Judy's POV
"Hindi ba talaga kayo sasama?" Malungkot kong tanong sa kanila. Inaya ko kase silang sumama samin ni Arabelle na kumain kaso ayaw talaga nila.
"Hindi na." Ani ni Eya. "Tsaka hahanapin pa namin kung sino nagbigay sayo ng singsing na ito." Dagdag nya habang hawak ang maliit na kahon.
"Go, enjoy your lunch time with miss Pres." Ani ni Darcy habang may pilit na ngiti.
"Sigurado kayo?" Tanong ko ulit. Kinurot naman ako ni Aaget.
"Kulit talaga ng kaibigan namin. Go, baka umalis pa si Miss Arabelle sa tagpuan nyo pag hindi ka pa umalis. Sige ka, magagalit sayo yun." Pananakot nya sakin. Dahil wala akong pagpipilian ay tumango nalang ako at niyakap sila bago magpaalam.
Tumakbo ako habang hawak ang paper bag na may lamang pagkain. Nang makarating ako sa harap ng library building ay tumingin tingin ako sa gilid ko kung nasaan na si Arabelle. Wala akong nakitang anino man lang ni Arabelle dahilan para bumagsak ang balikat ko at naghabol ng hininga.
Habang nakayuko ako at nagpapahinga ay may nakita akong panyo sa harapan ko, dahilan para ako'y mapatingin kung sino ito. Lumiwanag ang mukha ko ng makitang si Arabelle iyon.
"Kanina ka pa ba dyan?" Tanong nya sakin. Umiling naman ako.
"Hindi naman, pasensya na at ngayon lang ako. Inaya ko pa kase sila Elsi kaso tumanggi sila." Sagot ko na ikinatango nya. "Saan pala tayo kakain dito?" Tanong ko. Kinuha muna ni Arabelle ang paper bag na dala ko at inilahad ang kamay nya. Tinanggap ko naman ito at naglakad kami papunta sa gilid ng building, hanggang sa makarating kami sa maluma-luma ng outdoor bench at table. Sa gilid lang ito ng library pero hindi ko akalaing ang ganda rin pala dito.
Ipinalibot ko lang ang mata ko sa paligid habang inihahanda sa table ni Arabelle ang nasa loob ng paper bag.
"Ang ganda naman dito." May paghangang ani ko. Malilim dito dahil sa mga puno at presko din ang hangin.
"You like it?" May ngiting tanong ni Arabelle. Agad naman akong napatango.
"Palagi ka bang nandito tuwing tanghali?" Tanong ko. Umiling naman ito.
"Nah, minsan lang pag kailangan ako sa school." Sagot nya. Tumango lang ako.
"Kainan na!" Masayang sabi ko. Tinanggal ko na ang mga takip ng tupperware saka ibinigay sa kanya ang isang tupperware na may kanin. Ipinaghiwalay ko kase yung kanin namin at yung ulam para sya nalang ang kukuha kung gaano ka dami ang pagkaing kakainin nya.
Nagsimula na kaming kumain at napansin kong napatigil sya kaya nag alala ako.
"H-hindi ba masarap?" Tanong ko sa kanya pero umiling lang ito saka ipinagpatuloy ang pagkain.
Ilang minuto palang ang nakakailipas ay may nakita akong tupperware na wala ng laman. Napakunot noo naman ako saka tumingin kay Arabelle.
"C-can i ask you for some rice? Please?" Nahihiyang aniya. Napatingin naman ako sa tupperware ko na konti palang ang nababawas, sa hindi malamang dahilan ay napangiti ako at tumingin sa kanya.
"Here, hati nalang tayo dito." Nakangiting ani ako saka nilagyan ng kanin ang lalagyanan nya.
"O-okay lang sayo?" Tanong nya. Tumango naman ako. Busog pa naman kase ako.
Tinanggap naman nya ito at saka kumain na ulit. Tahimik lang kami hanggang sa matapos. Simple lang ang nangyari pero masaya parin ako dahil akala ko wala na si Arabelle kanina.
Inayos ko na ang pinagkainan namin at inilagay ulit sa paper bag. Saka umupo lang ulit dahil may isang oras at ilang minuto pa naman bago mag umpisa ang klase namin.
"Salamat nga pala sa pagkain." Pagpapasalamat ni Arabelle. Napangiti naman ako sa sinabi nya. Akala ko kase kanina ayaw nya eh.
"Wala yun, gusto mong bukas ulit?" Tanong ko.
"Huwag na, okay na ito. Ako naman manlilibre sayo." Aniya. "Ahm, may gagawin ka ba sa sabado?" Tanong nya. Umiling naman ako.
"Wala naman, kung walang assignments na ipapagawa, bakit?"
"Ah, wala naman. Gusto lang sana kitang yayaing lumibot sa Predias Fall." Aniya.
"Predias Fall?" Tanong ko. Tumango ito.
"Hmm. Sikat sa tourist spot dito yon sa Las Predas." Imporma nya. Napatango naman ako at nag isip.
"Tatanungin ko muna si tita kung pwede akong pumunta don. Nakakahiya naman kase kung aalis ako sa bahay nila ng walang paalam."
Nakangiting tumango lang si Arabelle at tumingin sa mga ulap. Ganun din ang ginawa ko ngunit tumunog ang phone ko dahilan para mapatingin kami.
"Ahm teka lang ah." Pagpapaalam ko muna sa kanya. Tumango lang sya kaya tumayo ako habang hawak ang phone. Nang sagutin ko ito ay boses ni Eya ang narinig ko.
"Judy" Tawag sakin ni Eya.
"Ahm, bakit Eya? May problema ba?" Tanong ko sa kabilang linya. Hindi naman agad ito nagsalita dahil may kinakausap ito.
"Ah, wala. Ahm, kamusta kayo ni ate dyan?" Tanong nya.
"Okay naman." Sagot ko. "Teka, may nangyayari ba dyan?"
"A-ah wala, Judy. Dyan nalang muna kayo ni miss president, okay? Bye-bye! Enjoy!" Rinig kong sabi ni Elsi sa kabilang linya bago ito mawala.
Napakunot naman ang noo ko sa nangyayari. Ang weird.
Bumalik na ako sa bench na inupuan ko kanina at nakatingin lang sa screen ng phone.
"Hey, you okay?" Tanong ni Arabelle sakin dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Ewan ko... Ang weird lang ng nangyayari." Ani ko. Nakita ko namang napakunot noo sya.
"Paano?"
"Ahm, ano kase, may nagbigay ng singsing kanina sakin. Tapos ngayon hindi ko alam inaasta nila Eya." Pagsasabi ko ng totoo.
"T-teka, singsing?" Pag uulit nya. Tumango lang ako. Magsasalita na sana ulit ako ng tumunog ang phone ni Arabelle. "Excuse me." Aniya saka tumayo at lumayo tulad ng ginawa ko kanina. Nakatingin lang ako kay Arabelle na nakatalikod at may kausap sa phone nya.
Ilang minuto itong kausap ang tumawag sa kanya. Siguro ay importante iyon o kaya naman ay boyfriend nya. Tumitingin ito minu minuto sakin dahilan para ngumiti ako at ganuon din sya. Ilang minuto pa ang nakalipas ay natapos din sila ng katawagan nya kaya bumalik ito at inaya na akong umalis don.
"Pasensya na ah, ihahatid na kita." Aniya pero tumanggi ako.
"Okay lang, saka kahit hindi mo na ako ihatid." Aniko. Napabuntong hininga nalang ito at kaagad ding ngumiti.
"Sige, salamat sa pagkain. Mag iingat ka." Sabi ni Arabelle. Ngumiti namab ako at nag umpisa ng maglakad at kumaway sa kanya.