Kinaumagahan . . . Habang nag-iimpake na sina Brix at Arissa sa hotel para sa flight nila papuntang America ay biglang may kumatok. "Brix, will you open the door for a minute. I am fixing my luggage," ani Arissa kaya si Brix na ang lumapit sa pinto. Pagkabukas niya nito ay bumungad sa kanya si Riza. Bigla silang sinilip ni Arissa. "So, look who's there. The stripper b***h from the lamest night club I have ever entered," wika ni Arissa. "Why are you here?" tanong ni Brix kay Riza. Biglang binunot ni Riza sa kanyang bulsa ang isang kodigo at binasa ito na parang tanga. "I-ito daw yu-yung mga ga-gamit mo na na-na-naiwanan mo sa co-co-condo ni Kaye. Sinasauli na niya sa-sa-sa-sa 'yo lahat," putol-putol pa ang pagbabasa ni Riza dahil sa may dyslexia siya at umalis saka iniwan ang isang ka

