CHAPTER 6

1721 Words
Papasok pa lang ako sa gate ng eskwelahan nang marinig ko na ang ingay ng mga estudyante sa loob. Halatang excited ang mga 'to sa unang araw ng pasukan. Lahat ay makikita mong nakangiti kasama ang mga kaibigang matagal din nilang hindi nakasama. Wala ka pang makikitang naka-uniporme ngayon bukod sa mga guro dahil unang araw pa lang naman ng pasukan, ang iba ay nakasuot ng dress, ang iba naman ay may mga dress code especially 'yung magbabarkada, parang couple shirt gano'n. Uso kase ang ganito ngayon, pero dahil wala naman akong kaibigan, hindi ako relate. Suot ang aking shoulder bag at hawak hawak ang papel na may nakasulat na schedule, pinuntahan ko na ang classroom ng mga katulad kong kumukuha ng Bachelor of Secondary Education or BSED para makapag hanap na ng pwesto at maupuan. Maaga talaga akong nagpunta ngayon dahil excited din ako sa unang araw ng klase, ito na kasi ang simula ng pangarap ko. Kagabi pa ako excited at talaga namang malaki ang ngiting sinalubong ko ang araw ng lunes. Pinaghandaan ko talaga 'to dahil sa ilang araw na natitira bago ang opisyal na araw ng pagbubukas ng klase ay nag advance reading ako gamit ang mga libro ni Ate Lyra na hindi niya isinauli noong nag college siya. Buti nalang at parehas ang kursong kinuha namin. Patago ko pang kinuha 'yon sa kwarto niya. Buti nalang at hindi na niya kailangan 'yon. Nakasuot lang ako ng isang simpleng maong jeans at white printed t-shirt. Buti nalang at may mga damit pa naman akong mukhang bago. White sneakers din na medyo brown na ang kulay dahil sa kalumaan, ayos lang sa akin ang ganito. Ang mahalaga ngayon ay makapasok ako at maiwasan ang bad impression ng mga professor sa unang araw ng pasukan, dapat maaga tayong pumasok. Palinga-linga ako para hanapin sana ang classroom na papasukan ko nang biglang may 'di sinasadyang nabunggo ako sa likod ko. Narinig ko ang pagbagsak ng mga gamit kaya naman napalingon agad ako. "Ano ba 'yan! Hindi kasi tumitingin sa dinaraanan, pulutin mo 'yan!" Masungit na bulyaw ng isang maputi at matangkad na babae sa harap ko. Maganda ang pangangatawan, maiksi ang buhok at ang liit ng mukha. Makapal ang make-up na suot at pulang pula ang labi dahil sa liptint. Mukhang sophomore na ang isang 'to, agad naman akong yumuko upang pulutin ang mga libro niyang nalaglag sa maduming sahig dito sa hallway. Dahil siguro 'to sa alikabok ng mga sapatos naming mga estudyante. Halos malanghap na ng ilong ko ang alikabok na 'to, field kase ang harap ng university. Hindi pa sementado kaya ang dumi agad ng hallway ngayong umaga. Nilingon ko siya at nakitang hindi lang siya nag-iisa. Kasama ang mga kaibigan niyang pinupulot na rin ang iba pang mga nagkalat na libro dahil sa banggaan namin, tinignan niya ako ng masama. "Are you stupid? Imbis na tungangaan mo ako riyan, bilisan mo na ang pagpupulot. Male-late na ako, gosh!" Agaran kong pinulot ang isa pang natitirang libro para i-abot sakanya. Nahihiyang tumayo ako at tinignan siya. "Sorry, hinahanap ko kase ang classroom namin. Eto oh!" ani ko sabay abot sa kanyang libro. Umirap muna siya sabay kuha nito. "Unang araw nang pasukan may tatanga tanga agad," aniya sabay walang pasubling naglakad na kasama ng mga nagtatawanan niyang kaibigan. Napabuga nalang ako ng hangin sa mukha. Phew... Unang araw ng pasukan, sinalubong na agad ako ni kamalasan. Hindi ko naman sinasadya, ah? Grabe naman 'yon, nag sorry rin naman ako agad, ang sama ng ugali! Tinawag pa akong "stupid" at "tatanga-tanga" badtrip 'yun, himaktol ko sa loob loob ko. Huminga muna ako ng malalim at kinalma ang sarili, ayokong masira ang araw ko. Nagpatuloy uli ako sa paghahanap ng classroom namin at hindi naman na ako inabot ng ilang minuto bago mahanap 'yon. Masasabi ko rin na hindi naman ako totally malas ngayon dahil halos wala pang estudyante sa loob, tatatlo pa lang ang nakita kong nakaupo at nasa harap pa. Pumili na ako ng upuan sa pinaka likod at pinaka dulo ng isang row para maging komportable. Unti-unting dumami ang mga estudyanteng pumasok sa classroom, kasunod pa ng mga 'to ang isang matandang babae na medyo may kaliitan at nakasalamin, ito na siguro ang Prof namin. Umupo ako ng tuwid dahil kita kong nagsusulat na siya sa whiteboard sa harap ng isang pangalan sabay harap sa amin at pinakilala nga ang kanyang sarili. Pinakilala rin namin ang aming sarili isa-isa sa mismong upuan namin. Kinakabahan man ay nairaos ko rin naman ang isang araw na 'to ng maayos at walang problema, bukod sa nangyari kanina. Sinabi ni Aling Susan na huwag muna raw akong magtrabaho sa karinderya ngayong first day of school at pabor nga naman sa akin 'yon dahil ayokong ma-late sa unang araw ko rito. Nagkaroon na rin ng silbi ang aking de keypad na cellphone dahil minu-minutong nagtetext sa akin si Marga at kinakamusta ako, kagabi ay tumawag siya sa'kin saglit para ma-save ko raw ang kanyang number. Wala naman masiyadong ginawa ngayong first day kaya maaga kaming dinismiss. Napag-desisyunan kong pumunta muna sa karinderya dahil wala naman akong gagawin sa bahay nang ganito pa kaaga. Saktong pagbaba ko ng tricycle ay nakita ko si Marga na pinagbuksan ng kanyang driver para bumaba sa sasakyan. "Marga!" Hindi na ako nagdalawang isip na tawagin siya kahit magmukha akong feeling close. Natutuwa akong makita siya ulit. Nilingon niya ako at biglang ngumiti sabay lakad takbong lumapit sa akin. "Ate V! Buti naman at pumunta ka rito, I have some bad news, eh!" aniya sabay yakap sa akin saglit at bumeso pa. Nahihiya akong ngumiti at uminit ang pisngi sa hiya dahil may mga taong nakakita. Nawe-weird-uhan na sila sa amin panigurado, hindi kase sila sanay rito na makipag yakapan at beso-han sa kaibigan. Tsaka sigurado rin akong agaw pansin na ngayon si Marga dahil kutis mayaman, nakasakay sa magarang kotse at nakasuot ng maganda at mamahaling damit. Mukhang may lakad siya ngayon, ang ganda niya manamit, mukhang designer clothes pa ang mga 'to. "Ah, hahaha," awkward akong natawa. "M-Maaga dismissal ngayon kase first day," mahina kong usal sabay hila na sakanya papasok. Nagpatianod naman siya. "I was about to call you yesterday pero baka tulog kana, I don't have my sleeping pills with me so I had to deal with my insomnia alone!" she said while pouting. Insomnia? Parehas pala kami, ang pinagkaiba lang e hindi ako gumagamit ng sleeping pills. Basta nalang ako nakakatulog pag nagi-imagine ako ng mga scenario tulad nalang ng kasama ko ang papa ko at ang tunay kong ina, masaya at simpleng namumuhay sa isang bahay. Gano'n lang, paulit ulit hanggang sa kainin ako ng dilim. Nakapasok na kami sa loob ng karinderya at nakita si Aling Susan na nagbabantay sa harapan. Wala masiyadong tao ngayon dahil hapon na rin naman, sinulyapan niya kami sabay ngiti at sinenyasan na lumapit. "Oh iha, 'di ba ang sabi ko huwag ka munang pumasok ngayong unang araw?" "Maaga po ang dismissal ngayon kaya naisipan ko pong pumunta muna rito." "Nana, I have bad news," singit ni Marga. Kunot noong binalingan niya si Marga at tinanong. "Ano yon, iha?" "Kuya Nick said that I should pack my things now at ipapasundo raw ako sa chopper namin, may importanteng okasyon na kailangan naming daluhan lahat magkakapatid," malungkot nitong saad. "Oh, sayang nga naman kung gano'n, may balak pa naman sana akong ipasyal ka sa Eco Park, 'yung sikat na pasyalan dito bukas, pero sige. Hindi mo naman pwedeng suwayin ang kuya mo at baka paghigpitan ka uli," ani Aling Susan. "Yes, Nana. Knowing him, he's ruthless!" "Intindihin mo nalang ang kuya mo, hala sige! Humayo kana at baka parating na ang sundo mo, naka-impake ka na ba?" "I'm done, Nana. I actually prepared my things before going here, I just want to say goodbye to you in personal, I will visit here again soon." Tumango naman si Aling Susan at nagyakapan na silang dalawa. Nang tapos na siyang makapagpa-alam kay Aling Susan ay sinamahan ko na siya palabas ng karinderya. Nakakalungkot na aalis na siya, pero siguro naman mananatili kaming magkaibigan kahit sa text o tawag. Ang lungkot pala magkaroon ng kaibigan, unang araw pa lang namin kahapon, baka matagal pa uli bago ko siya makita. Bago siya sumakay sa sasakyan ay niyakap niya uli ako pero this time ay mas mahigpit na. "I'll call you always, Ate. I'm gonna miss you," aniya na para bang matagal na kaming magkakilala. "Mamimiss din kita, bisita ka ulit, ha? Ingat ka sa byahe." "How I wish that I can change your mind and come with me, Ate." Awkward lang akong ngumiti at kinawayan siya nang makapasok na siya ng sasakyan. "I'll visit again here if I have time, take care! Thank you for accepting the friendship offer, Ate Virgo!" "You're welcome, take care rin." Kinawayan niya rin ako nang magsimula nang umandar ang sasakyan niya. Napahugot nalang ako ng malalim na hininga nang mawala na sa paningin ko ang sinasakyan niyang kotse. Masaya ako kahit mahigit tatlong araw lang kami nagkakilala. Atleast kahit papaano e nagkaroon ako ng kaibigan at naramdaman ko na may mga tao pa talagang hindi mahilig manghusga. Sana makadalaw uli siya rito, aantayin ko ang pagbalik niya at sana lang ay huwag niya akong makalimutan. Masaya akong umuwi sa bahay, buti nalang at para nalang akong hangin sakanila. Hindi ako pinapansin ng mga kapatid ko at hindi na rin naman ako mapagalitan o mabulyawan ni mama dahil gabing-gabi na kung umuwi sila nung tiyuhin kong para laging sabog. Pabor na pabor sa'kin iyon dahil sa wakas, wala nang naninira ng araw ko. Siguro bigla silang nabagok isa-isa at natauhan sa kasamaan ng ugali. Sana lang ay magtuloy-tuloy na gano'n ang pagtrato nila. Mas mabuti pa 'yon kesa sa nakasanayan nilang pambabarumbado at pang aapi sa akin. Napabuntong hininga nalang ako nang maalala ulit ang huling ginawa ng mga kapatid ko, baka dahil doon ay kinain na sila ng konsensya... kung meron man sila no'n. Pinilig ko nalang ang ulo ko para tanggalin ang mga isiping 'yon. Mas maganda pang magbasa nalang uli ako para hindi ako kulelat bukas at sa mga susunod na araw. May advantage pa naman ang mataas na grade kapag naka-graduate ka at naghanap ng trabaho. Mas mabuti nang maging handa...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD