ng boses niya ngayon. Ano bang nangyayari sakanya?
"uh-hindi. Ang gwapo mo nga e."humakbang siya palapit sakin. Nasakop niya naman ang distansya sa pagitan namin. Napaatras na ako sa pinto. Gayong nakasara ito ay sagad na ko sa limitasyon.
Seryoso ang muka niya habang ang mga mata niya ay titig na titig sakin. Hinagod ng almond niyang mata mula paa hanggang ulo. Pababa sa malusog kong dibdib. Damn pervert! Halos mag init ang pisngi ko sa ginagawa niya. Matagal bago niya alisin ang pagkakatitig sa dibdib ko hanggang sa mapatitig siya sa labi ko nang mag angat siya ng tingin sa muka ko. Sumilay ang ngisi doon.
"really?" wala sa sarili akong tumango. He licked his lowerlips saka tumitig ulit sa mata ko.
Para akong nahihypnotized sa mga mata niya. Para akong napako at nanlambot dahil sa dahan dahang pagtunaw ng mata niya sa kabuuan ko. Para siyang apoy at ako ang kandila. He looks so damn hot. Kaya napapaso ako.
Walang pasintabi niya akong hinatak palapit sakanya. His breathing is heavy katulad ng nararamdaman ko. Para akong malalagutan ng hininga. Oo at airconditioned ang kwarto niya dahil kita ko sa gilid ang aircon. Pero nag iinit ako, i mean yung pakiramdam ko. Gosh!
"you look so damn hot,baby..on your red dress.."sambit niya saka inilapit ang muka sakin. Sa leeg ko. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang dumampi ang mainit niyang hininga sa leeg ko. Bigla akong nakaramdam ng kiliti.
Inayos niya ang pagkakababa ng gown ko.
"you're my date tonight. Let's go.."aniya sa isang seryosong boses. Pero parang ang lambing nun sa pandinig ko. Gosh. Hinawakan niya na ang doorknob at pinihit yun para makalabas na kami. Hinawakan niya agad ang kamay ko at sabay kaming naglakad pababa sa hagdan. Kung saan napakarami nang naghihintay. Pinakilala siya ng kuya niya Dax. At sinundan kami ng mga guests palabas kung saan papunta sa stage.
Halos manlamig ako dahil sa mga taong nakatingin samin. Ang iba ay nakangiti. Samantalang nagbubulungan ang iba. Marami din akong nakitang halos tumirik na ang mata kakaikot ng eyeballs nila dahil sa ako ang date ni Kei. Ang pantasya ng bayan.
Pinakilala siya ng emcee..at nagsimula na ang program.. Wala naman akong naintindihan nakakaloka. Nakakanosebleed. Nagspeech lang saglit si kei. Bago bumalik sa tabi ko.
" sa totoo lang ayoko ng ganitong celebration. Ayos na sakin yung simple lang. Kahit bar nga lang o turo-turo ayos na ko. Di naman ako katulad nila Meh magastos. Kaso wala. Sila ang masusunod ngayon. Lalo na at 21 years old na ko ngayon."natawa naman ako pero deep inside natouch ako. Napakasimple niya talaga. Maporma lang siya saka maangas pero kung titingnan mo at kikilalanin siya ng lubos. Hahanga ka.
Bihira nalang kasi ang lalaking katulad niya. Although saksakan ng yabang at angas. Pero may prinsipyo.
Nagsimula ng tumugtog ang music. May mga nagsasayaw na.
Nagulat ako nang tumayo siya sabay bahagyang yumuko at maglahad ng kamay.
"Can I dance the most beautiful girl?"ngumiti siya kaya nahawa na din ako. Ngumiti ako at tumango. Nilapag ko ang kamay ko sa palad niya.
"It's a pleasure to dance with you, handsome."maligaya kong sambit..
Let's take our time tonight, girl
Above us all the stars are watchin'
There's no place I'd rather be in this world
Your eyes are where I'm lost in
"happy 21th birthday, Kei."sambit ko habang nagsasayaw kami. Ngumiti lang siya. Dahilan para makita ko ang mala-model ng close up niyang nagpuputiang ngipin.
Underneath the chandelier
We're dancin' all alone
There's no reason to hide
What we're feelin' inside
Right now
"can we be friends?"tanong niya bigla. Nagtaka naman ako dahil si Kei?inaalok akong maging kaibigan niya? Gah? Kasi di siya nakikipag friends e yun ang alam ko. Grabe!
So, baby, let's just turn down the lights and close the door
Ooh, I love that dress, but you won't need it anymore
No, you won't need it no more
Let's just kiss 'til we're naked, baby
Nginitian ko siya. At agaran na tumango.. Halos magsusuntok naman siya sa hangin sa tuwa. Natawa nadin ako. Ang moody talaga. Para yun lang. Mababaw pala ang kaligayahan ng isang ito. Nakakatuwa naman.
Versace on the floor
Ooh, take it off for me, for me, for me, for me now, girl
Versace on the floor
Ooh, take it off for me, for me, for me, for me now, girl
After namin magsayaw ay nakihalubilo muna kami sa mga bisita niya at ipinakilala ako bilang kaibigan. Nakita namin ang pwesto ng mga Ilustrado kaya doon kami naupo. I smiled at them nang makalapit kami. Bumati naman sila sakin ng nakangiti.
"andito pala ang Dyosa, kaya naman pala excited ang mokong kanina pa."kantyaw ni Nou. Nahihiya akong ngumiti at yumuko. Binatukan naman ni Kei si Nou at di na nagsalita pa. Ipinaghila niya ko ng upuan sa tabi ni Dax ang panganay nilang kuya. Tumango lang ito sakin na siyang kinatango ko bilang pagbati.
Nagpatuloy ang pag iinom nila since tapos na silang kumain. Nakisama nalang ako kaya napainom ako ng kaunti. Hindi ako nagpasobra dahil malayo pa ang uuwian ko.
Hinatid na din niya ako pauwi nang bandang alas dose. Nagpasalamat naman ako nang safe akong makauwi. I mouthed thank you. Humalik siya bigla sa pisngi ko bago sumagot. "You're welcome."husky nitong boses na sumagot. Hindi ko na pinansin ang simpleng gestures niya. Sadyang normal sakanya ang mga ganoon kaya dapat na kong masanay since magkaibigan na kami.
Sa paglipas ng mga araw mas madalas kong makasama si Kei kesa kay Angel, may sariling mundo rin kasi ang isang 'yon. Kinalimutan na ata ako. Buti nalang at nakakasama ko ang isang to, hindi ako out of place. Kaya lang sakit sa ulo ang mga babaeng nagkakagusto rito dahil kulang nalang ay sabunutan ako kung makatingin ay papatay na.
"nagugutom ka ba?"tanong nito. Tumango ako kaya nagpunta lang kaming University Food Square - an al fresco food court, where most of themembers of the DLSU-D community gather to eat. Kumain kami ng BBQ at umorder ng ilang Filipino cuisine gaya ng Adobong manok at Ginataang gulay. Umorder naman siya ng Bonchon Chicken na spicy flavor. Napakahilig nito sa maanghang at di siya masyado mahilig sa Filipino foods. Understood naman iyon dahil anak mayaman siya. Siya din ang nagbayad ng kinain namin. Simula nang maging magkaibigan kami at ikuwento ko sakanya ang estado ko sa buhay ay naging mas mabait siya sakin. He always treat me, kahit na madalas ay natanggi ako. He insist kaya hindi na ko makaangal at walang nagawa kundi tanggapin ang anumang binibigay niya. Bukal naman daw iyon sa kanyang kalooban.
"ano pang gusto mo?"tanong nito ng maubos ang inorder namin. Umiling na ko pero agad itong tumayo at pag balik niya ay may hawak na siyang dalawang Pint ng Ice cream kaya napangiwi ako. Malaki iyon para sakin at kakain lang namin. Inosente nitong inabot ang icecream na kinailang ko dahil sa hiya. Nagtitinginan na rin ang mga tao samin. For the first time kasi nilang makita ang isang Kei Ilustrado mag asikaso. Napakalambing at bait nito sakin bagay na di nito ginagawa sa iba kundi sakin lang. Tinaasan ako nito ng kilay kaya kinuha ko nalang ang inaabot niya since nabuksan na niya at nalagyan ng spoon. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako paalis. Wala siyang pakielam sa ibang tao pero dahil alam niyang mahiyain ako at ayokong maging center of attractions ng lahat ay iniiwas niya nalang ako.
Dumiretso kami sa may lake at naghanap ng kubo doon para doon maupo. Walang masyadong tao ngayon dahil malapit na matapos ang breaktime. Swerte lang namin dahil mamaya pang alas dos ang pasok ko. At ang lokong kasama ko ay walang balak pumasok sa sarili niyang klase para samahan ako. Hindi ako pabor doon dahil parang ako pa ang nagiging dahilan ng pagiging bulakbol nito. Pero wala akong magawa dahil mas nasusunod ito sa gusto niya. I sighed.
"di mo rin talaga hilig ang Black Forest ano?"pansin ko rito na sarap na sarap talaga sa tsokolate. Mananaba ako sa ginagawa niya. Buti pa siya hindi kailangan magmaintain dahil natural ang ganda ng katawan nito. At kahit madaming kainin ay hindi nataba. Mas lalo pa ngang nagkakalaman at nagiging macho. Unfair talaga ni Lord. Nung nagpaulan ng kagandahang lalaki at katawan binuhos lahat sa lalaki.
"yeah. Kahit isang gallon pa kaya kong ubusin."mayabang nitong sambit. Napailing nalang ako.
At tinapos kong ubusin ang ice cream na hawak. Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga lang kami at nakinig ng music. Hanggang sa makatulog ulit siya. Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. Nagbabasa lang ako ng mga lesson dahil madalas may surprise quiz sa ibang mga subject. Gusto kong mamaintain ang grades ko. Pang bawi man lang sa sakripisyo at hirap ng magulang ko sa pag papaaral nila sakin.
Pinakinggan ko ang kanta ng We The Kings na Sad Song habang nagbabasa.
You and I
We're like fireworks and symphonies exploding in the sky
With you, I'm alive
Like all the missing pieces of my heart, they finally collide
So stop time right here in the moonlight
'Cause I don't ever wanna close my eyes
Without you, I feel broke
Like I'm half of a whole
Without you, I've got no hand to hold
Without you, I feel torn
Like a sail in a storm
Without you, I'm just a sad song
I'm just a sad song
Sobrang ganda talaga ng kantang to. Hindi nakakasawang ulit ulitin. Ginising ko na si Kei nang mag 1:30 na dahil malayo pa ang building ng CBAA. Cute itong nagmulat ng mata saka kinapa ang magkabilang labi kung may kalat. At nang mapansing wala ay tumayo na. Hinatid niya ko sa room 306 dahil doon ang sunod naming subject bago siya umalis para magtungo sa sarili niyang klase.