Nang mapansin kong pagabi na ang langit ay magpaalam na akong mauna na dahil baka mag alala sakin si tita at nangako kase akong hindi ko sya bibigyan ng ikakanerbyos nya.
Inalok nila akong ihatid ngunit tumanggi ako dahil medyo malapit lang naman ito, saka gusto ko ding maglibot at puntahan ang playground at park nila rito. Nang makalabas ako sa gate nila ay nag umpisa na akong maglakad papunta sa park. Naging mabagal ang paglalakad ko ng nakarating ako doon at umupo sa playground swing. Konti nalang ang tao dito dahil siguro ay pagabi na.
Bahagya ko itong inugoy at tumingin sa langit na kulay pula. Malungkot akong napangiti habang inaalala ang mga naiwan kong kapatid sa Isabela. Kamusta na kaya sila?
"Gabi na ah? Nandito ka pa?" Rinig kong sabi ng nasa kaliwa ko. Kaya agad akong napatingin kung sino iyon.
"Ikaw lang pala Eya. Akala ko naman nababaliw na ko." Aniko.
Napatingin naman ako sa suot nya ngayon. Nakajacket na naman ito at inilabas na naman ang kanyang bangs saka ang contact lense na pula.
"Akala ko ba dun ka muna kila Elsi para pagtripan sya? Bakit nandito ka?" Tanong ko sa kanya. Napatingin naman sya sakin.
"Hindi ko sila kaibigan Judy." Seryoso nitong sabi sakin na ikinakunot ng noo ko.
"T-teka, bakit mo sinasabi yan? Diba sabi mo sakin kaibigan mo sila? K-kung ganon.... pinepeke mo lang sila?" Gulat na tanong ko.
Tumingin sya sa langit bago sya magsalita. "No...."
Dahil sa kaguluhan sa utak ko ay nagsalita ulit ako. "Kung ganon naman pala, bakit mo sinabing hindi mo sila kaibigan? Four years na kayong mag magkakaibigan ah?"
Narinig ko namang napabuntong hininga sya. "Because I'm not Eleanor, Judy." Aniya.
Dahil hindi ko parin alam ang sinasabi nyang hindi daw sya si Eleanor ay tumahimik ako at inisip kung bakit nya ito sinabi. Ilang minuto ang nakalipas ay nanlaki ang mata ko ng malaman ko kung anong ibig sabihin nya don. H-hindi sya si Eleanor...... Kundi sya si Arabelle!!
"A-arabelle?" Kinakabahang tanong ko. Naikwento din kase nila Darcy sakin kung anong ugali ni Arabelle at natakot ako sa sinabi nila.
Napatingin ulit sya sakin at nakita kong ngumiti ito sakin. "Nice to meet you miss Judy Ann Nicolas." Mahinahong sabi nya sakin.
Ako naman ay matagal na napatingin sa kanya at inaalala ang mga nangyari nuong nasa library.
"I know my eyes are weird and not normal like yours but it's rude to just stare, Judy."
Natauhan naman ako sa sinabi nya at humingi ng tawad sa pagtingin sa kanya. Ayokong makalaban ang isang Arabelle Francine, sa mga sabi sabi at kwento palang nila ay nakakatakot na.
"Apology accepted." Pagpapatawad nya sakin dahilan para nawalan ako ng kibo.
"Late na. Ihahatid na kita." Rinig kong sabi nito ngunit nagsalita ako kaya napatigil sya.
"I-ikaw yung nasa l-library.... yung tumulong sakin.... t-tama ba?" Kinakabahan man ay tumingin ako sa kanya. Nakita ko namang tumango sya.
"Yes. Ako yung napagkamalan mong si Eleanor at pinuri pang bampira." Sagot nya na may maliit na ngiti sa labi niya pero hindi nakatakas sa paningin ko iyo.
Hindi ko alam pero nawala ang takot at kaba ko sa kanya ng ipaalala nya yung pagpupuri ko. Napasimangot ako sa sinabi nya.
"Buti nga bampira eh. Kulang ka nalang talaga ng pangil tas kapa sa likod." Ani ko at nakita ko namang umiling ito at mahinang tumawa.
"Bampira na kung bampira. Halika na, delikado pag gabi." Pag aaya nya kaya tumayo naman ako ngunit pinigilan ko muna sya.
"Teka lang." Tumigil naman sya at tumingin sakin. "Gusto kong magpakilala sayo ng maayos." Ani ko kaya humarap sya sakin ng tuluyan. Inilahad ko naman ang kamay ko at nagsalita. "Hi, I'm Judy Ann Nicolas. Nice to meet you miss Arabelle." Kaswal kong pagpapakilala.
Tinanggap naman nya ang inilahad kong kamay. "Arabelle Francine Domingo. Nice to meet you too miss Judy." Kaswal din nyang pagpapakilala at may maliit na ngiti sa labi nya na hindi makatakas sa paningin ko. "Pwede na ba kitang ihatid?" Tanong nya sakin. Tumango naman ako at lumapit sa kanya na parang normal lang.
Ayoko kaseng maging awkward kami kaya andami kong tinanong sa kanya at sinagot naman nya ito lahat. Lalo na yung pagkurot nya sa pisngi ko.
"Sure-sure. Ano bang gusto mong gawin ko para mapatawag mo ko sa pagkurot ko sa pisngi mong malambot?" Natatawang tanong nya. Napasimangot na naman ako dahil parang niloloko lang ako nito.
Ilang minuto palang kaming magkasama pero sigurado akong nagkakamali lang sila Darcy at mga sabi sabi ng iba tungkol kay Arabelle. Dapat pala talaga hindi ko muna sya hinusgahan dahil hindi ko naman talaga sya kilala.
"Hindi naman ako nagtatanim ng galit sa mga tao kaya wala kang dapat na gawin." Simpleng sagot ko sa kanya at naglakad sa harap nya para huminto. "Andito na tayo sa tinitirhan ko pansamantala." Imporma ko sa kanya. Nagpaalam na ako at papasok na sana sa loob ng pigilan nya ako.
"T-teka Judy." Pagpigil nya sakin. Napatingin naman ako sa kamay nya na nasa pulsuhan ko na agad din nyang binitawan. "S-sorry."
Ngumiti naman ako at pinatawad sya. "Bakit pala?" Tanong ko.
Napakamot sya sa kanya buhok bago magsalita. "A-ahm.. pwede bang makuha ang cellphone number mo?" Nahihiya nitong tanong. Hindi ko alam kung bakit naku-kyutan ako nung tinanong nya sakin iyon. Kinuha ko naman ang cellphone na binili ni tita sakin at ibinigay ito sa kanya. Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha nya.
"Hindi ko kase alam kung nasan dyan ang number ko kaya ikaw nalang maghanap hehe." Ani ko kaya tumango lang ito at binuksan ang phone ko.
Ako naman ay nakatingin lang sa kanya habang abala itong kinukuha ang number ko daw. Nang matapos sya ay ibinalik nya sakin ang phone ko. Nagpaalam ako sa kanya at ganun din sya. Hinintay muna nya akong makapasok sa gate bago ito nagpaalam ulit at umalis na.
Naglakad na ako papasok ng bahay at dumeretso sa kwarto para magpalit at tapusin ang assignments ko. Nang matapos ko ito ay ibinalik ko ito sa bag at lumabas ng kwarto para pumunta ng kusina at mag luto na pagkain. Sakto namang natapos akong magluto ng dumating si tita kaya ng nagbihis na ito ay kumain na kaming dalawa. Tulad ng dati ay tinulungan ako si tita na magsinop ng pagkain at nang matapos kami ay nag urong naman ako ng pinagkainan. Si tita naman ay pumunta na sa kwarto nya para matulog. Ganun din ang ginawa ko ng matapos akong mag urong. Masyadong maraming nangyari ngayong araw kaya maaga akong nakatulog.