Arabelle's POV
"What do you think about this?" Tanong ni Eleanor sabay hagis ng singsing sakin. Nasalo ko naman ito at binuksan ang maliit na kahon.
"So It's true." Seryoso kong ani habang tinitignan ang singsing.
"Unfortunately, yes. Yes it was." Ani ni Eya. "So, anong gagawin mo?" Tanong ulit nya pero hindi ko iyon pinansin.
"It looks expensive..." Pagsusuri ko.
"Nakikinig ka ba?!" Sigaw nya sakin sabay hagis ng libro na nasa table. Agad ko naman itong nakita at kaya mabilis kong inihanda ang kaliwa kong kamay dahilan para masalo ko ito.
"Not bad." Komento ko sa kanya. "But you need to be patient, Eya. Hindi makakatulong kung sasabog ka nalang agad agad. And nakikinig ako." Dagdag ko habang sinusuri parin ang singsing.
"You're useless ate." Sukong aniya.
"I know." Pagsang-ayon ko. "I'm just useful when it comes to fighting." Dagdag ko.
"Okay! Enough for this s**t! Mag seryoso kayo kung gusto nyong mahanap kung sino ang nagbigay nya sa importanteng tao sa buhay nyo." Sigaw ni Miss Grand. Napatahimik naman kaming dalawa. "Yes miss Candelaria?" Aniya kay Elsi.
Napatingin naman kaming lahat kay Elsi na seryoso. "Wala pa tayong alam kung sino ang nagbigay nyan kay Judy but I guess some of miss Francine's enemies who wants to get a revenge by targeting Judy." Aniya.
"Hmmm, it's possible miss Candelaria, but there's no reason to gave someone a expensive ring if they are revenging." Seryosong ani ni miss Grand.
"So...... pwedeng secret admirer nya ito?" Tanong ni Aaget. Tumango naman si miss Grand na ikinatahimik naman kaming lahat.
"Pwede itong rason. Kaya mabuting mag matyag kayo para mahanap nyo kung sino ang taong ito." Ani ni miss Grand samin. Tumango kami bago tumayo at lumabas sa meeting room.
Narinig kong tinawag ako ng kakambal kong si Eleanor kaya huminto ako sa paglalakad at tumingin sa kanila.
"We all need to talk." Aniya at may alam na ako kung ano ito. Tumango ako at sinundan sila palabas hanggang sa makapunta kami sa battle ring. Maraming nanonood pero hindi ko ito pinansin. Huminto nalang sila sa bar counter at umupo sa upuan.
"Isang bote ng wine sakin, Trav." Ani ko sa bartender.
"Sure." Aniya at tumingin kay Aaget. "Ikaw babe? What drinks do you want?" Nakangiting nitong tanong.
"What if I say... You?" May nakakalokong ngiti nya itong sagot na ikinairap ko. Narinig ko namang mahinang natawa si Travis.
"Maybe later, babe. May trabaho pa ko eh." Aniya. "Kayo girls?" Tanong nya kila Elsi.
"Just gave me a lime juice." Walang ganang ani nito.
"Same lang kay Elsi." Ani ni Eleanor.
"Pineapple cocktail for me." Sagot ni Darcy.
"Sure. I’ll come right up." Paalam ni Travis bago gumawa at kumuha ng drinks.
"Ilagay mo naman sa lugar yung kahaliparutan mo Aaget." Pangangaral ni Elsi at kinurot pa ang tagiliran ni Aaget. Palihim naman akong napangiti.
"Aray naman! Wala naman na tayo sa meeting room ah!" Aniya.
"Kahit na!" Sigaw ni Darcy. Napa-irap nalang ni Aaget.
Dahil alam kong hindi matatapos yan tatlong yan ay ipinaikot ko ang upuan ko at nanonood sa naglalaban sa battle ring. Siguro ay mga baguhan palang ang naglalaban dahil wala akong makitang kalakasan sa kanilang dalawa dahilan para mabagot ako sa inapanood ko. Ngunit nawala din iyon ng makita kong papalapit si Traveor at Travor, kapatid ni Travis o mas magandang tawaging kakambal nya. Nakita kong ngumiti si Travor na naka gray shirt at black pants sa akin. Nang makalapit ito sakin ay nakipag fist bump sakin.
"Musta na, red eye?" Birong tanong nya. Mahina naman akong natawa.
"Okay lang naman, ikaw, musta pagiging babaero?" Balik ko tanong sa kanya. Natawa naman ito at nagdrama.
"You're hurting my feelings, Red." Malungkot na sabi nya pero natawa lang ako.
"It's fine, mas bagay sayong nasasaktan, Vor." Sarkastikong sabi ko sa kanya. Napailing nalang ito at umupo sa tabi ko saka tinawag si Travis. Hindi ko nalang sya pinansin at tumingin kay Traveor na parang pagod. Hindi kase naka ayos yung bitones ng polo nya.
"Hey, Veor." Tawag ko sa kanya at natauhan naman ito at bahagyang ngumiti sakin.
"Hey, Sis." Bati nya at niyakap nya ako. Sa tatlong ito, itong si Traveor lang nakakayakap sakin at wala namang malisya samin ito dahil kapatid ang turing sakin nito. "Sorry, I didn't listen to you." Bulong nya sakin.
"Nah, it's okay. You just love Raimaine so much kaya hindi ka nakinig sakin. But next time, use your brain too." Ani ko habang hinahagod ang likod nya. Kumawala naman sya sa pagkayakap namin saka umupo sa kabilang side ko.
"I think there's no next time sis." Malungkot na sabi nya.
"You know, that's my line before right?" Tanong ko sa kanya at tumango lang ito. "And now, I found mine." Nakangiting ani ko. "You just need to find yours or maybe God, would give you the right person for you in the perfect time."
Timingin ito sakin. "You know I don't believe in God."
"I know." Yan lang ang tanging nasabi ko. Ayoko ng humaba pa ang usapan namin dahil he didn't really believe. In his mind, God is just nothing.
Makalipas ang ilang minuto ay ibinigay na sakin ang order ko dahilan para buksan ko ito at inumin. Naalala kong may gustong sabihin sakin si Eya pero nung tinignan ko sya ay inaawat nito si Elsi na galit na galit ang mukha at nakatingin ito kay Travor na nasa harapan nya. Napailing nalang ako at tumayo saka nagpaalam na kay Traveor ngunit mukhang lalim parin ng iniisip.
Habang palabas ako ng building ay pinunta ako ng mga paa ko mapalapit sa fountain saka kinuha ang singsing na ibinigay kay Judy. Gusto ko itong itapon pero panigilan ko ang sarili ko. How dare that person gave my girl a ring?
Napabuntong hininga nalang ako at ibinulsa ang singsing at ininom ang wine na hanggang ngayon at dala ko parin.
"Francine..." Rinig kong tawag sa pangalan ko.
"Please lang Marion, tigilan mo na ko." Seryosong ani ko ng hindi tumitingin sa kanya.
"P-pero bakit? May pagkukulang ba ako?"
"Stop."
"Ano bang mali sakin Francine? Babaguhin ko."
"Tumigil ka na Marion." Pagpipigil ko sa kanya.
"Ano bang meron kay Judy?!" Sigaw nito. "Wala naman syang kwenta ah! Mahirap lang naman sya at babae! Hindi pwedeng maging kayo!"
Napapikit nalang ako at pinipigilang hindi magalit. He's still Judy's cousin.
"Pwede namang tayo nalang ah?! Bakit yung mamamatay tao ko pang pin-"
"I said STOP!!!!!" Sigaw ko sa kanya at malakas na ipinalo sa kanya ang bote ng wine dahilan para itong mabasag at tumapon sa kanya ang wine. "Sarili mong kadugo Marion sisiraan mo? Ganyan na ba nagagawa ng kadesperadahan ng tao?!" Galit na sigaw ko sa kanya. Nilapitan ko ito at malakas na sinuntok ang kaliwa nitong panga dahilan para ito'y matumba.
"Huwag mong sisiraan sa akin o kahit na sino si Judy, Marion. Dahil pag ginawa mo pa ito, hindi na ako mag titimping patayin ka. You know what I can do Marion." Pagbabanta ko sa kanya at umalis na. Akala ko magiging maganda ang araw na ito pero pansamantala lang pala.