"Nak! Kamusta ka dyan? Kamusta pag aaral mo? Masaya ka ba dyan? Huwag kang magiging pabigat dyan kila tita mo ah." Sunod sunod na tanong sakin ni Mama sa kabilang linya. Nanghiram kase ako kila Darcy ng cellphone matawagan lang sila mama.
"Okay naman po ako dito Ma. May mga kaibigan na din po ako at pinagbubutihan po ang pag aaral. Tinutulugan ko din po si tita sa mga gawaing bahay." Sagot ko naman sa mga tanong nya.
"Mabuti naman kung ganoon nak." Panatag na sabi ni mama.
"Kayo po dyan mama? Kamusta po kayo nila Teyo? Harvin? Ate Mich? Sila nanay po?" Masayang tanong ko ngunit ilang minuto ito bago sumagot.
"O-okay naman kami dito nak. K-kaya pa naman namin." Naiiyak na sagot ni mama.
"Ma? Okay ka lang po ba dyan? Bakit ka po umiiyak?" Nag aalalang tanong ko.
"O-okay lang nak. Masaya lang ako na okay ka dyan. O sya nak, aasikasuhin ko pa mga kapatid mo. Ingat ka dyan. Ay-ayaten ka nak." "Mahal kita nak" Umiiyak na sabi ni mama.
"Mahal din kita mama." Matapos kong sabihin yon ay dun na nawala ang tawag.
Ibinigay ko naman kay Darcy ang cellphone nya at nagpasalamat. "Salamat Darcy sa pagpapahiram."
"Wala yun Judy. Masaya kaming makatulong sayo." Nakangiting sabi ni Darcy sakin.
Ngumiti naman din ako. Isang linggo na din ang nakalipas ng makilala ko silang apat. Hindi ko alam na sobrang yaman ng mga ito.
Ang pamilya ni Darcy ay isang sikat sa larangan ng pagkanta. Ang magulang naman ni Elsi ay isang kilalang architect. Ang magulang at lola naman ni Aaget ay isang direktor ng mga kilalang pelikula. At ang ina ni Eleanor na isang magaling na artista.
Tapos eto ako, na kaibigan sila.
Siguro sa umpisa nakakainggit pero mas gusto ko itong kinatatayuan ko sa buhay. Normal lang. Mahirap daw kase yung nararanasan nila. Gusto ng magulang nila na magpatuloy yung nasimulan nila.
Lunch time ngayon pero naisipan kong hindi kumain. Magke-candy nalang ako tas skyflakes pag alis sa library. Kailangan ko kaseng tapusin yung assignment ko sa english at math. Para hindi ko na gawin sa bahay. Gusto nila akong tulungan pero tumanggi ako. Siguro pag hirap nalang talaga, tsaka ako hihingi ng tulong sa kanila.
Medyo malayo layo yung library dito sa school dahil sa pinakadulo daw iyon ng paaralan. Malawak kase itong paaralan na ito at may sariling building ang library dahil yun daw ang gusto ng mga istudyante.
Sa hindi malamang dahilan ay napapatingin ako sa kabilang hallway. Para kasing may nagmamasid at tumitingin sakin. Sino naman ang titingin sayo Judy? Hindi ka naman maganda noh. Wag ka ngang ewan dyan. Kailangan mong mag aral uy!
Napailing ako sa sinabi ng isip ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makapunta ako sa library. Totoo nga ang sinabi nila Elsi. May sarili itong building. Maingat kong binuksan ang pinto at sumilip muna bago pumasok. Kinausap muna ako ng librarian doon at sinabi saking huwag mag ingay. Sumunod naman ako ngunit yung gusto kong kuhanin na libro ay hindi ko maabot. Bakit ba kase ang liit ko?
Maingat akong tumungtong sa mga shelf para makuha ko ang libro na kailangan kong kuhanin. Nang mapalit ko ng makuha ay may nakita akong kamay na kumuha ng libro na ikinagulat ko. Hala! Lagot ako neto! Sigaw ng isip ko.
Sa pagkagulat ay napabitaw ako sa kinakapitan ko kanina dahilan para mawalan ako ng balanse at mahulog. Napapikit nalang ako dahit sigurado akong tatama ang ulo ko sa pader na nasa likod ko. Ngunit imbes na pader ang tatamaan ng ulo ko ay isang malambot sa palad ito. Agad akong napamulat at tinignan kung sino ang taong tumulong sakin. Nagulat akong si Eleanor iyon at nakita ko ang sakit sa mukha nito.
Agad kong kinuha ang kanyang kamay at hinilot ito. Paulit ulit akong nag sorry sa kanya ng mahina pero sigurado akong maririnig nya iyon.
"s**t!" Mahinang sigaw ni Eleanor.
"Sorry talaga Eya. Hindi ko sinasadya. Sorry talaga." Maiyak iyak kong sabi sa kanya.
"O-okay lang ako." Sabi nito at inaagaw ang kanyang kamay pero hindi ko sya hinayaan dahilan para maramdaman nanaman ni Eleanor ang sakit. Dahil doon ay humingi ulit ako ng tawad at hindi na mapigilang umiyak. Baka hindi na nya ako kaibiganin nito! Huhu
"Aishhh! Okay nga lang ako sabi!" Mahinang sigaw nya sakin. "Nasaktan ka ba?" Tanong nya sakin.
"Bat naman ako nasasaktan? Ikaw nga dapat tinatanong ko nyan eh! Tsaka bakit hindi mo sinabing susundan mo ko dito Eya? Alam kong matangkad ka pero wag mo naman akong gulatin ng ganon." Naiiyak parin na sabi ko.
"Takte, ako na nga nagmalasakit, ako pa sinisi." Bulong nito sa hangin pero hindi ko gaanong narinig dahil sa kakaiyak ko.
Naramdaman ko nalang na hinitak nya ako papunta sa kanya at niyakap ako para patahanin. "Ssshhhh. Andito lang ako. Tahan na." Mahinang sabi nito sakin sabay hagod sa likod ko para pakalmahin ako at napakalma naman nya ako.
Dahil sa lapit namin ay naaamoy ko ang pabango nya. Ang bango talaga ni Eya... pero nagpalit ba sya ng pabango?
Ilang minuto kaming nasa ganuong posisyon bago ako lumayo sa kanya at tignan sya. Ngayon ko lang napansing nakajacket pala sya at kita kong may bangs ito na ipinagtaka ko. Kanina lang ay wala syang bangs ah? Pinagtripan ba nya buhok nya?
Napansin ko din yung mata ni Eya. Kulay pula. Pareho. Contact lense ba toh?
"Alam mo Eya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sayo pero ang ganda mo ngayon. Ang ganda mong bampira." Pagpupuri ko sa kanya.
Nakita ko naman na napairap ito. "Thanks for the 'complement'" Sarskamong sabi nito na ikinasimangot ko.
"Wag ka ngang maging sarskamo. Hindi naman ako nagbibiro eh, para ka talagang bampira." Nakasimangot kong sabi. Narinig ko naman natawa sya at kinurot ang kaliwang pisngi ko dahilan para ako'y mapasimangot ng todo.
"Hop na Eya, nasakit na pisngi ko." Nakasimangot kong sabi sa kanya. Natatawa parin si Eleanor pero binitawan na nya ang pisngi ko saka tumayo para iayos ang mga nahulog. Buti nalang talaga at malayo sa librarian itong shelf na nagulo ko. Kaya hindi maririnig. Tumulong din ako sa pag aayos dahil nakakahiya naman kung sya pag aayusin ko netong nahulog ko.
Nang matapos kami ay ibinigay nya ang libro na kailangan ko at sinabihan akong pwede ko daw itong iuwi at isoli nalang bukas dahil malelate ako sa subject namin. Inaya ko na din sya pero susunod nalang daw sya para magpalit. Kahit gusto ko syang samahan ay umalis na ako at pumunta sa librarian para sabihing iuuwi ko muna ito, may pinapirmahan muna ito sakin bago ako payagan. Nang makalabas ako ay kinuha ko muna ang skyflakes na dala ko at kumagat ng isang tinapay bago tumakbo hanggang sa makapunta sa silid namin.