CHAPTER 4

1769 Words
Nakaupo na kami sa sala nang makita kong dumukot si Aling Susan ng dalawang libo sa kanyang wallet sabay abot sa akin. Agad naman akong umiling at hindi 'yon tinanggap. "Ah, Aling Susan, isang libo lang po sana ang hihiramin ko," bulalas ko sakanya. "Ano ka bang bata ka, ayos lang ito, kunin mo na, sige na." Lumapit pa siya sa akin at pilit inaabot ang pera. "Isang libo lang po talaga sana, Aling Susan, para po mabayaran ko rin agad." "Jusko kang bata ka, kung 'yan ang pino-problema mo, pwede mo naman akong bayaran anytime at hindi ko na kakaltasan ang sweldo mo. Ikaw na ang bahala kung kelan ka magbabayad," wika nito sabay abot pa rin sa akin ng pera. Nang hindi ko tanggapin ay siya na mismo ang kumuha ng kamay ko at inilahad doon ang dalawang libo. Nahihiyang umiling ulit ako bago pilit na ibinabalik sakanya ang sobrang pera na ipinahiram niya. Ayos na ako sa isang libo, kaya ko na 'yon pagkasyahin para sa mga gagamitin ko sa pasukan. "Uhm, ayos lang po kung isang libo lang talaga, nakakahiya naman po." Narinig ko ang mabigat na pagbuntong hininga ni Aling Susan bago ako hinawakan sa kamay. "Virgo, iha, huwag ka ngang mahiya sa akin. Alam mo naman na para na kitang anak, hindi ba? Huwag na huwag kang mahihiyang lumapit kapag may kailangan ka, ito sige na kunin mo na." Wala akong magawa nang i-urong niya ang mga kamay kong nakalahad at tinanggihan ang isang libong pilit kong ibinabalik sakanya. Kahit siguro tumutol ako ng tumutol dito ay hindi pa rin papatinag si Aling Susan, sadyang napakabait niya. Nakita kong tumayo si Margareth sakanyang inuupuan na one seater sofa sabay lipat sa tabi ng inuupuan ko. Kahit sa pag-upo ay mukha siyang mayaman, nakasiklop ang mga tuhod at tuwid na tuwid ang likod. "Ate V, can I call you like that?" Tanong niya. Napakunot naman ako ng noo. V? Mahirap ba bigkasin ang pangalan ko? Pilit na ngumiti ako sakanya bago sumagot. "U-Uh, pwede naman." "Great! Thank you! Nana told me that you're not financially stable and you're supporting yourself in college. Do you want a scholarship, Ate V? I can give you one if you are interested, sa Manila nga lang." Nagulat ako sa sinabi niya, nakaka tempt 'yung gano'ng klaseng offer pero alam kong hindi ako papayagan ni mama. At nakakahiya kung papayag ako dahil ngayon pa lang naman kami nagka-kilala. Nilingon ko si Aling Susan na tahimik lang na nakatingin sa amin, mukhang kinuwento niya sa bisita niya ang kalagayan ko sa bahay. "Ahh, hindi na, ayos na ako rito nakakahiya naman tsaka b-baka hindi rin ako p-payagan ni mama." Maganda sanang opportunity 'yon. Kaso lang bukod sa nakakahiya, hindi ako makakaalis ng bahay dahil kay mama. Hindi ko rin kayang buhayin ang sarili ko dahil nag-aaral pa ako, kung siguro sa university lang na papasukan ko ang scholarship na sinasabi niya, baka tinanggap ko pa. "Hay nako, iha, kahit siguro umalis ka sakanila nang walang paalam hinding hindi ka hahanapin ng mga 'yon. Baka tuwang tuwa pa sila at umalis ka na sakanila, mas gusto ko nga na sana sumama ka na lang dito sa alaga ko." "Right, pwede kang tumira sa mansyon namin! My brothers won't mind it, I'll help you!" halata ang excitement sa boses ni Marga. Umiling ako at pagod na ngumiti, hindi talaga pwede. Nangako ako kay papa na hangga't kaya kong tumira sa tunay niyang pamilya, titira ako. Tsaka may balak naman talaga akong umalis sa bahay na 'yon kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral. Sa ngayon, hindi ko pa kayang umupa dahil ang sweldo ko kay Aling Susan ay nakalaan lang sa pag-aaral ko. Tsaka mansyon? Grabe, hindi lang mukhang mayaman 'to, totoo palang mayaman nga. "Hindi po talaga pwede, Aling Susan. Mag iipon nalang po ako para kapag may pera na e ako po mismo lalayo sakanila," tanging sambit ko sakanila. Napailing nalang si Aling Susan. Alam niya kase lahat ng pang-aalipusta sa akin ng mama ko at ng mga kapatid ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Margareth. "Alright, do you have cellphone, Ate V?" "M-Meron," ani ko sabay pakita ng de keypad na cellphone ko sakanya. Nanlalaki ang matang tinuro niya ang cellphone na hawak ko. "That's your cellphone? How about touchscreen, ate?" "Hmm, wala kase akong pambili kaya tiis nalang muna sa ganito, tsaka w-wala naman akong ka-text bukod kay Aling Susan." "I see," malungkot na saad nito. "Oh siya't mag aarkila na ako ng sasakyan sa labas para ihatid ka sainyo. Gabing gabi na rin at baka mapa'no ka sa daan kapag naglakad ka pa," wika ni Aling Susan sabay dire-diretsong lumabas. Tumayo na rin ako kasabay ni Margareth, hinintay ko siyang gumalaw sa kinatatayuan dahil doon din ako dadaan nang bigla niya akong niyakap. "Nice to meet you again, Ate!" Nagulat ako sa ginawa niya, wala akong maapuhap na salita kaya't tumango nalang ako. Siya ata ang kauna-unahang yumakap sa akin bukod kay papa. Ang sarap sa pakiramdam. "Salamat, Margareth, nice to meet you too," utas ko kinalaunan. "Marga nalang, Ate! Dalawang araw lang sana ako dito kay Nana but I'll surely extend it for a week!" masaya nitong sabi sabay kapit sa braso ko. Awkward akong natawa sa ginawa niya, halatang sanay siyang makipag kaibigan. "Nandito na ang tricycle, iha, halika na at para makauwi ka na." "Salamat po." "Mag-iingat ka, ha? I-text mo ako kapag uwi mo para alam kong nasa bahay ka na." "Sige po, alis na ho ako!" paalam ko sabay kaway sakanila at pumasok na sa naka-abang na tricycle. Sinulyapan ko pa sila ng isang beses habang umaandar na ang sinasakyan ko. Gumaan ang pakiramdam ko dahil sakanila, napangiti ako dahil nakaramdam ako ng kasiyahan sa pagyakap sa akin ni Marga. Ngayon lang may nagtangkang makipag-kaibigan sa akin at ang saya. Nawala ang bigat sa dibdib ko kahit papaano. Pagka-uwi ko sa bahay ay nadatnan ko na nanonood ng TV si Kuya Fred at may nakalatag na mga alak sa harapan at iba't ibang klase ng pulutan, kaharap pa niya ang isa niyang kaibigan at ang aking tiyuhin na pawang mga mukhang adik. Hindi naman sa judgemental pero gano'n talaga ang itsura nila. Kakamot kamot pa sa malaki niyang tiyan ang aking tiyuhin habang nakataas ang isang paa sa inuupuan. Pare parehas silang nakatutok sa TV kaya hindi nila ako nakitang pumasok, paniguradong pera ko ang ginamit ni kuya para sa mga 'yon. Ang kakapal ng mukha! Wala rin si mama, Ate Lyra at Enzo sa sala kaya malamang nasa kwarto na nila ang mga 'yon. Pumanhik na ako sa aking kwarto at nagbihis na ng pantulog. Makakatulog na ako nang maayos ngayon dahil may ipambibili ako ng gamit bukas. Hulog talaga ng langit si Aling Susan. Bago ako matulog ay kinuha ko muna ang cellphone ko sabay text kay Aling Susan at sinabing nakarating na ako sa bahay, nagpasalamat na rin ako dahil sa pinahiram niyang pera. Naalala ko uli ang mabait niyang bisita kaya naman natulog akong may ngiti sa labi. Kinabukasan ay gising na agad ako ng ala-sais, nakapagluto na ng almusal para kila mama, naligo na at naghanda na sa pag alis. Bitbit ko ang aking shoulder bag at kumuha ng ballpen sa tokador ni mama, ililista ko muna ang mga bibilhin ko bago pumanhik. Suot ang isang kupas na pantalon, itim na t-shirt na tinuck-in ko lang sa harapan tsaka rubber shoes na bigay sa akin ni Aling Susan, nag-abang na ako ng jeep na pwedeng masakyan sa paradahan. Buti nalang talaga at nakahiram ako kagabi kay Aling Susan, torno ng mga jeep ngayon papuntang bayan kaya naman makakasakay ako at makakatipid sa pamasahe. Nang makarating ako sa bayan ay kumain muna ako ng almusal sa topsilog-an na nakita ko, sobra naman ang pinahiram ni Aling Susan kaya makaka-kain pa ako nito. Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa bilihan ng school supplies, binili ko lang ang mga importante at talagang kailangan ko. Bumili na rin ako ng simple at mumurahing bag. Bibili pa sana ako ng sapatos pero baka wala nang matira sa pinahiram sa akin ni Aling Susan, baka wala akong baunin sa unang araw ng pasukan, ayos na muna ang mga 'to. Napagpasyahan kong umuwi na dahil wala naman na akong bibilhin at mataas na ang init dahil malapit nang mag tanghali. Naglalakad na ako sa gilid ng kalsada papuntang paradahan ng jeep nang may bumusina sa likod ko. Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa lakas no'n, buti nalang din at mahigpit ang hawak ko sa mga binili ko. Nilingon ko agad kung sinong hinayupak ang bumusina sa akin at nakita ang natatawang si Margareth sa passenger seat ng isang magarang sasakyan. "Ate V! Sorry, nagulat ka ata!" tatawa-tawa nitong sambit. Napahawak ako sa dibdib at napahugot ng malalim na hininga. Grabe ang bilis ng t***k ng puso ko, ikaw ba naman ang magulat sa gano'ng kalakas na busina, ewan ko nalang. "Nagulat talaga ako, Marga. Handa na sana akong sigawan kung sinong gumawa no'n, eh." She pouted her lips in a cute way. "Sorry, Ate! Nakita kase kitang naglalakad, gusto mong sumabay? I'm going home na rin, hinatid lang namin si Nana Susy sa hospital, may check up kase 'yon today, tapos yung nephew na raw niya susundo sakanya," may pagka conyo nitong sabi. Agad kong winagayway ang kamay ko, senyales ng pagtanggi ko sa offer niya kahit pa mukhang makakalibre ako ng pamasahe. "Hindi na! Nakakahiya naman, a-amoy pawis na kase ako," alinlangan kong sabi. Babad na ako sa araw tapos mainit pa kanina sa bilihan ng school supplies, nakakahiya kung maamoy niya ako. "Ate, you don't look mabaho to me, I bet your sweat smells fine, c'mon!" pilit nito sa'kin at bumaba pa ng kotse sabay hila sa akin papasok ng kanyang sasakyan. Wala na akong magawa nang pinasakay niya ako at agad na sinenyasan ang driver niya. "Let's go." Agad namang pinaandar ng driver niya ang sasakyan kaya naman hindi na ako tumutol at tahimik nalang na inayos ang upo ko. Pasimple ko pang inamoy ang sarili ko, air conditioned pa naman ang kotse niya. Wala naman akong mabahong amoy sa katawan, ang kaso lang, dumaan ako kanina sa isdaan dahil 'yun ang daan papunta sa mga school supplies, kumbaga short cut na rin, baka amoy malansang isda ako edi nakakahiya nga. Pag andar ng sasakyan ay kakausapin na sana ako ni Marga nang may nag ring na cellphone. Nakita kong nanlaki ang mata ni Marga at nawalan ng kulay ang kanyang mukha nang makita kung sino ang tumatawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD