Nagulat ako nang gumanti ng pagsagot si Brix at hinila ang braso ko para mapaharap ako sa kanya. Inaamin kong nasaktan ako pero tiniis ko pa rin dahil mahal ko siya. Nabigla lang ako dahil masyadong mababa ang tingin niya sa akin. "Hindi ako naniniwalang akin 'yang bata. Let's have a DNA test," galit niya. Mas lalo akong nainsulto at sumagot din nang pasigaw. "Bitawan mo ako! Ayokong magpa-DNA test." "It just means one thing! You're lying!" Nagagalit siya dahil dumiin ang pagkahawak niya sa akin. Sa sobrang inis ko ay sumigaw ako ulit. "Okay, fine! Liar na ako kung liar kung iyan ang iisipin mo kaya bitiwan mo na ako! Hindi ako magpapa-DNA over my sexy body!" Hanggang sa manlaban na ako kaya kinagat ko ang braso niya. Nabitawan na niya ako at tumakbo ako sa loob ng kuwarto. Baliw na

