Judy's POV
"Aish!!! Bat parang mali?" Inis na sabi ko. Nandito ako ngayon sa kusina, nagbabantay ng pinapainitang ulam at nagsasagot sa takdang aralin na naman namin sa science. Medyo gulo ang utak ko ngayon kaya ang hirap magpokus sa ginagawa ko.
"Judy!" Sigaw ni tita kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko naman syang tumakbo at pinatay ang de-kuryenteng kalan. Duon lang ako natauhan na may pinaiinitan ako. Agad akong umalis sa pagkaupo at pumunta kay tita.
"Sorry po Tita! Sorry po talaga. Hindi ko po sinasadya." Paghingi ko ng tawad. Nagulat nalang ako nang bigla akong niyakap ni tita ng mahigpit at hindi ako sinampal man lang o ano. Naramdaman kong umiiyak ito na mas lalong ikinagulat at ikinagulo ng isipan ko.
"Y-you okay? Nasaktan ka ba? May masakit ba sa iyo?" Tanong nya sakin. Naguluhan ako sa kanya pero sumagot parin ako.
"A-ayos naman po. K-kayo po?" Balik kong tanong.
"I'm fine." Sagot nya habang pinupunasan ang pisngi nya.
"P-pasenya na po talaga tita." Nakayukong sabi ko.
"I-it's fine." Aniya at umayos na ng tayo saka ngumiti sakin na parang walang nangyari. "Do your homework to your room. Si T-tita na ang bahala dito sa kusina."
Dahil sa kahihiyan ay sinunod ko ang kanyang sinabi. Kinuha ko ang notebook ko at umalis na sa kusina. Nang hindi pa ako nakakalayo ay tinignan ko si tita na may kausap kausap sa phone nito at umiiyak parin. Malungkot akong naglakad papunta sa pangalawang palapag ngunit napahinto ako ng makitang basang basa ang damit ni Marion na sinusuntok ang pader. Nakita kong dumudugo na ang kamay nya kaya agad kong kinuha ang kamay nya na duguan para linisan ito ngunit malakas nya itong inagaw sakin at itinulak ako dahilan para matumba ako at tumama sa pader ang ulo ko.
"Huwag mo akong hawakan!" Sigaw ni Marion at naglakad palayo sa akin. Ang bilis ng pangyayari kaya hindi ko namalayang nawalan ako ng malay.
Paula's POV
"Yvette, hindi ko na kayang itago toh." Umiiyak kong sabi.
"Pau naman. It's your choice, hindi naman ako ang pumili nyan. It's up to you if you want to tell to your daughter that she's yours and not from your sister." Aniya.
"But I'm scared... Hindi ko gustong lumayo yung loob sakin yung anak ko." Aniko. Narinig ko namang napabuntong hininga si Yvette.
"I'm going there right now." Imporma nya sakin.
"Why?" Naguguluhang tanong ko.
"I can't slap you thru phone, Pau." Aniya. "And my husband is teaching Ywena and Yvisma so I have time to talk to you personally." Yvette added. Napabuntong hininga nalang ako at napahinto ng marinig ang sigaw ni Marion. "W-wait, Anong nangyayari dyan?" Tanong nya sakin. Hindi ko sya sinagot dahil nakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib.
Nagmadali akong naglakad patungo sa pangalawang palapag at napahinto ng makitang walang malay ang anak ko.
"Judy!!!!!!!!!!!" Malakas na sigaw ko sa takot at mabilis na tumakbo patungo sa kanya. Nang bahagya ko itong inangat ay napansin kong may dugo sa parte ng ulo nya kaya agad ko syang niyakap at tinawagan si Yvette.
"Emergency!!!" Umiiyak kong sigaw sa kabilang linya.
"W-wait, what happened?" Naguguluhang tanong nya.
"J-judy is bleeding. My daughter is bleeding!!!" Wala sa sariling sabi ko habang yakap yakap parin si Judy.
"I-I'll be there in a minute! Just stay right there!" Aniya at namatay ang linya. Binitawan ko ang phone at mahigpit na niyakap si Judy.
"Momma's right here baby." Bulong ko sa kanya. "Hindi ka na papabayaan ni momma. Please be safe, Huwag mong iiwan si momma, anak." Umiiyak na sabi ko sa kanya.
After a few minutes, Yvette arrived and immediately help me carry Judy to her car outside. Mabilis naming isinugod sa hospital si Judy at agad naman kaming tinulungan ng mga nurse.
Makalipas ang ilang oras ay nailipat na si Judy na wala paring malay sa private room dito sa hospital. Habang nakatingin ako kay Judy na wala paring malay at dahan-dahang hinahaplos ang buhok nito ay narinig naming bumukas ang pinto.
"Mrs. Sarkozy?" Rinig kong tawag sa apelyido ko. Agad naman akong tumayo at humarap kay Dra. Qea.
"A-ako po iyon Dra." Agad kong sabi at tumingin naman sya sakin. "A-ano pong nangyari sa anak ko?"
"From what I've seen Mrs. Sarkozy, malakas ang pagkatama nya sa matigas na bagay dahilan ng pagkadugo sa part ng ulo nya but don't worry Mrs. Sarkozy, walang naging damage sa utak nya yung nangyari sa kanya." Ani ni Dra.
"O-okay po ba ang anak ko? Wala bang nasira or injury sa ulo nya? Doc, I need more information about this. Please." Pagmamaka-awa ko sa kanya.
"Your daughter is okay for now Mrs. Sarkozy." Panimula nya at nakinig lang ako. "Wala naman akong nakitang sira sa skull ng iyong anak but she needs to be careful next time." Ani ni Dra. At nagpaalam na.
Nang makalabas na sa kwarto ang Dra. ay agad akong bumalik sa pagkaupo sa upuan malapit sa hospital bed kung saan nakahiga si Judy at hinawakan ang kamay nito.
Naramdaman kong mahinang tinapik ni Yvette ang balikat.
"Lalabas lang ako para bumili ng pagkain." Aniya at tumango lang ako.
Nang kaming dalawa nalang ni Judy ay may luhang tumakas sa aking mga mata dahilan ng pagkalabo ang aking paningin ko.
"Pasensya ka na nak. Momma failed to protect you again." Malungkot kong ani sa walang malay kong anak. "Hindi mo kasalanan ang nangyari noon dahil kasalanan ko anak. Pasensya ka na anak." Sa huling pagkasabi ko non ay humagulgol ako sa sakit na nararamdaman. You don't deserve this, baby.... You don't to be treated like this.
Napahinto ako ng marinig kong bumukas ang pinto na akala ko ay si Yvette na iyon ngunit hindi pala. Napalitan ng galit at ipinagsamang sakit ang nararamdaman ko ng makita ang isang anak ko na pumasok sa loob ng kwarto. Naramdaman kong tumayo ako at dumeretso sa direksyon nito at malakas na sinampal ito.
"How dare you to done this to your sister, Marion." Galit na sabi ko at hindi ito nakapag salita. "Do this to your sister again, and I will be your nightmare enemy even you're my child." Pagbabanta ko.
"Out." Seryosong ani ko ngunit hindi ito nakinig at nakatayo parin at hindi gumagalaw dahilan para sumabog ako sa galit. "I SAID! GET OUT!" Malakas na sigaw ko. Umalis naman ito at napuno ng katahimikan ang kwarto. Napahilamos ako sa prustrasyong nangyayari ngayon.