Pagkababa namin sa airport ng America sa LAX California ay parang normal lang na araw. Pagkalabas na pagkalabas namin ay biglang may sumalubong na suntok sa mukha ng fiancée ko na hindi ko aakalain dahil parang simbilis ng hangin ang pangyayari. Isa itong lalaking nagwawala. Kahawig ko siya na tila papatayin na niya ang fiancée ko kaya napaupo si Arissa sa lakas ng puwersa ng suntok na tinamo. "Walanghiya ka! Hinawaan mo ako ng STD, Arissa!" sigaw nito kaya bilang respeto sa fiancée ko ay iginanti ko siya ng suntok mula sa lalaking ito na hindi ko kilala na ganoon na lang katindi ang galit sa kanya. At saka, ang alam kong STD ay nakukuha lang iyan sa pagtatalik. Which means, my fiancée is cheating on me. Mas lalo akong nagulat nang sumugod sa amin ang maraming pulis at isang grupo ng

