CHAPTER 10

1035 Words
Judy's POV Maaga akong nagising dahilan para ako'y bumangon na at maligo. Buti nalang talaga nailagay ko kahapon yung mga damit ko sa laundry room kung hindi, mag magsi sevillian ako ngayon. Bumaba ako papuntang kusina para magluto na. Gusto kong magluto ng Adobo kaya ito ang niluto ko. Medyo madami ang niluto ko dahil sabay kaming kakain ni Arabelle ngayon. Yayain ko din kaya sila Darcy? Nang matapos ng maluto ang Adobo at ang kanin ay kumuha ako ng tupperware para ilagay doon ang sobra, pati narin ang kanin dahil sayang lang pag bumili pa kami. Naglagay na ako ng plato at pagkain sa hapag-kainan. Gusto ko sanang hintayin pa si tita pero baka mamaya maya pa iyon bumangon, 6 am palang naman kasi. Nauna na akong kumain sa kanila, kaya ng matapos ako ay isininop ko na ang pinagkainan ko at ito'y hinugasan. Inilagay ko na ang tupperware na pinaglagyan ko sa paperbag saka pumunta sa hapag-kainan para takpan ang mga pagkain saka pumunta sa kwarto na daladala ang paperbag. Nang makapasok ako ay maingat kong inilapag ang paperbag sa study table saka kinuha ang cellphone na naka charge. Tinanggal ko ito sa pagkasaksak at binuksan. Bumungad dito ang text ni Arabelle dahil siguro sa nangyari kagabi. Nagkamali kase ako ng pindot. Ka text ko kase kagabi si Elsi at nagpapaturo ako kung paano gumawa ng sinasabi nyang i********: account daw, tawagan ko daw sya pero dahil sa katangahan ko, si Arabelle ang natawagan ko. Kaya mamaya nalang ako magpapaturo kay Elsi at magpapaliwanag kay Arabelle. Naghintay ako sa kwarto ng isang oras bago ako lumabas. Nakita ko naman si tita na kumakain mag isa. Pinuntahan ko muna sya at nagmano. "Good morning po tita." Bati ko. Napahinto naman sya sa pagkain at tumingin sakin. Lumapit ako sa kanya para magmano. "Alis na po ako." Pagpapaalam ko. "Ang aga mo naman ata ngayong aalis nak?" May bahid ng kalungkutan sa kanyang boses. "A-ahm, a-ano po kase.. ahm.. nahihiya na po kase ako. Mas kailangan nyo po kase ni kuya Marion ng oras para sa isa't isa." Ani ko. Malungkot na napangiti naman si tita at hinaplos ang aking pisngi. Ngumiti naman ako at wala ng sinabi. Ilang minuto ang nakalipas ay sumenyas na ako sa kanya na aalis na at tumango lang ito sakin at sinabinan akong mag ingat. Nang makalabas ako ay para akong nakahinga ng maluwag. Napangiti nalang ako saka masayang naglakad. Ayoko kaseng mag isip ng ikakalungkot ko kase natatakot ako sa pwede kong magawa. Napahinto ako sa pag lalakad ng may humintong van sa gilid ko. Bumukas ng pinto ng sasakyan at nakita ko dito si Aaget at ang kanyang pusa na si Viol. Ngumiti naman ako at bumati sa kanya. Binati din nya ako pabalik at inayang sumabay ako sa kanya. Hindi naman ako tumanggi kaya pumasok ako at umupo. Habang nasa byahe kami ay puro nagkwento ito sa mga nangyari noong umalis na ako sa bahay nila Elsi. Nakangiti lang ako at nakikinig sa kanya hanggang sa makarating kami sa silid aralan namin. Napahinto kaming dalawa ng lumapit samin ang vice president ng classroom namin at may ibinigay na isang maliit na kahon. Tinanggap ko naman ito at binuksan. Napakunot ako dahil sa laman nito. Sinong tao ang magbibigay sakin ng singsing? "Teka, para saan toh?" Naguguluhang tanong ko. "Oo nga Carl, bat mo binigyan ng singsing tong si Judy? Nanliligaw ka ba?" Tanong naman ni Aaget. "Pres, bat ko liligawan si Judy, eh alam mong may boyfriend ako sa section two." Sagot nito pero hindi parin naniniwala si Aaget. "Talaga lang vice? Alam kong maganda yung kaibigan ko pero bat singsing?" "Alam mo pres, tanungin mo nalang si Kathleen dyan. Sya nagbigay sakin nyan at sinabing ibigay ko daw kay Judy. Hindi ko papakawalan boyfriend ko para sa isang babae lang noh." Ani ni Carl at pumasok na sa loob ng classroom. Nagtitigan naman kaming dalawa ni Aaget at walang sinabi na kahit ano. Kung hindi si vice president ang nagbigay nito..... Sino? Ang weird naman. Itinago ko nalang ito sa bag ko bago tumingin kay Aaget na hanggang ngayon ay nag iisip din kung sino ang taong magbibigay nito. Inaya ko syang pumasok na sa silid namin pero dahil ang lalim parin ng iniisip nya ay hinitak ko nalang sya papunta sa loob at sa desk nya. Ilang minuto lang ang nakalipas ay nandito na sila Darcy. "Nyare dito?" Tanong ni Darcy sakin habang itinuturo si Aaget na tahimik parin at ang lalim parin ng iniisip. "Ahm, ano kase, may nagbigay nito sakin." Sagot ko at kinuha sa bag ang maliit na kahon na may lamang singsing. "Pero hindi namin alam kung sino ang nagbigay sakin nito." Kinuha naman ni Elsi sa kamay ko maliit na kahon na iyon at binuksan. Tulad ng reaksyon namin kanina ni Aaget ay napakunot din sila. "Singsing?" Tanong ni Elsi. Tumango naman ako. "Kaya ba nangkakaganyan si Aaget?" Tanong ni Eya. "Siguro?" Pa-tanong na sagot ko. Hindi na namin naituloy ang pinag uusapan namin dahil dumating na ang adviser namin. Agad naman kaming umayos at pumunta sa kanya kanyang upuan saka nakinig na sa guro namin. Hindi ko na kinuha sa kanila yung singsing dahil wala naman akong alam kung anong gagawin ko doon saka hindi ko kilala yung nagbigay sakin non. Third person POV "So, Adries, nagawa mo ba ang ipinagagawa ko sayo?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman ito dahilan para lihim ako mapangiti. "Jack, akin na ang sobre." Utos ko sa aking sa mayordomo. Ibinigay naman nya sakin ang sobre dahilan para ibigay ko ito kay Adries. Kinuha naman nya ito agad na binuksan. "M-maraming salamat po, Sir." Pagpapasalamat nito sakin ngunit wala akong pake at isinarado ang salamin ng kotse. "Umalis na tayo." Utos ko sa driver. "Really kuya? Singsing?" Hindi makapaniwalang sabi ni Sledill. "What?" Tanong ko sa kanya. "That ring is so gorgeous and expensive, bagay sa kanya yon." Aniko. But she looked at me like I was the stupid person that she know. "Whatever, bahala ka sa buhay mo." Aniya. Hindi ko nalang ito sa pinansin at palihim na ngumiti sa kawalan. I hope you like my gift for you, miss Judy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD