Mabilis lang ang takbo ng oras. Kasisimula ko lang kanina nang tumunog na ang alarm ng cellphone ko, hudyat na lunch time na. Agad kong binaba ang nire-review kong document at inayos na ang mga gamit. Uuwi pa ko sa condo ni Connor, papakainin ko ang mga bata. Gaya kase ng sabi ko kanina, hindi sila kakain pag wala ako. Hanggat maaari kahit may yaya na sila, mas gusto ko pa rin maging hands on sakanila. Hindi naman mabigat na gawain 'yon lalo na't para naman sa mga anak ko. PIlit ko talagang iniiwasan ang mga naranasan ko noon. Kulang ako sa kalinga ng magulang, ayokong maging gano'n ang mga anak ko. Hanggat kaya ko, gagawin ko. I will shower them with love and care because my precious twins deserves it. My world evolves with them, ayokong maramdaman nila na pinapabayaan ko sila.

