KABANATA 27: STELLA’S INTUITION Present Day “TINITITIGAN MO NA naman ako. Ginagawa mo na naman ang hubby mo noon. Noong muntikan ng maging tayo,” pang-aasar ni Cobra habang nagmamaneho. “May naisip lang ako. . . may ibang nililihim ka pa ba sa akin?” seryosong tanong ni Stella. Tipid na ngumiti si Cobra. “Napatanong ka?” “Naalala ko lang kasi ang nakaraan. At matapos ang kasal ko lang nalaman kung bakit galit na galit sa iyo si Leon. Inagaw mo pala ang first love niya. Pwede na bang magtanong? Sana this time maging honest ka sa akin.” “Kiss your daddy in law first.” Napangiti si Stella. “Wala ka talagang pinagbago. Pero ito seryoso, bakit ka ganyan? Alam kong mabait ka, pero bakit ka ganyan kay Mommy Riza? Bakit hindi mo na lang siya mahalin? Asawa mo siya at may anak kayo.” “Kasi

