KABANATA 29: DEAL 4 years ago... “HAPPY SECOND ANNIVERSARY again, mahal,” pagbati ni Leon. Nasa sasakyan na sina Leon at Stella para umuwi. Kagagaling lang nilang dalawa sa date. Masaya naman si Leon na ipinagkatiwala sa kaniya si Stella ng mga magulang nito. Ito ang kauna-unahang gabi na hinayaan siyang hiramin ito. Habang hindi pa tumatakbo ang sasakyan, hindi mapigilang mapatitig ni Leon kay Stella. Nasisilaw lang siya sa kagandahan nito lalo na sa makinis na binti nito. Hindi naman niya mapigilan ang sarili na mapatitig sa dibdib nito. Sa makinis nitong hiwa na nagpatigas ng p*********i niya. Dahan-dahan na umusog si Leon palapit kay Stella. Nang mas makalapit siya rito, inakbayan niya ito. Hindi naman niya mapigilan ang sariling haplusin at pisilin ang braso nito. Wala lang iyon k

