CHAPTER 7

1625 Words
Lumipas ang isang buwan na maayos ang naging takbo ng pag aaral at pagta-trabaho ko sa karinderya, naging madali naman kahit papaano dahil napaka considerate at understanding ni Aling Susan. Nakaka-ipon na rin ako mula sa sweldo ko, hindi naman gano'n kalaki pero atleast meron, masaya na ako doon. Hindi na rin ako gaanong pinagmamalupitan sa bahay... Ang ate ko ay may trabaho na kaya gabi na rin kung umuwi, si Kuya Fred ay pa tambay tambay lang at si Enzo ay nag aaral din gaya ko. Naging madalas din ang pag tawag sa akin ni Marga, nangangamusta at kinukuwentuhan ako sa mga nangyayare sakanya. Hindi siya nauubusan ng topic kaya naman tuwang tuwa ako sa kakulitan niya. Akala ko makakalimutan din niya ako agad, buti naman at hindi. Siya lang kase ang natatangi kong kaibigan, mawawala pa. Palabas na ako sa gate ng aming campus nang biglang nagmamadaling lumabas si Aling Susan sa isang tricycle at sinalubong ako. Tagaktak ang pawis at hinihingal pa. "Aling Susan, ano pong nangyari sainyo?" Agad kong tanong nang lapitan niya ako. Hinawakan ko siya sa braso at sinubukang pakalmahin. "Iha, may mga pulis daw sa bahay niyo at ikaw ang hinahanap," aniya nang makabawi mula sa hingal. Kumunot ang noo ko. "Po? Bakit ho ako? Ano pong kailangan sa akin?" taka kong tanong. Ba't ako ang hinahanap? Sa pagkaka-alam ko wala naman akong ginawang masama, tsaka bakit naman parang kabado siya? "Ewan ko, ang narinig ko e nagsagawa raw sila ng inspeksyon sa bahay niyo dahil may bali-balitang isa sa inyo e nagbebenta ng droga at nakitaan daw ng ilang sachet ng m*******a ang kwarto mo." Namilog ang mga mata ko sa narinig kaya naman agad akong tinubuan ng kaba. "A-Aling Susan! Hindi ho ako nagdo-droga!" Depensa ko sa sarili ko. "Alam ko, iha, baka sinet-up ka ng mga kap–" Pinutol ko ang sasabihin niya. "Pauwi na po ako, titignan ko ho kung anong nangyayari." Kinabahan ako, may duda na ako kung sino pero dapat pa rin akong maka-sigurado. Ano nanaman ba 'to? "Wag ka na munang pumunta ro'n, halika na't dumiretso tayo sa presinto! Ako ang magpapatunay na hindi sa iyo ang mga 'yon!" Umiling ako. "T-Teka lang po, Aling Susan, uuwi na po ako!" ani ko sabay takbo at pumara na ng tricycle. "Virgo! Iha, teka la–" Hindi ko na narinig ang kanyang sinabi dahil nakalayo na ang sinasakyan ko. Kinakabahan ako nang hindi ko mawari, ano nanaman bang ginawa nila at bakit ako ang hinahanap ng mga pulis? Pagdating ng tricycle sa tapat ng aming bahay ay kita ko na ang isang patrol ng pulis at si mama, ang tiyuhin ko pati na ang mga kapatid ko ay nasa b****a lang ng pintuan, seryoso silang nag uusap nang makita akong bumaba sa tricycle. Dali dali akong humugot ng pamasahe at ibinigay na sa driver. Hindi na kinuha ang sukli at agad naglakad patungo kina mama. "Ayan! Hulihin niyo na 'yan, ang kukulit niyo eh, sinabi na ngang hindi ang anak ko ang may ari ng mga 'yan." Galit na sigaw ni mama sabay turo niya sa'kin at sa ilang sachet ng droga na naka sealed na sa isang plastic bag at bitbit ng isa sa mga pulis. Nanlaki ang mga mata ko dahil ako ang tinuturo ni mama. Napahinto ako sa paglalakad, hindi mapakaniwalang tinitigan siya. "Ikaw ba si Virgo?" tanong sa akin ng isang pulis. "Ako nga p-po, ano po bang n-nangyayari?" Seryoso akong tinignan ng police officer na nagtanong sa akin. Agad nila akong nilapitan. "Nakita namin ang mga sachet na 'yan sa ilalim ng unan mo." "Po?" Gulat kong bigkas, "Hindi ko po magagawa 'yan, sir! Tsaka wala ho akong alam sa mga gany–" "Sumama ka nalang sa amin sa presinto at doon ka na magpaliwanag," ani nila sabay kuha sa mga kamay ko at pinosasan. Nangilid agad ang luha ko at kinabahan ng todo. Ano 'to? Makukulong ako? Ni hindi ko nga alam kung ano ang mga 'yan, kahit pa mamatay ako ngayon dito kung sa akin ang mga 'yon! Mukha ba akong adik sakanila? Nagpumiglas ako dahil sa ginawa nila, wala akong kasalanan kaya bakit ako sasama? Napatingin ako kila mama, walang bahid ng awa sakanila at sinabihan lang ang mga pulis na isama na ako at susunod sila. "T-Teka po! Ma!" tawag ko sakanya pero inismidan lang niya ako. Ha! Wala talaga silang gagawin para patunayan na hindi akin 'yon? Nilingon ko ang mga kapatid ko, nakangisi lang si Kuya Fred habang si Ate Lyra naman ay seryoso lang na nakatingin sa akin. Si Enzo na busy sa hawak na cellphone at tila kinukuhanan pa ako ng video. Paanong nagkaroon ng gano'n sa kwarto ko? Kahit gaano ako naghihirap ay hindi ko magagawa 'yon! Mas mabuti pang mamalimos ako sa kalsada kesa gumawa ng mga bagay na hindi kaaya-aya. Walang nagawa ang pagpupumiglas ko kaya't naisakay na ako ng mga pulis sa kanilang sasakyan. Tumulo ang luha ko, anong ebidensya nila para sabihing akin ang mga 'yon? At bakit hindi ako ipagtanggol nila mama? Dinidiin pa ako sa kasalanang hindi ko nagawa. Napaiyak nalang ako ng todo. "May nakapagtip sa amin na may nagbebenta raw ng pinagbabawal na droga ang isa sa mga Medina. May search warrant kami kaya pinasok namin ang bahay niyo at nakita ang mga 'yan sa kwarto mo," paliwanag ng isang pulis na kaharap ko ngayon dito sa presinto. "Sir, sigurado po akong hindi akin 'yan, wala ho akong panahon para sa masasamang bagay. Nag aaral po ako at nagtatrabaho sa karinderya nila Aling Susan, pwede niyo ho siyang tanungin, s-sir," naiiyak kong apila. "Hindi ka nga rin naman mukhang pusher dahil sa ganda mo ineng, pinapa drug test namin ang pamilya mo at susunod kana. Sa ngayon ay mananatili ka rito hanggang sa lumabas ang resulta ng imbestigasyon." "P-Pero, sir–" "Hindi ka namin pwedeng pakawalan dahil ikaw ang primary suspect, miss." Napipi nalang ako dahil naubusan na ako ng sasabihin. Hindi ko pa rin matanggap na inaresto ako nang ganito gayong wala pa naman palang sapat na ebidensya bukod sa mga sachet na 'yon sa kwarto ko. Kung sino man ang naglagay no'n doon, sana makunsensya siya at makakain siya ng maayos. "Joey, ikulong mo na 'to," dagdag pa niya sa isang pulis na nakatayo sa gilid niya. Wala akong nagawa nang tanggalin na ang posas ko at iginiya papasok sa isang masikip na kulungan. May nakita akong dalawang babae sa loob. Matalim ang kanilang titig sa akin kaya agad akong natakot at lumayo sakanila. Naupo nalang ako sa gilid at tahimik na nagdasal na sana lumabas na agad ang resulta ng imbestigasyon. Hindi ako bagay dito at hindi ko kelan man deserve ang ganito. Nagising ako sa tunog ng pagbukas nitong bakal na pinto ng kulungan, nakaidlip pala ako sa pag-iisip. Nakita kong binuksan ng isa sa mga pulis na humuli sa akin ang pintuan na bakal nitong rehas. "Laya kana, miss." Agad akong nabuhayan ng loob nang marinig 'yon. Ibig ba sabihin, absuwelto na ako? Hinawakan niya ako sa siko at giniya papunta sa front desk ng station nila, doon ko nakita si Aling Susan na kasama si Marga na nakasuot pa ng magarbong gown na kulay pula kasama ang isang maputi at matangkad na lalake na hindi mo kakakitaan ng emosyon, may earpiece sa tenga at makakapal ang kilay, idagdag mo pa ang style ng buhok nitong pa semi kalbo na. Nakatayo lang ito sa gilid niya, nakasuot pa ng kulay abong three piece suit. Anong ginagawa ni Marga rito? "Ate V!" salubong agad niya sa akin nang makitang palabas na ako ng estasyon. Nakita ko ring lumapit sa'kin si Aling Susan at napabaling ang atensyon ng lalaking kasama nila sa akin. "Jusko kang bata ka, nag alala ako sayo. Sinundan kita kanina nang umuwi ka at nakita kong dinampot kana lang ng mga pulis," ani Aling Susan. "Laya na raw ako, Aling Susan, wag na ho kayong mag alala at sa tingin ko naman ay napag-bintangan lang ako." "Nana Susy called me awhile ago, I was on the party but when I heard something bad happen to you, I used our chopper to fly back here, Ate. I am so damn worried!" "Sorry, Marga, hindi kana sana nag abala pa." malungkot kong utas at binigyan sila ng matamlay na ngiti. "Napalaya ka dahil nag positibo agad ang kuya mo na gumagamit ng droga, tinutugis na siya ngayon. Ang witness din na nagbigay ng tip sa mga pulis ang siyang nagturo mismo sa kuya mo na pusher nga raw no'n." "Duda ko na rin po kanina na sinet-up lang ako, wala ho talaga silang pake sa akin. Talagang ako pa ang diniin ni mama." Bakas ang awa sakanilang mga mukha, bukod sa kasamang lalake ni Marga na seryoso lang akong tinignan. "Ang mabuti pa ay sa bahay na tayo mag usap para makapag pahinga ka, wag kanang umuwi sa letseng bahay na 'yon!" dagdag ni Aling Susan. Walang salitang hinila ako ni Marga papunta sa isang sasakyan at pinagbuksan naman kami ng kasama niyang lalake. "Leo, to Nana's house please." Tumango lang ang lalake at pumasok na sa driver's seat. Tahimik lang akong nakatitig sa bintana nitong sasakyan, I can't believe it. Gano'n ba sila kagalit sa akin para gawin 'to? Ang sakit naman, wala talaga silang awa. Grabe na ang mga ginagawa nila sa akin. Kung buhay lang siguro si papa, hindi ganito ang aabutin ko sa kamay nila. Ang inaasahan kong matiwasay na araw para sa kaarawan ko ay naging isang delubyo. Oo, birthday ko ngayon. At kung minamalas ka nga naman, sa kulungan ko pa nai-celebrate and 19th Birthday ko. Well then, happy birthday, Virgo. Bati ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD