Dear Diary, Magdamag akong gising! Hindi ako nakatulog sa kaiisip. Hindi ako makapaniwala na may boyfriend na si Heart. Dahil magdamag akong gising ay minabuti ko na lang na kalampagin ang mga reliable source ko. Iyong totoong tsismoso! At napag-alaman ko na hindi naman pala talaga boyfriend ni Heart si Lawrence. Ex-boyfriend niya pala ito at gustong makipagbalikan sa kaniya. Subukan lang niya! Over my dead two to four abs body! Bigla akong nakaisip ng paraan para mapasa-akin si Heart! GAGO's Lesson 101 no. 43: Another way to a Woman's HEART is through her STOMACH! - Impressive ang dating kapag ipinagluluto natin sila ng paborito nilang pagkain. Iba talaga ang may personal touch! Ang luto na may TLC! Kung hindi niyo naitatanong ay may angking talento ako pagdating sa pagluluto! Mala-ir

