The Scandal | Chapter 16.2

939 Words
CONTINUATION "CANDLE LIGHT DINNER FOR THE TWO OF US, HUN..." bulong ni Leonardo nang tanggalin nito ang blindfold niya. Nag set up ito ng isang picnic style dinner for them sa may buhanginan sa harap maliwanag na karagatan dahil sa ilaw na nagmumula sa maliwanag na sikat ng buwan. "Para saan to?" "I'm willing to explain you everything, Vonn. Alam kong may mga bagay kang hindi naiintindihan at hindi pinaniwalaan. That's why we're here, I'm here. Hindi ko lilinisin ang pangalan ko sa iyo, dahil hindi ko hahayaan na magkamantsa 'to! Magkamantsa ang tiwala mo sa akin, Yvonne." "Magsisinungaling ka ba sa akin? O, nagsisinungaling ka na ba sa akin?" agaw niya sa mga sasabihin ni Leonardo. "Yvonne, I'll protect you. Magpapakulong naman ako kung sakaling may kasalanan nga ako sa iyo. But no, Vonn. Wala! At hindi ko hahayaan." Inalalayan siya nitong umupo. Inalatag nito ang pagkain na hinanda nito sa harap niya. "Liezel should be here... may dapat siyang ipagpaliwanag sa akin, Leo." Natigilan si Leo sa akmang pag-abot ng isang mamahaling wine kay Yvonne nang marinig niya ang sinabi nito. Anong kailangan ipaliwanag sa kaniya ni Liezel? Iyon agad ang tumakbo sa isip niya. "Can you please forget it first, Hun. Lahat ng tumatakbo sa isip mo pwedi bang kalimutan mo muna ang lahat ng iyon," agap niya. "Hun, we're here to enjoy.. Hindi para maging anxious ka sa mga bagay-bagay na hindi ko alam kung ano iyong mayroon," dugtong pa. "You're right," sang-ayon nito. Hinawakan niya ang kamay ni Yvonne. Nasaktan siya kanina sa mga sinabi nito tungkol sa pagpapaalala nito tungkol sa mga magulang niya— inisip niya na lang na may pinagdadaanan lang ito. "Always remember that I'm here. Pakikinggan kita. Sasamahan kita. Iintindihin kita, Vonne. Mahal kita at gusto kong maramdaman mo iyon." # Tinitigan siya nito sa mga mata niya. Ang kaninang seryosong mukha nito nang humarap sa kanya'y nagkaroon ng unti-unting ngiti. "Le, I'm sorry..." "Sorry for what?" *Sa mga nasabi ko kanina... Sa mga narinig mo't hindi mo narinig. I-Im sorry. Nabigla lang ako. Nasaktan lang ako." Dinala niya ang palad niya sa pisngi nito. "Sinabi ko na sa iyo n'on pa 'di ba? Hindi kita sasaktan, Yvonne. Just not because I know your Dad power, pero dahil mahal kita. Mahal kita, Yvonne. At magpapakasal tayo kahit na ano'ng mangyari." NAPAYUKO si Yvonne sa kamay nilang magkahawak ni Leonardo. Binaba nito ang palad nitong nakahawak sa pisngi niya't hinawakan ng dalawang kamay nito ang kamay niya. Pinaramdam sa kaniya ang assurance na totoo ang mga sinabi nito. Hindi niya man alam kung dapat ba siyang maniwala. Muli siyang nagtaas ng tingin, sinalubong ang tingin nito. Maniniwala siya ngayon! Pero hindi mawawala ang pagdududa sa mga gusot na pinapasok nitong unti-unting pinaplantsa ng panahon para sa katotohanan ng kutob niya. "Let's enjoy this night. Dalawang araw lang tayo dito. We don't have to be think something na makukumpromiso iyong bakasyon natin." Napangiti siya sa suhestiyon ni Leo. Tama nga naman ito saglit lang ang panahon na mananatili sila d'on. And, she settled everything this quick vacation para sa kanilang tatlo ni Liezel; para makabawi siya sa kabutihang ginawa ng mga ito sa kaniya. Sa ngayon aalisin niya muna sa isip ang soccer cap na paborito ni Leonardo't nakita niya kay Liezel sa isang larawan— gayon din ang panaginip ng lalaking animo nasasarapan sa ibang babae dahil sa ibang tawagang sinasabi nito. She's willing to forget everything and anything. 'Kapag mahal mo ang isang tao! Magbubulag-bulagan ka! Magtatanga-tangahan ka para hindi lang sila mawala!' mapait na bulong ni Yvonne sa sarili niya. "Cheers, Hun..." ani ni Leonardo nang iabot nito sa kaniya ang kopetang hawak nito. 'Malalaman mo lang na wala ng pagmamahal kapag kaya mo nang itama ang mali! Na kapag matanggap mong ang mali ay mali! Na kung pipiliin mo na iyong sarili mo— kahit maiwan pa akong mag-isa!' aniya pa. "C-cheers.. Cheers for our wedding soon, Leo." "For our wedding soon, Ms. Gonzalo." Napangiti sila sa isa't isa. Handa siyang magpakatanga ngayon sa likod at harap nito. Pero tulad ng sabi niya, alam ni Leonardo ang kaya niyang gawin oras na malaman niyang tama ang lahat ng kutob niya. Sa utak niya nakasaksak d'on ang lahat ng posibleng bagay na mangyayari kay Leonardo at ang kasangkapan nito sa panloloko sa kanya. Huwag na huwag lang ito pahuhuli sa akto! galit niyang bulong sa sarili. Napasinghap siya. Binato niya ang tingin sa villa kung nasaan naiwan si Liezel; may mga plano siyang nabuo para hindi na mahirapang umamin ang mga ito kung sakaling inaahas nga siya ng kaibigan niya't tinutuklaw siya sa likuran niya. Binalik niya ang tingin kay Leonardo. 'Paano nga naman iiwas ang manok kung palay na mismo ang lumalapit dito?' nakataas kilay niyang turan sa sarili. "Leo..." Napataas ang tingin ni Leonardo sa kaniya nang tawagin nito ang pangalan niya. "Yes, Vonne." "Never mind." Napailing-iling si Yvonne. Gusto niyang sabihin sa harap ni Leo ngayon na handa na siyang ibigay ang sarili dito sa gabing iyon. Kinastigo lang siya ng konsensya niya na baka pagsisihan niya ang lahat oras na magdesisyon siya sa bagay na hindi niya pinag-isipan. 'Kung ito lang ang magiging daan para itigil ni Leo ang lahat ng naglalaro sa isip ko gagawin ko. Ayaw kong magsisi sa huli't isumbat niya sa akin lahat ng kakulangan ko!' kausap niya sa sarili. "Are you alright, Vonne? You look tense." Napabuntong-hininga siya. Ginagap niya ang kamay ni Leonardo. "I want to be yours tonight... handa na akong ibigay ang sarili't kaluluwa ko sa iyo, Hun! I want to make love with you, Leonardo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD