CHAPTER 5

1066 Words
Judy's POV "Nak, Judy!" Rinig kong tawag sakin ni tita Paula. Huminto naman ako sa pagwawalis at tinignan si tita na nasa harap ng pinto at mukhang masaya ito. Ngumiti naman ako at nagmano muna bago magtanong. "Bakit po tita?" Ngumiti lang ito ay itinaas ang dala nitong paper bag. Napatingin naman ako kung ano iyon at ngumiti lang. Nakita ko na yun dati. Logo iyon ng cellphone. Siguro ay para kay Marion iyon. Ngunit hindi ko inaasahang ibinigay ito sakin ni tita. Kahit nagulat ako ay tinanggap ko nalng ito. "Para sayo yan nak." Aniya. "A-akin po? T-talaga?" Nauutal kong ani. Tumango naman ito. "Naalala ko kaseng wala ka pa nyan. Tsaka hindi kita ma contact pag may emergency o kaya ikaw ang nagka emergency." Pagpapaliwanag niya sakin. "O sya. Buksan mo na para magamit mo na ito." Aniya. Ako naman ay sumunod kay tita. Binuksan ko ito at nakita ko ang cellphone na bago. Sa sobrang saya ay napayakap ako sa kanya at nagpasalamat ng paulit ulit. Niyakap din ako ni tita pabalik at hinaplos ang aking buhok na maikli. Ilang minuto kaming magkayakap bago ako humiwalay at pinunasan ang pisngi ko. Ngayon ko lang napansin na umiyak pala ako. Habang pinupunasan ko ang pisngi ko ay naramdaman kong hinawakan ni tita ang pisngi ko dahilan para mapatigil ako at mapatingin sa kanya. "My baby is still a cry baby." Rinig kong sabi ni tita sakin habang pinupunasan nya ang pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit nya iyon sinabi pero nakafocus lang ako sa mukha ni tita. Alam kong pinagkakamalan kaming mag ina ni tita Paula ng ibang mga tao dahil parehas kami ng kulay ng buhok at ng mata. Hindi kase itim ang buhok ko tulad ng kila mama, pati narin ng mata. Brown kase ang kulay ng buhok ko at ganuon din ang mata. "There" Aniya na ikinabalik ng isip ko sa nangyari. Nakita kong nakangiti si tita at inilagay ang buhok ko na nakaharang sa mukha ko sa likod ng tenga. "Smile baby, ma- tita will always be here by your side." Nakatingin aniya sakin. Ngumiti naman ako pabalik at niyakap ulit sya bago nagpasalamat ulit. Masaya akong tinuruan ni tita kung paano iyon gamitin. Natandaan ko naman ang ilan sa mga sinabi nya. Lalo na ang contact at messages. Madami itong sinabi sakin at hindi namin namalayang 11 am na pala. Nagpaalam na sa akin si tita dahil super late na sya sa trabaho nya. CEO kase sya ng isang malaking kompanya dito sa Las Predas. Tumango nalang ako sa kanya bago ilagay ulit ang phone na ibinili sakin ni tita sa lalagyanan nito saka ipinagpatuloy ang pagwawalis. Ilang minuto ay natapos na din akong mag linis ng bahay. Hindi naman ganoon kadumi yung bahay nila tita kaya hindi ako nagtagal sa paglilinis. Nakakain naman na din kaming tatlo at hindi na ako nagtaka kung bakit wala na naman dito si Marion. Palagi naman kasing lumalayas yun pagkatapos kumain ng umagahan. Dahil wala na akong magawa ay pumunta nalang ako sa kwarto na tinutulugan ko at kinuha ang phone na ibinili sakin ni tita at binuksan ito. Ilang minuto ang nakalipas ng pag aaral kung paano gamitin ito ay nakaya ko ng palitan ang wallpaper ng phone at yung theme. Dahil gusto ko ng panda ay ito ang theme at wallpaper nito. Napangiti naman ako sa kinalabasan. In-off ko ang phone nang maalala kong may assignment na naman kami at performance task namin sa Physical Education subject namin na groupings. Napag usapan naman na namin nila Elsi na magkikita kami ngayon sa Para Ville na medyo malapit lang dito sa bahay nila Tita. Nakapag paalam naman na ako kay Tita Paula kaya gumayak na ako. Nagsuot lang ako ng simpleng damit na kulay asul at pinarisan ko ito ng binili saking jogger pants ni tita na kay itim. Ginamit ko din yung pamasyal ko daw na sapatos at kinuha ko din yung sling bag para ilagay ang mga kailangan kong gamit saka nag ayos na ng buhok at ginamit ang regalong pabango ni Darcy sakin at yung liptint saka brush on na regalo naman nila Eleanor at Elsi. Meron ding regalo si Aaget, kwintas ito. Tinignan ko naman ang sarili ko sa salamin. Mukha akong hindi mahirap. Sabi ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang repleksyon ko. Nang makalabas ako sa bahay ay nakita ko si Marion at may mga kasamang lalake. Kaibigan ata nya. Hindi ko na inilock ang pinto dahil halata namang papasok ito. Hindi ko na sila pinansin at nagsimula ng maglakad dahil kung tatayo lang ako don at titignan ang mga gwapo nitong kaibigan ay baka magalit pa mga kaibigan ko dahil hindi ako nakapunta sa practice namin. Narinig kong tinawag ako ni Marion pero nagmadali na akong maglakad hanggang sa makarating ako sa Para Ville. Napangiti naman ako at kumaway sa kanila dahilan para mapalingon sila sakin at kumaway din pabalik. Nang makalapit ako sa kanila ay niyakap nila ako na parang hindi kami nagkita ng ilang taon sa sobrang higpit. "Bitawan nyo si Judy!" Pagbabawal ni Darcy sa kanila kaya sumunod naman ang mga ito. "Masyado kayong excited yakapin sya. Hindi nyo man lang nakitang hindi na makahinga sa inyo." Parang inang pagbabawal ni Darcy kila Aaget. Natawa nalang ako bago magtanong kung saan kami magpa practice. "Hayaan mo na Darcy. Saan nga pala tayo magpa practice?" Hindi pa kase nila sinabi kung saan kaya ngayon kami magdedesisyon kung saan. Nakita naman naming nagtaas si Elsi ng kamay at nagboluntaryong sa kanila nalang daw dahil nakapagpaalam naman na daw sya sa kanyang magulang at pumayag ang mga ito. Kaya nagsipag tanguan nalang kami at nagsimula ng maglakad. Nang makapasok kami ay mga nagsisilaking bahay at malalawak na lote ang nakita ko. Malaki din ang kila tita pero kung pagkukumparahin mo ito sa mga bahay dito sa Para Ville ay panalo ang mga bahay dito. Nang makarating kami doon ay nagsimula na kaming mag practice hanggang sa matapos namin ito. Hindi naman gaanong mahirap ang performance task namin kaya inabot lang kami ng dalawang oras. Pagkatapos non ay puro kami kwentuhan sa backyard nila. Nakisali din samin ang lola ni Elsi at kwinento nya samin ang mga pinaggagawa ni Elsi non. At kami naman ay masayang nakikinig lang sa lola nya at si Elsi? Nakasimangot lang hanggang sa matapos ang lola nya nag magkwento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD