Makalipas ang tatlong linggo . . . Sinundo ni Kaye si Ethan sa airport. "So, saan tayo kakain? Best friend," ngiting tanong ng binata. "Sa McDo na lang." Inalala na naman ni Kaye si Brix dahil ito ang paborito nilang puntahan dati dahil daw kapag sad siya ay kakain lang siya ng Happy Meal at sumasaya na siya. Mukhang malapit na itong magsara pagkapasok nila dahil 9 p.m. na ng gabi. Doon sila umupo sa tapat ng glass window. Kitang-kita pa rin ni Ethan ang bahid ng kalungkutan sa mukha ni Kaye. Tila hindi pa rin naka-move on sa paglisan ng asawa. "Are you okay? Parang ang lalim pa rin ng iniisip mo. Gusto mo ng nuggets? Or fries?" "No, thanks. May iniisip lang ako. By the way, nagkikita pa ba kayo ni Brix roon sa America?" "Yes, one time with her wife." "Huh? May wife na siya? Ah, o

