CHAPTER 8

1645 Words
"Iha, mas mabuti pa sigurong sumama ka na sa Manila, mas mapapabuti ka roon kesa dito na nagagawan ka ng kasamaan ng mga walanghiyang 'yon," pauna ni Aling Susan nang makarating kami sa kanilang bahay. "Tignan mo na ang ginawa nila sa iyo ngayon? May matino pa bang pamilya ang ipapahamak ang isang inosenteng bata para lang makatakas ang anak niya? Wala na sa tamang pag-iisip si Jena!" Galit na dagdag pa niya. Hindi ako kumibo, pilit pa ring ina-absorb ng utak ko ang lahat ng mga nangyari. Walang may alam sakanila na birthday ko ngayon, si Aling Susan na siyang tanging nakakaalam ay tila nakalimutan na rin dahil sa nangyari. Hindi ko naman siya masisisi, siguro sobra sobra na ang pag-aalala sa akin, tsaka hindi na importante 'yon sa ngayon. Ang mahalaga ay napalaya na ako, naibsan kahit papaano ang sama ng loob ko. Pinaupo ako ni Marga sa sofa at tinabihan, si Aling Susan ay dumiretso sa kusina at kumuha ng isang pitsel ng tubig at baso. Ramdam ko ang awa sakanila.. Sa galit at kalungkutan na nararamdaman ko ngayon, walang lumalabas na salita sa bibig ko. Parang nakakapagod magsalita ngayon, ang hapdi na rin ng mga mata ko dahil sa kakaiyak. Ano pa bang silbi kung kukwestyunin ko sila kung bakit nila ginawa 'yon e obvious naman na ang sagot. Inabutan ako ni Aling Susan ng isang basong tubig na agad ko namang ininom. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang kaya nila akong taniman ng droga sa kwarto para lang mapagtakpan si Kuya Fred. Ang hinala ko pa naman kanina ay ang tiyuhin kong manyakis ang totoong suspek dahil laging pula ang mga mata nito, nagkamali ako. Mga walang hiya sa katawan! Paniguradong pati ang pangalan ni papa na patay na ay maidadawit sa ka-adikan nang hayop na 'yon. Nakita kong pumasok ang kasama ni Marga na kabababa lang ng cellphone, waring may tinawagan sabay sulyap lang sa amin at tumayo nang tuwid sa gilid ng pinto. Mukha siyang walang paki sa mundo. "Ate, I suggest you should really come with us. Who knows if they do it again, right? Besides that, I can see that your family is a bunch of - I'm sorry for this word, Ate. But they're stupid!" bulalas ni Marga. "Margareth," agad na bigkas ng kasama niyang lalake. "What?" "Your mouth, young lady." Agad naman siyang inirapan ni Marga. "Oh, shut up! Mind your own business, Leo!" Bumuntong hininga nalang ang kasama niya at hindi na nagsalita. Hinarap uli ako ni Marga para kausapin. "Also, mas magandang mag aral sa Manila, Ate! Mas maraming opportunities doon pag nakapag-tapos ka, please accept my offer!" pangungumbinsi niya sa akin. Napaisip ako, sign na ba talaga 'to nang dapat kong pag alis sa puder ng unang pamilya ni papa? Paano ang nasimulan kong pag aaral dito? Kakayanin ko bang manirahan kasama ang mga hindi ko nakalakhan? "Kung iniisip mo ang pag aaral mo dito, iha, pwedeng pwede ka naming i-transfer. Isang buwan pa lang naman nang magsimula ang klase, magagawan 'yan ng paraan," utas ni Aling Susan na waring nabasa ang nasa isipan ko. Hindi pa rin ako makapa-isip ng maayos, ang daming tumatakbo sa utak ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. "Oo nga, Ate, gusto mo i-process ko na agad yung papers mo? I can ask for help you know?" dagdag pa ni Marga. "Hindi ko alam ang pasikot sikot sa Manila." Tanging "yan lang ang nasabi ko. Wala nang ibang mai-rason, ba't ko nga ba tinatanggihan ang ganitong offer? Makakabuti naman siguro sa akin 'to, hindi ba? "Ate, masasanay ka rin! Sa amin ka titira and I will provide for your needs, you will have your full scholarship on Lansville since family friend namin ang may ari no'n!" Pamimilit pa rin niya. "You don't have to worry about anything, I got you! I won't leave you here, Ate. You don't deserve that bullsh*t family of your deceased father," dagdag niya. Umiling ako. "Marga, I- think its t-too much, andami mong tulong na ibibigay, nakakahiya, hindi ko matatanggap 'yan!" "Ateee! No, don't think about it okay? Ang kapalit naman no'n e magiging ate kita, so it's totally fine! Wala ring problema sa mga kuya ko kung magpatira ako sa mansyon, they will surely like you," she muttered and gave me a wink. Seryoso ko siyang tinignan bago nilingon si Aling Susan. Tinanguan lang ako nito at naghihintay rin nang desisyon ko. Lahat sila ay natahimik nang tumayo ako. "Please, Ate?" bigkas ni Marga bago ko pa man sabihin ang nabuo kong desisyon. Sa huli ay pumayag nalang ako, siguro desperada na rin akong umalis sa bwisit na bahay na 'yon pero nadadala lang ako ng hiya at pangamba. Laking San Vicente ako, laking probinsya kaya ang mapunta sa syudad ay isang malaking hamon. Hindi rin 'to ang plinano ko para sa buhay ko, pero siguro nga hindi talaga tayo ang magtatakda ng kalalagyan natin sa buhay. Ngiting ngiti si Marga habang nasa byahe na kami papunta sa isang hotel dito lang sa katabing bayan ng San Vicente, nasa rooftop daw nito ang chopper na sasakyan namin. Hindi na ako pinabalik ni Aling Susan sa bahay namin para kumuha ng mga damit dahil paniguradong hindi na raw ako papalabasin pa d'on, naka uniporme pa rin ako hanggang ngayon. Nasulyapan ko ang oras sa dashboard ng sasakyan, 7:20 PM. Kalahating oras lang daw ang byahe ng chopper, nang makarating kami sa rooftop ay nanginginig na ako sa kaba at lamig. Manipis lang kase ang uniporme ko at napansin ata 'yon ni Marga. "Leo, can you please remove your vest?" si Marga sa lalaking kanina pa namin kasama. Leo... ito ata yung tinutukoy niya nung tinawagan siya ng isa niyang kuya. Bodyguard niya 'to, yun ang natatandaan ko. Hinubad naman ni Leo ang kanyang vest at inilahad kay Marga. Isinabit naman ito ni Marga sa magkabila kong balikat bago kami sumakay ng chopper. Nanginginig pa akong nakahawak sa kamay ni Marga ng tumaas na ang aming sinasakyan. My first time to ride a chopper.. "Relax, Ate, mabilis lang ang byahe natin. Sa helipad na ng mansyon ang baba natin mamaya, you're gonna be fine." Tumango nalang ako sakanya at tipid na ngumiti. Sa utak ko ay sandamakmak na pasasalamat na ang nasabi ko sakanya, sa pagod ay hindi ko nalang maiwasan na mapapikit at sumandal sa inuupuan. Binigyan ko pa ng isang sulyap ang mga nasa baba ng papaangat na chopper. Lahat ay tatalikuran ko na mula rito. magsisimula uli ako. Ang lahat ng pang-aapi at pang-aalipusta nila sa akin ay tapos na. Bagong buhay sa tulong ng hindi ko mga kaano-ano, hahayaan ko nalang ang sariling tangayin ng kapalaran kung saan, bahala na. Narinig ko pang kinausap ni Leo si Marga at may sinabi rito bago ako tuluyang antukin sa byahe. Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto at napaka lambot na kama. Madilim at tanging lamp shade lang sa gilid ng kama ang maliwanag, hula ko ay gabi pa rin dahil sa bilog na buwan na sumisilip sa bintana ng kwartong ito. Napansin ko ring iba na ang suot ko, kung kanina ay uniporme ngayon ay isang bistidang puti na hanggang paa at may mahaba at manipis na sleeves na kita na rin ang aking mga braso. Mukhang mamahalin pero mukha rin akong iaalay sa punso. Dahan dahan akong bumaba mula sa kama at inaninag ang pinto, kumukulo na ang tiyan ko at nagsisigawan na ang mga halimaw ko sa tiyan dahil sa gutom. Nakatulog siguro ako sa byahe at binuhat nalang ako papasok dito, siguro naman si Marga ang nagpalit sa akin ng damit ano? Tatlong pinto ang nakita ko dito sa kwarto, isa isa ko iyong binuksan para malaman kung saan ako lalabas. Ang unang binuksan ko ay ang cr pala at ang pangalawa ay isang malaking walk-in closet na hindi ko makita masiyadong maaninag ang laman dahil sa dilim. Itong pangatlo na siguro ang labasan. I wonder if gising pa sila Marga, hindi ko rin naman alam kung anong oras na. Nang tuluyan kong mabuksan ang pangatlong pinto, tumambad agad sa'kin ang mahabang pasilyo, may naaninag akong ilaw sa dulo nito kaya't 'yun ang tinungo ko. Nang maka lapit ako ay nakita ko ang isang malaking chandelier na kulay gold at sa harap ko mismo ay isang nakakalulang hagdan pababa, nasa pangalawang palapag ako ng isang malaking bahay... ito na siguro ang mansyon nila Marga. Nagdalawang isip pa akong bumaba dahil nakakalula nga ang hagdan, baka gumulong ako rito pag nagkamali ng tapak. Kumulo uli ang tiyan ko kaya't humakbang na ako pababa. Nagbabakasakaling makita si Marga at makausap. Grabe ang laki nitong mansyon nila, parang triple ang laki nito sa normal lang na mansyon. Maliwanag sa baba, halos masilaw kana nga sa mga nagkikislapang ilaw, ang laki ng mansiyong 'to. Parang hindi na nga ito mansyon, parang palasyo na ng mga reyna at hari. Ang gaganda rin ng mga mwebles, malalaking painting na puro pula at itim ang nakaguhit, hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin ng mga 'yon, para siyang random object or symbol na ewan. Ang dingding na kumikintab sa linis, mga babasaging flower base sa sulok sulok nitong mansyon. Meron pang malaki at engrandeng piano dito! Nakakamangha ang ganda nito, feeling ko mauubos ang isang oras ko rito bago mahanap kung nasaan si Marga. Hindi ko maiwasan ang mapanganga sa sobrang paghanga, ilang milyon kaya ang nagastos nila dito? Alam ko namang mayaman si Marga pero hindi ko naman in-expect na higit pala sa mayaman ang estado ng pamilya niya, grabe! Busy ako sa pagpuna sa kagandahan ng mansyon nang naramdaman kong may kumalabit sa likod ko. Napatalon ako sa gulat at biglang nilingon kung sino iyon, laking gulat ko nang makakita ng tatlong naka unipormeng kasambahay at mas lalo pang nagulat nang yumuko sila sa harap ko. B-Bakit sila yumuyuko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD