Sa McDonald . . . Habang naghihintay sina Brix at Arissa ay dumating na rin si Kaye kasama si Ritchie. "Mabuti naman at dumating kayo. Bakit may kasama ka pang bayot?" tanong ni Arissa habang nagtataka rin si Brix. "Wala ka nang pake, Arissa, dahil hindi ikaw ang ipinunta ko rito," ani Kaye at nakipagtaasan ng kilay kay Arissa. Bumulong agad si Ritchie. "Naku, Kaye! Pigilan mo ko, ha! Ang yabang niya, ha! Sarap dukutin ang malalaking mata niya!" "Maupo kayo," aya ni Brix kaya't umupo na ang dalawa. Kinuha ni Brix sa mini-bag niya ang contract at ipinakita kay Kaye. "So, Kaye. I have made and printed a hard copy of my contract for you. You have to sign that bago tayo pumunta sa hospital for the DNA test tutal mahilig ka naman sa mga contract-contract na 'yan. Eto at lagdaanan mo na."

