CHAPTER 7

1178 Words
Nagising ako ng marinig ko ang cellphone na tumutunog kaya kinuha ko ito ay sinagot ang tawag kahit inaantok pa ako. "Good morning.....sino po ito?" Tanong ko sa tumawag. Narinig ko namang tumawa ito. "Still sleepy. I see..." "Uy! Ikaw pala Arabelle. Good morning!" Bati ko sa kanya at nag inat ng mga kamay. Linggo na pala. Kelangan ko ng labhan ang mga yuniporme ko para magpa plansya nalamg ako mamayang gabi. Tumayo ako sa kama at nag inat ulit. "Good morning too." Aniya. "Kanina ka pa gising?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad papuntang cr para mag hilamos at magmumog. "Yeah." Sagot nito. "Ahm, may gagawin ka ba ngayon?" "Meron naman. Maglalaba kase ako ng yuniporme ko tas maglilinis ng bahay, ikaw ba?." Sagot ko naman. "Ahhh. Ahm, wala naman. Magbabasa lang lectures..." Napatango naman ako kahit hindi ko sya nakikita. Nagpaalam muna ako sa kanyang mag hihilamos lang ako kaya nang um-oo sya ay inilapag ko muna ang cellphone sa gilid at nagsimula ng maghilamos at magmumog. Hindi ko na din pinatay ang tawag dahil si Arabelle lang naman ito. Nang matapos ako ay kinuha ko ang tuwalya sa gilid ng lababo at padamping tinuyo ang mukha ko. Inayos ko ulit ang tuwalyang ginamit ko sa dating pinaglalagyan nito bago kuhanin ang phone at umalis na sa cr at kuhanin ang basket ng maruruming damit ko. "Done already?" Rinig kong aniya. "Ah, oo. Maglalaba nalang ako." "Kumain ka muna bago yan." Ayoko pa sanang kumain pero inisip ko ding baka maging lanta ako pag pinabayaan ko ang kalusugan ko kaya sumang ayon ako sa kanya at nagpaalam na. Ganun din ang ginawa nya kaya ng mawala na ang tawag ay inilagay ko muna ang basket sa laundry room nila tita. Buti nalang at tinuruan ako kung pano gamitin ito kaya hindi ako nahirapan. Umalis ako doon at pumunta ng kusina para magluto. Hindi pa naman nakakaalis si tita kaya may oras pa para dito sya kumain. "Hmmm... ang bango naman nyang nak." Rinig kong ani ni tita. Nakangiting napatingin naman ako kay Tita. "Good morning po tita." Bati ko at pumunta sa kanya para mag mano. "Good morning din nak." Balik nya sakin. "Nakita mo ba si Marion?" Tanong sakin ni tita. Umiling naman ako. "Yung batang yun talaga oo." "Baka po nasa mga kaibigan nya." Ani ko habang inilalagay na sa nakahandang lalagyanan ang pagkaing niluto ko. Napabuntong hininga nalang si tita habang kumukuha ng dalawang plato sa cabinet si tita. "Nga pala nak. Kamusta ka sa school mo?" "Okay naman po. Masaya at ang mamahal po ng mga pagkain dun akala ko po may tagpi-piso." Masaya kong sagot na ikinatawa ni tita. "Ikaw talaga Judy." Natatawang napailing ito. Hinayaan ko namang tumawa nalang si tita habang hinahanda namin ang pagkain sa hapag-kainan. Nagkukwentuhan kami ni tita habang kumakain ng narinig namin ang isang malakas na pagbukas na ikinatayo ni tita at ako naman ay ikinatingin ko kung saan ito. Iniluwa sa pinto na iyo si Marion na sobrang galit na galit. "Marion!" Galit na sigaw ni tita. Tumingin naman si Marion sa amin at tumama ang tingin nya sakin dahilan para magbaba ako ng tingin. "Saan ka na naman galing?!" "Pakeelam nyo?" Walang galang na tanong nya na ikinagalit ng todo ni tita at sampalin sya ng malakas. "Ganyan na ba ang naiimpluwensyahan mo sa mga kaibigan mo?! Lumalaki kang bastos!" Sigaw ni tita Paula sa galit. Hindi naman ito nagsalita dahilan para magsalita ulit si tita. "Hindi kita pinalaking ganyan Marion. Alam kong nasa stage ka na ng pagbibinata pero hindi pinalaking bastos para sagut-sagutin mo ako na parang ikaw ang mas matanda sating dalawa! Mahiya ka naman! Nandito si Judy sa harapan mo!" Narinig ko namang natawa si Marion kaya napatingin ako sa kanya. "Pake ko kung nandyan sya? Sino ba sya? Tsaka tigil tigilan nyo nga ako. Kung hindi dahil sa kanya-" "Isa." Pagbabanta ni tita. "Isang isa pa Marion. Wala ka ng babalikan pang magulang." Umirap lang itong si Marion at pumunta sa taas. Sinundan naman sya ni tita at ako naman ay naiwang mag isa sa hapag-kainan. Kung hindi dahil sakin? Ano? Tanong ko sa isip ko pero wala akong mahanap na dahilan o sagot. Dahil sa kaguluhan ko sa isip ko ay hindi ko napansing naglalakad na ako papuntang kung saan. Nagpa-ubaya nalang ako sa sarili ko kung saan nya ako dadalhin. Naramdaman ko nalang na umupo ako sa isang puno at napayakap ako sa sarili ko. Wala naman siguro akong ginawang masama diba? Wala naman..... sana... "Ano bang ginawa ko?" Tanong ko sa sarili ko habang nakayakap parin. "Hey..." Rinig ko sa gilid ko. Napatingin naman ako at nakita kong si Arabelle iyon. "I-ikaw pala. Akala ko ba magre-review ka pa?" Mahinang tanong ko. "Madali lang naman yung babasahin ko. Nga pala, tinatawag kita kanina nung naglalakad ka pero hindi mo ako pinansin at parang wala ka sa sarili kaya sinundan kita." Tumingin sya sa paligid. "Tas dito ka pinadpad sa tambayan ko." Dagdag pa nito. Napatango nalang ako at tumingin sa paligid. "Hmmmm... okay" tanging sagot ko. "Wala ka ata sa mood. May I know why?" Tanong nya. Napatingin naman ako sa kanya. "Nag away kase sila tita nung umuwi si Marion. Yung pinsan ko. Tas may sinabi sya tungkol sakin pero hindi nya naituloy dahil binalaan sya ni tita. Gusto kong malaman kung ano iyon pero natatakot din ako. Wala din akong matandaan kung anong ikinagagalit nya sakin." Sagot ko sa kanya habang nanlalabo ang aking paningin dahil sa luha. Naramdaman ko namang lumapit sa tabi ko si Arabelle at hinagod ang likod ko hanggang sa tumahan ako. "Masama ba akong tao?" Wala sa sariling tanong ko habang nakatingin sa mga naglalaro sa malawak na lupain sa baba kahit kainitan na ng araw. Napahinto naman si Arabelle sa paghagod sa likod ko. Ilang segundo syang hindi nakapagsalita bago sumagot. "Masama? Paano naging masama ang isang inosenteng tulad mo?" Tanong nya. "K-kung p-pumatay ka ng isang inosente. D-dun ka magiging masama." "Pumatay? Yun lang ba ang rason para tawaging masama ang isang tao?" Tanong ko at sinagot naman nya ito agad. "Hindi lang iyon ang rason pero yun lang kase pumasok sa isip ko ngayon." Aniya habang napapakamot sa ulo. Napangiti naman ako sa pag amin nya at narinig kong kumalam ang tiyan ko dahilan para mapatingin kami ni Arabelle dito. "Sorry, konti lang kase nakain ko kanina hehe." Nahihiyang ani ko na ikinatawa nya. Habang tumatawa ay tumayo na ito at inilahad sakin ang kamay nya. Tinanggap ko naman ito para makatayo ako. Pinagpag ko muna ang panjamang suot ko at inaya akong sumakay sa angkasan sa bisekletang gamit nya. Hindi na ako tumanggi dahil na din gutom na talaga ako at gusto ko ng umuwi dahil baka nag aalala na si tita. Ngunit hindi ko inaasahang huminto kami sa isang karinderya at hinitak nya ako papunta sa bakanteng upuan. Hindi maalis ang tingin ko kay Arabelle habang nakangiting kinakausap ang tindera at ganun din ang tindera sa kanya, parang kilala nila ang isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD