KABANATA 28: MARIA’S THREAT “BIRO LANG, STELLA, pinapakaba lang kita,” nakangiting sabi ni Cobra. Napabuntonghininga naman si Leon nang binawi ng ama niya ang sinabi nito. Ang ayaw niyang malaman ni Stella ay may nakaraan siya sa kaibigan nito. Kahit tapos na iyon, para sa kaniya, nakaiilang iyon isipin lalo pa at kaibigan ng asawa niya ang babaeng binayaran ng isang gabi. Bagaman hindi pa iyon maduming babae noong panahong iyon dahil siya ang nakauna, pero hindi pa rin maganda kung malaman pa ng asawa niya ang tungkol doon. Ayaw niyang makaramdam din ng ilang si Stella. Bumuwag na sa pagyakap si Leon at hinaplos ang mukha ni Stella. Hinalikan niya naman ito sa noo dahil mukhang hindi pa rin ito kumbinsido sa sinabi ng ama niya. “Dad, look what you’ve done,” sabi ni Leon. Napangiti na

