HINDI nakaligtas sa mga paningin ni Liezel ang nangyayari sa labas ng villa kung nasaan siya; kitang-kita niya ang hinandang surpresa ni Leonardo para sa kaibigan nyang si Yvonne. Hindi niya napigilan ang sariling hindi magalit dito dahil sa pagpapahalagang harap-harapang pinapakita nito kay Yvonne; samantalang siya? Naiwan sa villa, ni hindi man lang siya magawang maalala ng dalawa.
Sinama-sama pa siya r'on at hahayaan lang din. Ano ang akala ng mga ito sa kaniya? Chaperon lang siya. Binato niya ang tingin sa black two piece swim suit niyang nakalatag sa kama ng silid na inookupa niya.
E, kung isuot niya kaya ito at rumampa sa harap ng mga ito? Baka hindi lang mapigilan ni Yvonne ang ma-insecure sa kaniya at si Leonardo naman baka lumuwal lang ang mga mata nito kapag nakita siya.
Napangiti si Liezel. Tutal! Nagawa rin naman siyang balewalain ng dalawa — bakit di niya na lang abalahin ang mga ito sa romantic dinner nila.
'Good idea, Liezel!' sang-ayon niya sa sarili.
Nagmadali si Liezel. Inayos niya ang sarili; sa banyo dumiretso siya't sinuot nga ang binabalak kani-kanina lang. Kung hindi siya nagawang imbitahin ng dalawa siya na mismo ang mag-iimbita sa sarili niya.
'Ginagalit mo na naman ako Leonardo! And you Yvonne, nagiging maka-sarili ka na naman! Mahirap ba talaga para sa iyo ang mag-share?!' inis niyang turan; habang inisa-isang tinatanggal ang saplot niya sa katawan.
'You guys trigger me! Kasalanan niyo rin kung bakit ako nagkakaganito dahil sa pagiging selfish niyo pareho!'
Napangiti siya nang pagmasdan ang salamin sa isang full body mirror na nandoon sa banyo na iyon. She looks stunning; hinayaan niya lang ilugay ang itim at hanggang balikat niyang buhok para mas lumabas ang taglay niyang ganda. Mas lalo siyang pumuti sa suot na swim suit. Nag-pulbo lang siya at lip gloss para naman mas dumagdag sa karisma niyang taglay; kilala nya ang tipo ni Leonardo.
'Let see now kung kanino mababaliw si Leonardo! Dahil hanggang nagpapaka-dalisay ka Yvonne, walang mangyayari sa relasyon nyo!' natatawang bulong niya sa sarili.
Nagpasya na siyang lumabas nang muling sipatin ang sarili sa salamin. Hindi siya papayag na basta na lamang siya hahayaang mag-isa sa villa na iyon; ipapangalandakan niya ang karisma niya sa harap ni Yvonne kaya nga siya nagustuhan ni Leonardo dahil don. Ipakikita niya sa harap nito na siya tipo ng mapapangasawa nito. Taas kilay siyang lumabas ng silid niya. Halos nasa harap lang ng villa ang dalawa — maliwanag naman ang palagid kaya hindi siya natatakot maglakad papunta sa gawi ng mga ito.
"Liz..."
Halos nagulat si Liezel nang paglabas niya sa entrance ng pinto nandoon ang dalawa't magkahawak kamay.
"Hi!" Nakakunot-nuo niyang bati sa mga ito.
"What are you doing here?" tanong niya kay Yvonne. Tapos na ba ang mga ito? Halos kauumpisa lang ng dalawa nang mamataan niya ito sa bintana kanina.
Ngumiti si Yvonne at may paghangang pinagmamasdan siya mula ulo hanggang paa.
"Ang seksi mo naman, Liz. Night swimming?" tanong nito.
Niyakap nito sa tagiliran si Leonardo na halatang iniwas ang mga tingin sa kaniya.
"Oo eh. Nainitan ako. Kayo ba? Ayaw niyo? Mukhang maganda ang panahon. Tara."
"Ikaw na lang, Liz. May pag-uusapan lang kami ng honey ko," malambing nitong sambit sa kaniya.
"Hindi ba, Hun. Sigi na, Liz. Just enjoy the night and we too. May gagawin din kami," natatawa pang wika nito.
Sinundan nya nang tingin nang magpatiuna itong dalawa. Ngitngit sa galit ang naramdaman niya nang hindi umubra ang plano niya.
Narinig niya na lang nang magsarado ang pinto ng silid ng dalawa.
"VONNN..." sambit ni Leonardo nang pangalan ni Yvonne nang nasa silid na silang dalawa.
Tahimik ito hanggang sa makaupo ng kama, habang walang emosyong pinagmamasdan siya't nakatayo sa may bintana sa kaliwang bahagi ng silid nila.
"Iyong sinabi mo kanina.. Seryoso ka ba r'on?" tanong ni Leonardo kay Yvonne.
Ngumiti ito bilang tugon sa tanong niya. Hindi niya mawari kung nagbibiro ba ito o gusto talaga nitong may mangyari sa kanilang dalawa gaya na lamang ng mga narinig niya mula sa bibig nito nang hindi niya inaasahan.
Sinusubakan lang ba siya ni Yvonne o handa na talaga nitong ipagkaloob ang sarili sa kaniya? Ano ang nag-udyok dito para magdesisyon ng ganoon; pagkatapos siyang tanggihan ng ilang beses sa pagtangka niyang kunin ito.
"May orasyon ba bago natin gawin?" natatawang tanong nito sa kaniya.
Lumapit siya sa gawi ni Yvonne. Hindi pa rin ito natinag kung saan ito nakaupo kanina.
"H-handa ka na ba talaga?" paniguradong tanong niya.
"Aaminin ko si Leo, hindi ko pinag-isipan 'to. Kanina lang ako nagdesisyon habang nagtatalo tayo."
"Bakit?"
Bumaba ito ng tingin sa kamay nya sa ibabaw ng hita niya.
"N-natatakot a-akong h-hanapin mo sa iba ang mga bagay na hindi ko kayang ibigay."
Hinawakan niya ang baba ni Yvonne at tinaas ito ng tingin.
"H-hindi mangyayari!" maiksing tugon niya rito na alam niyang kasinungalingan lang.
"I'm ready, Leo. Naisip ko na d'on naman tayo pupunta 'di ba? Bakit pa natin patatagalin? Bakit pa natin hihintayin iyong araw ng pagkatapos ng kasal natin kung handa naman tayo pareho sa responsibilidad kung sakali," mahabang pagkakasabi nito sa kaniya.
Ngumiti siya. Napasinghap siya nang dahan-dahang nilapit niya ang tingin dito.
Ramdam niya ang paglunok ni Yvonne nang tuluyan niyang sakupin ang labi nito. Tinugon ni Yvonne ang halik niya hanggang sa paglalim nito; napapikit ito nang idilat niya ang kaniyang mga mata.
Maingat niyang ihiga si Yvonne nang tumayo siya para hubarin ang suot na polo shirt at pantalon. Nanatiling nakapikit pa rin ang nobya niya.
Napatayo ng ilang minuto si Leonardo bago siya nagbaba ng tingin dito't hinalikan sa nuo si Yvonne at humiga siya sa tabi nito.
"T-this is not right, Hun. This is not you," maliwanag niyang pagkakasabi sa tabi nito.
Napalingon sa kaniya si Yvonne, ngumiti siya rito nang magtama ang mga mata nilang dalawa; puno ng pagtataka ang tingin niyong pinukol sa kaniya.
"W-what do you mean?"
Umiling-iling siya. Binaling ang tingin sa kisame ng silid na iyon at hinawakan niya ang kamay ni Yvonne.
"Iba ang Yvonne na kilala ko. Iba ang Yvonne na pakakasalan ko. Hindi ikaw 'to kaya I don't want this to happen."
"Pero, Leo— Handa na ako."
"Iba ang sinasabi mo sa pinaparamdam mo, Hun. Hindi ka pa handa at iyon ang gusto kong maramdaman mula sa iyo.."
"Pero, Leo..."
"Makakapaghintay ako. Makakapaghintay tayo. At kung natatakot ka na hanapin ko sa iba 'to, gagawin ko ang lahat na mawala yan sa isip mo. Hindi ko sisirain ang tiwala mo sa akin, Yvonne."
Napaupo si Yvonne. Tumingin ito sa kaniya.
"Habambuhay kong ipagmamalaki sa sarili ko na nagawa kitang hintayin, dahil iyon ang tama... dahil iyon ang desisyon mo at iingatan kita kahit na ano pa ang mangyari, Yvonne."
Humiga sa tabi niya si Yvonne niyakap siya nito nang mahigpit nang idantay nito ang ulo sa balikat niya.
"I'm sorry, Leo.."
"Shhhhh. You don't have too."
Nasa ganoong ayos silang dalawa nang tuluyan silang ginupo ng antok.