The Scandal | Chapter 22 TULOY "ARAY!" DAING ni Liezel sa harap niya. Nakahawak pa ito sa sariling pisngi nito't tiningnan sila ni Archie. "Yvonne.." Pag-awat sa kaniya ni Archie nang akma niya pa itong sugurin. "Umalis ka!" May diin niyang pagkakasabi rito. "Ano ba nangyayari sa iyo, Yvonne? I'm here to visit dahil nabalitaan ko ang nangyari kay Leo.." kasinungalingan nitong nakuha pang tingnan siya sa mga mata niya. "Umalis ka ng hayop ka bago pa kita isunod kay Leonardo!" sigaw niya rito. "Yvonne..." muling pigil sa kaniya ni Archie. Mabilis siyang humarap dito at hinampas ang balikat ng lalaking walang kamalay-malay sa lahat ng mga nangyayari. "Siya ang dahilan kung bakit nandito ang pinsan mo, Archie!" sigaw niya rito. "What are you talking about?" balik sigaw sa kanya ni Li

