Doon nagsimula ang kalbaryo ko, o mas magandang sabihin na doon ako nawalan ng gana mabuhay. Todo ang iyak ko noon nang malamang byinahe na agad nila ako papunta sa Paris dahil sa utos ni Connor. Nalaman ko rin na halos isang buwan na akong buntis. Tinangka kong magpakamatay... Napigilan lang ako ng magkakapatid at binigyan ng isang psychiatrist. Hanggang sa unti-unti na akong bumabalik sa dati, ang paglaki ng tiyan ko sa mga sumunod na buwan ang nakapagpa-realized sa akin na hindi ko dapat sayangin ang buhay ko. Lalo pa't nalaman kong hindi lang isa ang sanggol na nasa sinapupunan ko. Tuwang tuwa ako lalo na nang malamang magkakaroon ako ng kambal. Kahit hindi pa ako totally ayos dahil sa mga nangyari, pinilit ko ang sarili kong maging maayos for the sake of my twins. Umuwi sil

