Disclaimer: This work of fiction. Names, Characters,businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used fictitious manner. Any resemblance to actual person , living, dead or actual events is purely coincidental.
Start
"Nainbag abigat ante Paula!" "Magandang umaga tita Paula!" Bati ko kay Tita Paula na nagluluto ng umagahan sa kanilang kusina.
Lumingon naman sakin si ante Paula at ngumiti.
"Nainbag abigat den bunton." "Magandang umaga din bunso." Mahinahong bati ni tita sakin. "Gising na ba si Marion?" Tanong nya sakin. Tumango naman ako.
"Wen ante. Naliligo na po ata." "Opo tita. Naliligo na po ata." Magalang na sagot ko. "Tulungan na po kita ante." Pagboboluntaryo ko. Hindi naman tumanggi si tita sakin dahil malelate na din kase si tita sa trabaho nya.
Buti nalang itinuro sakin nila ante- este tita pala yung mga ganitong luto. Kase sa probinsya namin sa Isabela sapat na ang tuyo at kanin namin. Mahirap lang kase kami. Ewan ko ba kung bakit ako yung isinama nila dito sa Las Predas. Pwede naman yung ate ko na mas gusto dito sa lugar na toh. Hindi naman sa ayaw ko pero nakakalungkot lang dahil hindi ko mabantayan yung mga kapatid.
Tinapos ko na ang pagluluto ng pagkain at buti nalang ay nakababa na ang pinsan kong si Marion na may galit parin ata sa mundo.
"Kain na po kuya Marion." Pag-aaya ko sa kanya. Inirapan lang ako nito bago umupo at tahimik na kumain. Hindi ko nalang ito pinansin dahil mas tutok ako sa pagkain. Halata naman kasing ang sasarap ng mga ito.
Lahat ng ulam ay meron sa plato ko. Nakakahiya man pero gusto kong matikman lahat eh. Kahit na busog na busog na ako ay itinuloy ko parin dahil masamang sayangin ang pagkain tsaka ngayon lang ako nakakain ng ganito noh. Nang matapos ako ay iniligpit ko na ang pinagkainan ko at yung kay Marion na umalis na kanina. Si tita naman ay tinulungan akong isinop ang mga pagkain. Hinugasan ko na din ang mga pinagkainan namin para hindi na malate pa si tita.
Nang matapos ako ay umakyat na ko sa kwarto na tinutulugan ko para kuhanin ang bag na binili ni tita para daw sa pagpasok ko. Matapos kong kuhanin ang bag ay lumabas na ako ng kwarto at pumunta na sa sala kung saan nag aayos ng mukha si tita dahil magpapaalam na ako.
"Tita, aalis na po ako." Pagpapaalam ko sa kanya pero pinigilan ako ni tita at may kinuha sa bag nya.
"Eto bunso, baon mo. Huwag kang magpapagutom dun ah." Ani ni tita at may iniligay sa kamay ko. Nang buksan ko ito ay may pera doon. Nanlaki naman ang mata ko dahil hindi yon sampung piso kundi limang daang piso na buo! Ganito ba kalaki ang ibinibigay ni tita kay Marion?!
"T-teka po tita. Anlaking pera naman po nito. Okay lang po ang sampung piso sakin." Gulat paring sabi ko. Narinig ko namang natawa si tita sa sinabi ko na ikinakunot ng noo ko.
"Silly. Para na kitang anak Judy. Tulad ni Marion. Kaya sa abot ng makakaya ko ay kung anong meron si Marion ay gusto kong meron ka rin at hanggat nandito ka sa pamamahay ko ay gusto kong ibigay sa iyo ang mga kailangan mo kaya huwag mong gutumin ang sarili mo nak." Aniya.
Dahil sa sinabi ni tita ay agad akong napayakap sa kanya at pinipigilang umiyak. Ramdam kong nagulat si tita pero kumalma din at hinagod ang buhok ko.
"Salamat po tita. Maraming salamat po." Umiiyak kong sabi.
"Wala yon nak. O sige na, pumasok ka na at baka malate ka pa sa unang araw ng pasukan nyo." Mahinahong ani ni tita sakin. Tumango naman ako bago magpaalam ulit at umalis na.
Masayang umalis ako sa bahay at naglakad papuntang kanto para maghitay ng masasakyan pero ilang minuto ang nakalipas ay wala paring jeep na humihinto dahil puno ito. Pero naghintay parin ako.
"Woy, sakay." Rinig kong tawag ng nasa likod ko. Nang lumingon ako ay si Marion iyon. Tinuro ko naman ang sarili ko.
"Ako?"
Nakita ko naman itong napairap. "Sino pa ba? May kasama ka ba dyan? Diba wala?" Halata ang sarskamo sa boses nito na hindi ko nalang pinansin at umangkas na sa motor nito.
"Kapit" utos nito. Sinunod ko naman iyon. Kahit hindi ako komportableng humawak sa balikat nya ay ginawa ko dahil ayokong tumilamsik nalang dito noh.
Buti nalang talaga ay nakakapit ako ng mabuti dahil pagkahawak ko sa balikat nya ay agad nitong ipinaandar ang motor at mabilis na ipinaharurot ito.
Ilang minuto lang ay nakarating na din kami sa iskwelahan.
"Baba." Utos na naman sakin nitong si Marion.
"Hindi ka po ba papasok?" Mahinanong tanong ko.
"Pake mo?" Seryosong sabi nito.
Hindi nalang akong kumibo at pumasok nalang sa loob ng paaralan. Napanganga ako dahil sa laki ng paaralan na ito. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Talaga bang dito ako mag aaral? Ang ganda naman dito.
Habang naglalakad ako ay inililibot ko ang mata ko dahilan ng pagkabangga ko sa isang istudyante.
"Aray!" Sigaw nito dahilan para matanggal ang paglilibot ng mata ko sa paligid.
"Hala sorry!" Paghingi ko ng tawad at itinayo sya.
Nang maitayo ko ito ay humingi ulit ako ng tawad ng paulit ulit.
"Sorry talaga." Ani ko. Ang malas ko naman!
"H-hayaan mo na yun. Okay naman na ako. Sorry din dahil hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko." Paghingi din nito ng tawad sakin.
Napatingin naman sa nabunggo ko na nakayuko. Hindi ko pa nakikita ang mukha nya pero sigurado akong magandang babae ito.
"W-wag ka ng mag sorry sakin. Parehas lang naman tayong hindi nakatingin sa dinadaan." Sagot ko sa kanya. Humarap naman sakin ang babae at hinawakan ang kamay ko.
"Thank God! Akala ko itutulak mo din ako tulad ng iba." Ani nito na para bang nakahunga ng maluwag.
"Huh?" Naguguluhang sabi ko.
Tumingin naman sakin ito at pinaliitan ang mata na parang singkit.
"Transferee?" Tanong ng babae sakin. Naguguluhang tumango naman ako sa tanong nya.
"Ahhh kaya pala. Ako nga pala si Eleanor. Pwede mo kong tawaging Eya. Grade 10." Pagpapakilala nya sakin.
"J-judy Ann. Grade 10 din." Pagpapakilala ko din.
"Talaga? Anong section ka?" Tanong nya sakin.
"Five" Sagot ko.
"Nice! Classmate pala kita!" Ani nya at hinitak ako papunta daw sa mga silid namin.
Hindi sa hindi ako konportable sa kanya pero ganun na nga.