"Nako Judy! Kung alam mo lang. Itong sila Darcy, Elsi, at Aaget! Naranasan ding mapahiya dito dahil sa mga bully!" Pagkukwento ni Eleanor habang tinuturo sila Darcy na ipinakilala nya sakin at kaklase ko din.
"Nako kung alam mo lang yung naranasan namin talagang maiiyak ka nalang talaga." Ani ni Elsi.
"Ganito ba talaga dito? Sa probinsya kase namin may ganito din naman pero sa labas ng paaralan." Pagkukwento ko.
"Alam mo Judy. Ganito talaga dito. Siguro nga pribadong iskwelahan ito. Pero hindi talaga matatanggal ang bully. Lalo na kung yung bully ay yung mga nasa highest section pa. Kung makikita mo lang talaga yung panget na baboy na yun maaawa ka nalang talaga sa binubuli nya." Sagot naman sakin ni Darcy na nakahiga pa sa lapag.
"Tama! Kaya nga walang makalapit sa lalaking yon pag may nakitang biktima yon. Maliban nalang sa President natin na si Arabelle. Kapatid nyang si Eleanor. Dapat nga nandito yung si Lui section five o kaya sa Six pero wala eh. Porque isa sa stock members yung magulang nya." Pagsang-ayon naman ni Aaget kay Darcy.
"Yeah. Tsaka alam mo dapat nga walang section five at six dito. Pero dahil sa anak ng mga bully, ganito nalang ang nangyari. Gusto ko ngang lumipat nalang pero ayaw akong payagan ni Papa. Dapat daw parehas kami dito ng kakambal ko sa school na toh." Inis na sabi ni Eleanor.
Ngayon alam ko na kung bakit. Karamihan ng napunta dito sa section five at six ay mga nabully. Hindi naman makatarungan ang ginagawa nila.
"Nga pala, diba sinabi mo Nicolas ka? So kaano ano mo si Marion Hawk Nicolas?" Tanong sakin ni Darcy. Sasagot na sana ako kaso dumating na ang teacher namin.
Wala namang gaanong ginawa dahil puro pagpapakilala lang maliban sa science namin. Nagbigay agad ng aralin at may kasama pang takdang aralin. Matapos ang morning class namin ay inaya nila ako sa tinatawag nilang cafeteria.
"Nakakatakot naman palang bumili dito, dapat pala sa gilid gilid nalang tayo bumili. Mura pa." Ani ko sa kanila pero pinagtawanan lang nila ako.
"Hindi kami bumibili don Judy. Dahil sabi ng magulang ko na hindi daw masustansya yung tinda don sa gilid gilid na sinasabi mo." Sagot ni Eleanor.
"Yeah. Tsaka alam mo, hindi daw malinis yung mga tinitinda nila kaya hindi kami bumibili." Pagsang-ayon ni Elsi at dagdag pa nya.
Hindi naman na ako nagsalita dahil wala din namang saysay kase mayayaman tong mga toh. Hinayaan ko nalang silang mag kwento ng kung ano ano habang nakapila kami. Medyo puno yung cafeteria kaya natagalan kaming makabili ng pagkain. Buti nalang ay 2 pm pa ang start ng afternoon subject namin. Nang kami na ang bibili ay nauna na sila bago ako.
"Isang spaghetti with fried chicken, almond ice cream and Diet coke please." Sabi ni Darcy.
"Two macaroni salad and two water. That's all for us." Si Aaget naman ang nagsalita at katabi si Elsi.
"One Burger, vegetable salad and one bottle of water." Ani ni Eleanor.
Tumingin naman sakin ang tindera. "Ikaw ija, ano yung sayo?"
"Ahm... ano po. Sandwich tas tubig nalang po sakin." May kabang sagot ko. First time ko itong gawin kaya ganito nalang ako kanerbyos.
"Wala ng iba ija? Fries?" Tanong ng tindera. Umiling nalang ako at hinintay kuhanin ang tinapay at tubig na binili ko.
Nang makuha na nila ang sakanila ay sila na ang naghanap ng table na pwede naming upuan.
Habang kumakain kami ay puro kwento lang tungkol sa pamilya nila ang ikwinekwento nila.
"Teka lang, bakit kayo yung nagkukwento? Diba dapat si Judy?" Paghihinto ni Elsi kila Aaget.
"May point ka don." Sabi ni Eleanor at tumingin sakin. "Judy, saan ka ngayon nakatira?" Tanong nya.
Napahinto naman ako sa pagkain para sagutin sya. "Ahh... sa tita ko."
"Ako naman magtatanong!" Sigaw ni Darcy. "Muntik ko ng makalimutan toh eh. Kaano ano mo si Marion Hawk Nicolas Sarkozy?" Tanong naman nya.
"Pinsan ko sya. Hindi lang halata dahil maputi sya pero pinsan ko talaga sya." Sagot ko.
"As in??" Hindi makapaniwalang tanong ni Aaget.
"Hoy girl, wag ganyan. Alam ko yung nasa isip mo. Pag ginawa mo yan, isusumbong kita kay Miles." Pagbabanta ni Darcy kay Aaget. Ako naman ay kumagat nalang sa pagkain ko dahil hindi ko alam ang sinasabi nila.
Nakita ko namang lumapit sakin si Elsi. "Crush nya yung pinsan mo pero hindi pwede dahil may jowa sya." Bulong nya sakin. Nahalata ata nyang wala akong naintindihan sa sinasabi nila. Napatango nalang ako sa sinabi nya.
"Elea." Rinig kong tawag ng nasa likod ko kay Eleanor. Napahinto naman kaming lahat at tumingin sila Darcy sa taong nasa likod ko.
"Ate..." Sagot naman ni Eleanor.
"Mag uusap tayo." Istriktong sabi nito. Agad namang tumayo si Eya at nagpaalam samin. Magkita nalang daw kamin sa classroom namin.
Nang lumingon ako ay nakatalikod na sila.
"Si Arabelle...." Mahinang sabi ni Elsi pero narinig ko parin.
So, yung ang ssg president ng school na ito? Bakit sila takot dito? Kung kambal sila ni Eleanor, bakit hindi sila takot kay Eleanor? At bakit nakajacket si Arabelle? Ano bang nangyayari?
Nang matapos ang panghapon naming klase ay kita parin sa mukha nila ang takot. Hindi ko alam kung bakit pero hindi nalang ako nagtanong.
Nagpaalam na akong mauuna ng umalis sa kanila at tumango lang ang mga ito. Nang maka alis na ako sa paaralan ay maglalakad na ulit sana ako pero may humarang na motor sa lalakaran ko.
Timingin ako kung sino iyon at nakita ko ang pinsan ko na seryoso parin ang mukha na akala mong bitbit-bitbit ang mundo.
Sumakay naman na ako at humawak sa balikat nya at ipinaharurot ito hanggang sa makarating kami tapat ng bahay.
"Woy" tawag nya sakin kahit na may pangalang ako. Tumingin naman ako. May inihagis sya sakin ay nasalo ko naman ito.
"Buksan mo na yung bahay. Aalis pa ko." Pagkasabi ni Marion non ay mabilis na umalis ito at ako nalang ang naiwan.
Hinawakan ko naman ang padlock ng gate at binuksan iyon gamit ang susing hinagis ni Marion.
Nang makapasok ako ay nagbihis at gumawa muna ako ng takdang aralin bago maglinis at painitan ang ulam kaninang umaga. Hindi ko alam kung gawain nila ito pero ganon ang ginawa ko dahil sayang pag itinapon lang.
Sa hindi malamang dahilan ay napaisip ako kung bakit ganon nalang talaga ang reaksyon nila Elsi.
Bakit?