"Where have you been, Arabelle." Seryosong ani ni mom na sana living room couch. Naging seryoso naman ang mukha ko at naglakad nalang.
"Tinatanong kita Arabelle."
Huminto naman ako. "It's not a question mom." Sagot ko at nagpatuloy ng maglakad papuntang hagdan. Narinig ko ang pagbagsak ng wine glass na hawak nya kanina pero dahil wala ako sa mood makipag sagutan sa kanya ay dinedma ko ito.
Hindi ko naman sya totoong ina kaya bakit ako makikinig sa babaeng yun na akala mong sya ang may ari nitong bahay?
Napahinto ako ng makitang nasa nakasandal sa pinto ang kakambal ko. Mahina ko syang tinapik at niyugyog dahilan para sya ay magising.
"Ate.." Inaantok nyang sabi.
"Ate's here. Stand up, sa kwarto ka na matulog." Aniko. Tumango naman si Eya at pumasok na kami sa silid ko. Inalalayan ko sya hanggang sa makarating kami sa kama. Pinaupo ko muna sya sa gilid ng kama para magbihis ng pantulog. Nang matapos ako ay pinuntahan ko sya na hanggang ngayon ay nakayuko parin.
"May problema ba?" May pagaalalang tanong ko.
"Sorry..." Aniya na ikinakunot ng noo ko.
"Para saan?"
"Para sa mga problemang naidulot ko at nung nakaraang araw." Mahinang sabi nya. Hinagod ko ang buhok nya.
"It's fine. Kung hindi dahil sa sinabi mo hindi ako matatauhan Eya." Nakangiting ani ko. Tinignan naman nya ako.
"Do you really love Judy that much?" Tanong nya sakin.
Do I really love Judy? I'm still not sure but I guess...
Tumango ako.
"If you say so... I will support you ate. But please don't hurt Judy." Aniya.
"I can't hurt her. You know ate, can't hurt your friends."
"But you hurt Cyrus." She pointed out.
Napairap naman ako. "Because he's pretending." Pagrarason ko.
"And you are right." Natatawang dagdag ni Eya.
"Because your ate is smart." Pagmamalaki kong ani na ikinailing nya. "So, about sa mga kaibigan mo." Pag iiba ko ng topic.
"Why?"
"Ahm, they really hate me that much?" Tanong ko sa kanya. Walang ekspresyon na tinignan nya ako.
"Really? Ate? Tatanungin mo ko nyan?" Aniya. "Of course they are. They trusted you because you're the president of our school to tell the truth to our dean but you choose the bullies instead. Sinong hindi magagalit don?" Dagdag nya. Nagbaba naman ako ng tingin sa sinabi nya. I know that I'm not a good person. Kaya nainis ako kung bakit ako yung pinili nila imbes na si Eleanor. I can't even take care of everything.
"Ate, humanda ka samin pag sinaktan mo si Judy. We know you but I've already said them that your going to do something and related don si Judy."
Napatingin naman ako sa kanya sa gulat. "W-wait... pano mo nalaman yan?"
"Ate. What do you think to Judy? A manipulative person like us? A secretive like you? Ate, Judy is pure innocent. A talkative, friendly, brave, clumsy sometimes and smart!"
"And beautiful too" Dagdag ko.
"Indee-" Napahinto naman ito dahilan para pigilan ko ang tawa ko. Napabuntong hininga nalang ito. "Cupid really hits you hard." Umiling iling pa ito.
"I guess" natatawang ani ko. "O tulog na. Babantayan ka ni ate."
Umayos naman na si Eleanor ng higa. Yumakap sya sakin at ako naman ay hinahaplos ang buhok nya.
"I love you ate but I hate you at the same time." Mahinang sabi nya. "Good night" Dagdag nya at hindi na nagsalita.
"Good night too" Ani ko at hinintay syang matulog.
Nang maramdaman kong tulog na si Eya ay maingat kong tinanggal ang kamay nya sa pagkayakap at inilagay don ang isang unan. Niyakap naman iyon ni Eya kaya maingat akong umalis sa kama at isinarado ang pinto ng kwarto. Nakahinga naman ako ng maluwag ako. Naglakad ako patungo sa silid ni Dad para ito'y kausapin. Nang makapasok ako ay wala doon ang walang kwenta nyang fiancee kaya nakahinga ako ng maluwag. Napansin naman ako ni Dad kaya tumingil ito sa ginagawa nya at ngumiti sakin.
"Ara, Baby. May kailangan ka ba?" Nakangiti nitong tanong.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa Dad. I want you to break up with your b***h fiancee." Seryoso kong ani.
Nabigla naman si Dad. "B-but why? Harleyn is so kind."
"Really Dad? Mabait sya? Sa tingin mo ba pupunta ako dito sayo ng walang dahilan? Tas sasabihin mo saking mabait yang fiancee mo?" Walang emosyong sabi ko. "Dad huwag ka namang magpakamartir para lang sa babaeng yun! Kitang kita namang pinaperahan ka lang nya! She will burden you!" Sigaw ko.
"Stop right there Ara." Aniya ng may prustrasyon.
Mahina akong napatawa at umiling ngunit bumalik din sa dati. "Dad, I'm not accepting your b***h fiancee here in our mom's house. I'm so f*****g done dealing with your fiancee trashy attitude! So if you still want to marry that b***h. You better to pack your things and leave us dahil wala ka ng kambal na anak pang ituturing." Pagkatapos ko itong sabihin ay lumabas na ako sa kwarto at mabagal na naglakad papuntang kusina. Kinuha ko ang wine sa cabinet at uminom. Siguro nga masama akong tao pero ayokong tumikim ang alak dahil sigurado akong papagalitan ako ni Mom kung buhay pa sya.
Kung nandito lang talaga si Mom siguro ay masaya pa kami ngayon at walang mukhang pera ang pumupulupot kay Dad.
Napabuntong hininga nalang ako sa prustrasyon. I hope dad choose the right choice...
I want to cry so hard but I don't want anybody sees me like I am a weak person.
Sa kalagitnaan ng pag inom ko ng isang bote ng wine ay narinig kong nagring ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ng panjama ko at tinignan kung sino ito. Napangiti nalang ako at sinagot ito.
"Hey...." Panimula ko. "It's already late."
"Hello! Good eve. Ahm, ano kase... ahm, ano"
"Huh?" Naguguluhang kong sabi.
"A-ahm, wala. B-bye!" Paalam nito na ikinailing ko.
Napatingin ako sa phone ko at wine na ininom ko. Maybe I shouldn't drunk this. Sabi ko sa isipan ko. Bago ako tumayo ay tinext ko muna si Judy. Pagkatapos non ay tumayo na ako at naglakad papuntang kwarto. Sandali akong napahinto ng makita ko si Dad ngunit naglakad na ulit ako.
Nang makarating ako sa kwarto ay nakita kong mahimbing parin ang tulog ni Eya kaya maingat akong tumabi sa kanya.
I hope tomorrow morning will bring me a smile again.