Two

1518 Words
Puting kisame ang nasilayan ni Hunter nang idilat niya ang mga mata. Pakiramdam niya ay matagal siyang nakatulog. A young lady was sitting beside her bed at muntik nang matumba sa upuan nang makita siyang pinagmamasdan ito. Taranta itong tumakbo papuntang intercom at tinawag ang doctor. "Y-you're awake," kinakabahang sabi ng dalaga. "Oh my God..." "W-who are you?" nahihilong tanong ni Hunter. Ipinilig niya ang ulo at muling ipinikit ang mga mata. "Anong pakiramdam mo? Are you okay?" nag-aalalang tanong nito. Muling dumilat si Hunter at pinagmasdan ang buong paligid. Medyo malinaw na sa kanya kung nasaan siya. She's in the hospital. "I-I'm fine," ngumiti si Hunter. "Bakit ako nandito?" Hindi agad nakasagot ang babae. Pero hindi na kailangan ang sagot. Unti-unting bumalik sa kanya ang mga nangyari bago siya nawalan ng malay. "Where's my baby?" agad na tanong ni Hunter. Nakita niya ang panlulumo ng babae at malungkot na tumingin sa kanya. "He didn't make it." She tried to calm herself. Hindi siya iyakin but this was just too much. Akala niya ay magkakaroon na siya ng kasama. Isang taong magmamahal sa kanya at mamahalin siya. A reason to live. But it wasn't meant to be. Hindi niya namalayan ang pagdaloy ng masaganang luha sa mga mata. The young lady tried to calm her down. Dumating naman ang doctor kaya inayos niya ang sarili. After checking her vital signs ay napangiti ito. "You're lucky. Milagro lang na nangyayari ang ganito," nakangiting sabi ng doctor. Ngumiti rin si Hunter. She knows Dr. De Jesus dahil family doctor ito ng mga Saavedra. Alam niya ring totoo ang sinabi nito. She was warned na hindi niya kakayanin ang magbuntis pero nakipagsapalarin pa rin siya. Napansin ng doctor na napawi ang ngiti niya at hinawakan siya sa balikat, "I'm sorry for your loss." Matamlay na ngumiti si Hunter, "I know Dra. Marasigan did her best." "This is your second chance, iha. Live your life to the fullest." "Salamat, doc." "Anyway, under observation ka pa rin," masigla na ang boses ng doctor. "Maybe, in two days pwede ka nang umuwi." Bahagya siyang napasimangot, "I don't think I can last two days in the hospital, doc. Pwede bang umuwi na ako ngayon?" Natawa si Dr. De Jesus, "You're still the stubborn child I know. But sorry. Hindi kita pwedeng palabasin agad." Napabuntong-hininga si Hunter, "I feel fine. Pakiramdam ko nga dalawang araw akong natulog." Nagkatinginan si Dr. De Jesus at ang babaeng kasama nila. Seryosong tumingin sa kanya ang doctor, "You were in a coma for five years, Hunter." Pagkatapos magpaalam ng doctor ay muling nanlumo si Hunter. Five years of her life was wasted sleeping. Hindi man lang siya nakapagpaalam sa anak. "Are you hungry?" narinig niyang tanong ng babae. Bumaling siya rito at napakunot-noo, "Sorry, nakalimutan kong itanong ang pangalan mo. Who are you again?" "I'm Dawn, your step-sister," nakangiting pakilala ng babae. "Step-sister?" gulat niyang tanong. "Yeah, my dad married your mom, almost three years ago." Tumango si Hunter. It seems a lot of things have happened while she was asleep. "Anyway, I think you should eat. Anong gusto mong kainin?" Saglit na nagisip si Hunter, "Spaghetti." "Itatanong ko sa nurse kung pwede ka nang pakainin noon." Saglit itong tumawag sa intercom at maya-maya ay nakita niyang umorder ito sa isang application. Lihim niyang pinagmasdan si Dawn. She has shoulder length hair with tattoo of a butterfly on her left arm. Mukhang rebel at happy go lucky. Bakit kaya ito ang nagbabantay sa kanya? "By the way, your sister is coming to visit you," sabi ni Dawn. "Hindi niya pa alam na gising ka na. I think mas magandang masurpresa siya." "My sister?" naguguluhang tanong ni Hunter. She has two sisters at sa pagkakaalam niya, she wasn't in speaking terms with both of them bago siya na comatose. "Oh," napangiti si Dawn. "I forgot how f**k up our family is. Kahit ako naguluhan noong una." Natawa rin si Hunter. Hindi niya alam kung sarcastic iyon pero mukha namang palabiro lang ang babae. "Si Clarie. Your sister turned sister in law," biro ni Dawn. Napangiti si Hunter. Sabi na nga ba. Hindi rin siya matitiis ng babae. "I'm really happy to meet you, Dawn," sincere na sabi niya. "Pero curious lang ako kung bakit ka nandito sa hospital. I mean, not that I'm doubting you..." "Are you expecting an evil step-sister?" "That's what I thought," pag-amin ni Hunter. "But you seemed nice to me..." "I hate your family," seryoso na si Dawn. "I hate your mom even more. My dad was so blind marrying that woman." Hindi nakapagsalita si Hunter. She didn't feel hurt by Dawn's remark kahit pa nanay niya ang binabastos nito. "You're better off without them, Hunter. I really wish it was me who was in your position all these years. Life with them was hell. Where is your mom now that you're awake? They don't even check your condition. They took their time suing your husband instead of taking care of you." Hindi nakakibo si Hunter. Dawn didn't have to tell all these. She knows them well. "If it wasn't for Clarie and her mom, you wouldn't have lasted for five years in coma. They wanted to put you down on your first year sabi ni Dr. De Jesus. They never mentioned you to me at aksidente lang na nalaman ko ang tungkol sa'yo. When I saw you lying in this bed, I knew that you needed my help." Tinitigan niya ang babae at sinalubong naman nito ang tingin niya. "I understand kung hindi ka maniniwala sa akin..." Hunter held her hand and smiled, "I believe you." Hunter's mom and her step-father came to visit her the next day. Hindi nakadalaw agad ang mga ito dahil nataong binyag ng anak ni Samantha, her sort of sister noong araw na iyon. Unlike Mrs. Saavedra who rushed in the hospital just to see her. "I'm glad you're awake," halatang pilit ang ngiti na sabi ng ina. Sigurado siyang pakitang tao lang iyon because Clarie and her mom were there. "Ipahahanda ko sa katulong ang kwarto mo." Tumango lang siya kahit pa wala naman talaga siyang balak umuwi sa kanila. Ang totoo niyan, hindi niya alam kung ano bang gagawin sa buhay niya. Hindi niya alam kung anong buhay ba ang naghihintay sa kanya after five years of sleeping. Samantha did not come dahil busy raw at hihintayin na lang siya sa bahay. As if naman gusto talaga siyang makita. Wala rin naman siyang balak puntahan ito. Dawn left the room nang dumating ang mga magulang. Nalaman niya na lumayas pala ito last year kaya hindi na sa kanila nakatira. Naisip niya, maybe, she can stay with Dawn. "Do you want me to pick you up tomorrow?" tanong ni Clarie bago magpaalam. Bukas na kasi siya lalabas ng hospital. "It's okay. Dawn promised to pick me up," tanggi niya. Ayaw niya kasing makaabala pa sa trabaho nito. Bahagyang tumaas ang kilay ni Clarie bagama't nakangiti. Alam niyang deep inside, nagtatampo ang babae. "Fine, I'll be waiting at your house," hindi na nakipagtalo pa si Clarie. "Our house?" kunot-noong tanong ni Hunter. "Yeah. Your house with your husband," paalala ng babae. "You're still married as far as I remember." Hindi nakakibo si Hunter. "I know that you still have a clear memory of the incident pero huwag kang mag-alala, we have renovated the house and install new hidden cameras. We also hired two security guards para maiwasan ang nangyaring break-in. Ewan ko na lang kung may magnakaw pa doon." "Magnakaw?" Napatingin sa kanya si Clarie. "Yeah. Gray told me about the guys na nanloob sa bahay niyo," it was the first time Clarie mentioned her husband. Hindi nga ito nagpakita sa hospital. "Don't worry, kung ayaw mo talagang umuwi doon, you can stay with me and mom. But if you insist on staying with Dawn, it's okay. Take your time kung hindi mo pa kayang harapin ang lahat." "Salamat." Nang umalis si Claire at Mrs. Saavedra at nalulong sa malalim na pag-iisip si Hunter. So, Gray didn't tell the truth. Pero sigurado siyang hindi rin naniniwala ang kahit na sino sa lalaki. Gray's fighting skill is next to no one. Sana man lang gumawa ito ng mas kapani-paniwalang kwento. Umaga pa lang ay dumating na si Dawn para sunduin siya. Masaya siyang nagpaalam kay Dr. De Jesus at sa nurse na nag-alaga sa kanya for five years. Mamimiss raw siya ng mga ito. "Isa lang ang kwarto ng bahay ko but you can stay in my room and I'll sleep in the couch.I can buy another single bed this weekend," nakangiting sabi ni Dawn. Hindi alam ni Hunter kung paano sasabihin dito na nagbago ang isip niya. "By the way, your mom talked to me yesterday," patuloy ng babae. "Hindi ko lang sinabi sa'yo agad dahil gusto kong magpahinga ka muna. The whole clan wanted to see you kaya may dinner meeting sa bahay this Saturday. Ayoko sanang tumapak pa sa bahay na iyon pero kung gusto mo sasamahan kita." Napabuntong-hininga si Hunter, "Thanks, Dawn." "Don't worry, Samantha's husband will be there so I'm sure hindi niya ilalabas ang sungay niya. She's a good actress, you know. I hate how everyone treats her like a princess." "Samantha's husband?" "Yeah. Si Craig. They got married last year." Hindi nakakibo si Hunter. "So, tara na?" aya na ng babae. "Maliit lang ang bahay ko pero may peace of mind ka doon." "Dawn, salamat sa tulong mo pero hindi na muna siguro ako makikutuloy sa'yo. May gusto akong puntahan." Napatingin sa kanya ang babae. "I want to see my husband."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD