"D*mn! Alam na ata nilang naka-uwi na ako.I forgot to turn this fuckin' phone off."
Nagulat ako nang marinig na nagmura siya. Sa ganda niyang 'to marunong pa siyang magmura? Hindi halata sakanya ha, akala ko anghel ang isang 'to, Pero hindi naman tayo pwedeng man-judge ng isang tao dahil lang sa pagmumura, kahit ako nga minsan, nakakapagsalita rin ng masama.
Ika nga ng karamihan.. "Nobody's Perfect." Sinulyapan ko siya.
Halata ang kaba sa mukha niya nang sagutin niya ang tawag, huminga pa siya ng malalim at kinagat ang labi bago nagsalita.
"Hello, ku–"
"Where the hell are you, Margareth Shanaia Gautier?" dinig kong sigaw sa kabilang linya.
Humugot muna ng malalim na hininga si Marga bago sumagot.
"Kuya, I'm here at Nana's hometown, I visited her," mahina nitong sagot at kagat kagat pa ang kuko na senyales ng kanyang kaba.
"At kelan ka pa umuwi ng Pilipinas? Who told you to come back here alone? Where's Leo?"
Hindi naman ako tsismosa pero hindi ko maiwasang makinig sa kanilang usapan dahil bukod sa magkatabi lang kami e curious din talaga ako sa katauhan ni Marga.
Nakapikit si Marga habang hinihilot na ngayon ang kanyang sintindo.
"Kuya! Bored na bored na ako sa Spain, I've got nothing to do there and I left Leo because he's so annoying! Why do you have to send him in Spain by the way? You know how much I loathe that guy, you're setting us up!" Sambit ni Marga sa frustrated na tono.
"You know how much I hate that bodysh*tguard, Kuya! Tsaka hindi ba for vacation lang naman ako r'on? Malapit na ang pasukan sa Lansville kaya ako umuwi, gusto mo bang do'n na ako tumira?" dagdag pa niya.
"Then you should atleast inform us your whereabouts, Shanaia! Hindi 'yung kailangan ka pang tawagan para hagilapin, akala namin may nangyare ng masama sa'yo and can you please stop addressing Leo that way? He's a professional bodyguard for pete's sake!" Seryoso at may bahid ng galit ang tono ng nasa kabilang linya.
"Mag-ingat ka naman, you're roaming everywhere like you're some sort of ordinary citizen, mind you that you are a Gautier? Seriously, Margareth?"
Agad akong nilingon ni Marga nang marinig ang sinabi ng kuya niya kaya naman napaiwas ako ng tingin. Baka sabihin niya nakikinig ako sa usapan nila.
Napabuntong hininga si Marga at napahilot nalang ulit sa sintido, sinandal niya ang batok niya sa headrest ng upuan nitong sasakyan. Mukha siyang problemado ngayon.
"J'ai mon ami ici, frère. Tu m'exposes, arrête avec ton sujet sur la royauté, crétin," utas ni Marga sa ibang lenggwahe.
"Bon sang, tu es tellement têtu. Amende!" sagot naman ng nasa kabilang linya.
"Umuwi ka rin agad, we have an important matter to discuss," dagdag pa nito.
"I know, Kuya. I'm sorry. I planned to stay for a week here in Nana's place. I'll go home the next week, please tell Kuya Connor and Kuya Nick to stop worrying."
Narinig ko ang baritonong halakhak ng nasa kabilang linya.
"Lagot ka talaga sakanila pagdating mo, kung sakaling hindi kita na-contact ngayon, baka pinasuyod na ni Connor ang buong pilipinas mahanap ka lang."
"Yeah and Kuya Nick will prolly use his power to track me and send his batallion, you guys are overacting," natatawang saad ni Marga.
"Say sorry to Leo, he will remain as your bodyguard whether you like it or not, isa 'yan sa pinaka magaling sa mga tauhan ni Kuya Nick, and I didn't send him there because I want to set you up, stop assuming lil sis."
Napasimangot si Marga sa lintanya ng kanyang kausap, "Alright, Kuya. Va te faire foutre!"
"Okay be here next week or else we'll send you again in Spain and cut your allowances."
Nakita ko ang pagsimangot ni Marga nang marinig 'yon mula sa kausap.
"Fine!"
"I'm dead serious here, Margarita."
"I raised my middle finger for you just now, I said fine, okay? Stop calling me that! You dumbass."
Natawa ulit ang nasa kabilang linya. Tila hindi apektado sa sinabi ni Marga.
"You and your mouth, baby. Just come home next week, tell Nana that we missed her."
"Sure, Kuya. Bye, love ya!"
"I love you too, text them, alright?"
"Uh-huh," ani Marga sabay patay na sa tawag.
"Gosh, Ate! You heard that? My brothers are overacting! I'm 18 na at hindi na ako bata pero kung makahigpit sila sa akin, nakakainis!" sumbong nito sa akin pagtapos niyang patayin ang tawag.
Naka-krus ang mga braso niya habang nakaharap sa akin.
Tinawanan ko lang ang paghihimuktol niya.
"Kuya mo 'yon?" tanong ko kahit alam ko naman na ang sagot.
Wala kasi akong ibang masabi, wala naman akong alam tungkol sa pamilya niya kaya wala akong karapatang manghimasok.
"Yes, I have three brothers. Si Kuya Nickolai Doseuno ang panganay, sunod si Kuya Connor Axl, si Kuya Blow Zairus and ako ang bunso at nag iisang babae."
Oh, kaya siguro mukhang protective masiyado 'yung tumawag sakanya kanina. Nag-iisa pala siyang babae, normal na 'yan para sa mga may kuya, given na bunso ka pa. Tsaka sigurado na akong may lahi nga 'to, it's either french or portuguese siya, hindi ako sure dahil sa ginamit nilang language kanina.
"Ahh, normal lang naman mag-alala sa kapatid lalo na't bunso ka pa."
"My brothers are over protective, they're always like that! Minsan naiinis na ako dahil tingin sa akin ng iba e spoiled brat at laging may naka-bantay na mga kuya!"
Natawa ako sa pagsimangot niya, ang cute kase niya. Namumula rin ang kanyang pisngi hanggang leeg, dahil siguro sa inis niya.
"Mahal ka lang ng mga 'yon, Marga, ang swerte mo nga, eh."
She smiled and looked at me with those perfect blue eyes. Ang bilis niya magbago ng mood.
"Yeah, but you know I've always wanted to have a big sister, so when I saw you on Nana's gate, I think I like you na agad, Ate V!" aniya sabay pagsiklop ng aming braso.
Natawa nalang ulit ako, wala pang dalawang araw simula nung magkakilala kami pero komportable na agad siya sa akin, nakakatuwa naman. Kaya siguro gustong gusto niyang magka ate dahil puro lalake ang mga kapatid niya.
"Buti ka pa may mga kapatid na nag aalala sa'yo, sa akin kase wala."
Napabangon siya ng bahagya mula sa pagkakahilig at seryoso akong tinignan.
"You know what, Ate. When you left yesterday, I asked Nana Susy about your life since I got so curious about you," amin nito sa akin.
Inabangan ko ang sunod na sasabihin niya.
"She told me everything about you and your family, and guess what? I think I'm so lucky that I met you yesterday, I feel like you're gonna be a good sister to me kahit isang linggo lang ako rito. Based on Nana's story, of course."
Nginitian ko siya.
"I really want a sister, 'yung iba kasi na nagtatangkang makipag-kaibigan sa akin, they're not sincere, lahat sila mukhang plastic. They just want to gain my brother's attention which is impossible, I want a real and sincere relationship, and I think you're the purest girl I've ever seen."
Na-touch naman ako sa sinabi niya, ngayon lang may pumuri sa akin ng ganito. Ang saya dahil buong buhay ko ay panlalait ang natatanggap ko, bukod syempre kay Aling Susan na lagi akong binobola.
"Mabuti nga at may kusang lumalapit sa iyo para makipag-kaibigan, sa akin kase lumalayo pa sila. Sinisiraan kase ako ng mga kapatid ko at pinagkakalat na anak lang ako sa labas, sampid gano'n."
Malungkot niya akong tinitigan. Magsasalita pa sana siya ng makita ko na ang waiting shed na bababaan ko.
"Marga, diyan nalang ako sa may waiting shed."
Narinig 'yon ng driver kaya hininto na niya mismo ang sasakyan sa gilid ng waiting shed, hindi kita mula sa bahay namin ang nasa waiting shed kaya sigurado akong hindi nila makikita ang pagbaba ko sa sasakyan na 'to.
Bumitaw sa akin si Marga at nilabas uli ang kanyang cellphone.
"Can I have your number, Ate?"
"Uh, sige," sabay kuha ko sa cellphone niyang nakalahad.
Mabilis kong tinype ang numero ko at binalik agad sakanya ang cellphone. Nakita kong sinave niya 'yon at nilagyan ng pangalan na "Pretty V."
"Salamat sa pagpapa-sabay, Marga," wika ko habang binubuksan na ang pintuan sa gilid ko, balak nang bumaba ng sasakyan.
"You're welcome, Ate! See you again! I'll tell Nana to invite you in her house, wala kase akong kilala rito aside from her so I want to hangout with you sa bahay niya, if that's okay with you?"
"Susubukan kong pumunta, Marga, pasukan na kase namin bukas at magpapa-alam pa ako."
"Alright, I'll call you later so you can also save my number."
"Sige, salamat uli," huli kong sabi bago sinara ang pinto ng sasakyan.
Binuksan pa ni Marga ang bintana sa gilid niya sabay kaway sa akin at hinintay ko munang mawala sa paningin ko ang sasakyan niya bago ako nagpasyang pumasok na sa bahay.
Sana lang at walang nakakita sa pagbaba ko do'n, chismosa pa naman halos lahat ng kapitbahay namin at madaldal, paniguradong sasabihin nila kay mama 'yon. Ayoko namang pag chismis-an nila si Margareth, baka kwestyunin pa ang pakikipag kaibigan sa isang sampid na tulad ko.