Three

1632 Words
Parang kahapon lang nung huli siyang tumapak sa bahay na iyon. Memories came flooding back. Nakilala naman siya agad ng guard kaya pinapasok agad ang kotse ni Dawn. Napahagulgol pa si Manang Magda nang makita siya. Pagkatapos ay kinuha mula kay Dawn ang mga gamit niya. "Pakidala na lang sa guest house, manang," magalang na utos ni Hunter. "Guest house?" nagtatakang tanong ni Manang Magda. "Yeah. That's where I will stay." Hindi na nagtanong pa ang matanda at nagtungo na sa guesthouse dala ang gamit niya. Hiwalay ang guesthouse sa main house nila. Papasok na sana sila sa loob ng bahay nang makatanggap ng tawag si Dawn. "Sorry, Hunter, I need to take this call," apologetic na paalam ng babae. "Susunod na lang ako sa'yo." Nakangiting tumango si Hunter. Hindi niya maintindihan kung bakit parang excited siya kahit pa hindi niya alam kung papaano haharapin si Gray. It's been five years for him pero para sa kanya ay kahapon lang nangyari ang lahat. Kilala niya ang lalaki. He holds grudges at hindi madaling magpatawad. Mali nga yata ang desisyon niya na bumalik sa bahay nila. Papasok na sana siya nang makita si Clarie at Gray na nag-uusap nang masinsinan. Hindi niya maintindihan kung bakit parang may humaplos sa puso niya nang makita ang lalaki. He looks haggard at medyo mahaba na ang buhok. Mas mukha pa itong galing sa hospital kay sa sa kanya. Baka naman drug addict na ito. Hindi na siya magtataka. Dahil seryosong nag-uusap ang magkapatid ay hindi narinig ang pagdating niya. Saglit siyang nagkublli para pakinggan ang pag-uusap ng dalawa. "Gray..." bakas sa boses ang pag-aalala ni Clarie. "It's okay." Nakatingin sa kawalan ang lalaki habang wala sa sariling nagsasalita, "I didn't want to marry her. Isang malaking pagkakamali na nagpakasal kami." Masuyong hinaplos ni Clarie ang likod ng lalaki. Nakuyom nito ang palad at bahagyang gumaralgal ang boses. "I told her not to keep the child. I shouldn't have married her in the first place..." Is he crying? Dahan-dahang lumayo sa pinto si Hunter at hindi na tumuloy sa gagawin sanang pagpasok sa loob ng bahay. Mali yatang nagpunta pa siya sa bahay. Mali yatang nagising pa siya. Hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Gray. Ito ang unang beses na nakita niyang umiyak si Gray. He never cried. Even when their father died. Ngayon lang. And it breaks her heart. Siguro sobrang miserable ng naging buhay nito nang magpakasal sa kanya. She couldn't blame him though. Ikaw ba naman saksakin ng asawa mo. She sat down in the small stairs outside the door. Siya namang pagdating ni Dawn at nagulat nang makita siyang naghihintay sa labas. "Hey, anong ginagawa mo dyan?" nagtatakang tanong nito. "W-walang tao e. Siguro magpapahinga muna ako. Medyo sumama ang pakiramdam ko." "Sigurado ka?" lalong nagtaka ang kausap. "Kakatext lang sa akin ni Clarie." "Gusto ko munang magpalit ng damit bago kami mag-usap." "Ikaw ang bahala," nagkibit-balikat si Dawn. "Anyway, I need to go. May trabaho pa kasi ako. Say hello to Clarie for me." Iniabot nito ang isang calling na may disenyo ng wine glass, "And call me if you need anything." "Thanks a lot, Dawn," hindi man siya sanay ay niyakap ni Hunter ang babae. She's not a touchy person pero gusto niyang iparamdam sa babae na malaki ang pasasalamat niya rito. Ngumiti si Dawn bago umalis. Buong araw hindi lumabas ng bahay si Hunter. Mukha namang naramdaman ng magkapatid na ayaw niyang makipag-usap kaya hindi na rin siya pinuntahan ng mga ito. Nakita niya ang paalis na kotse at nakilala niya iyon. It was Clarie's old car. Her very first car na regalo ng daddy nila. Something's didn't change including Clarie's thriftiness. Kasama kaya nitong umalis si Gray? She wanted to go out pero nagtiis na lang siyang manood ng series. Gabi na nang kumatok si manang Magda at dalhan siya ng pagkain. It was her favorite Kare-kare kaya naman natuwa si Hunter. Saglit silang nagkwentuhan ng matanda bago ito nagpaalam. Wala itong masyadong naikwento at halatang nag-iingat sa sasabihin. Mostly ay tungkol sa pamilya nito. Nabanggit nito na madalang umuwi si Gray sa mansyon kaya hindi rin masyadong nakikita ng matanda. Nahigit ni Hunter ang paghinga. Siguro nagsasama na ito at si Danna. Nagulat nga siya nang malaman na wala pa itong sariling pamilya. Siguro hinihintay na malagutan siya ng hininga para mapunta muna dito ang mga conjugal properties nila. Madaling araw na pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Hunter. Dinalhan naman siya ng pantulog ni manang kaya nakaligo at nakapagpalit na rin siya ng damit. Abala siyang nanonood ng T.V. nang makaramdam ng gutom. Wala pa namang stock na pagkain sa mini fridge. Bukas na bukas ay sasabihan niya si manang na punuin iyon ng pagkain para hindi na siya lumabas ng bahay. Wala siyang nagawa kung hindi ang pumuslit sa loob ng malaking bahay. Panatag siyang nagpunta sa kusina dahil patay na ang ilaw. Siguradong tulog na ang lahat. Natigilan siya nang makitang may liwanag sa kusina at dahan-dahang naglakad papunta roon. Muntik na siyang mapasigaw nang makita ang isang lalaki na nagbubukas ng ref. Halatang nagulat din si Gray nang makita siya at napahinto sana sa gagawing pagkuha ng pagkain sa ref. Hindi alam ni Hunter kung tatakbo palayo. Muling sumagi sa isip niya ang nangyari nung gabi ng birthday niya where she stabbed him to death. She could see the scars in his body dahil topless ito at boxer short lang ang suot. "Hi," kaswal na bati ni Gray nang makabawi sa pagkagulat. Hawak pa nito ang kinuhang gatas mula sa ref. Sasagot sana si Hunter pero inunahan siya ng nerbyos. Hindi niya alam kung dahil sa takot sa maaaring gawin ng lalaki o dahil sa hubad nitong katawan. Nagtataka namang tumingin si Gray sa kanya bago umupo at ibinuhos ang gatas sa isang mangkok. Nahulaan niya agad na cereals iyon dahil sa box ng honey flavoured cereals sa tabi nito. Really? Cereals sa madaling araw? "Gusto mo?" tanong ng lalaki bago sumubo ng cereals. Nahigit ni Hunter ang paghinga. Hindi niya alam kung anong mararamdaman. Ang alam niya ay five years siyang comatose tapos ito lang ang magiging reaksyon ng lalaki. Aalukin siyang kumain? "Ano gusto mo, Hunter?" bulong niya sa sarili. "Yakapin ka at sabihing namiss ka? Okay ka lang? Dapat nga ipahuli ka sa pulis e." Lalong kinabahan si Hunter. Bago niya sinasaksak si Gray ay inalok niya muna ng pagkain. Hindi kaya... "N-no thank you," kinakabahang nagtungo sa ref si Hunter at kinuha ang unang bagay na nahawakan niya. Napahinto naman sa pagkain si Gray at tila naguluhan sa ikinikilos niya. "Good night," sabi niya sa lalaki bago tumakbo pabalik sa guest house dala ang mustard. Dinalan ulit siya ng breakfast kinabukasan ni manang Magda kaya hindi niya na kailangang lumabas para kumain. Sinabi nito na darating ang mga kamag-anak niya at sa bahay manananghalian kaya dinalhan siya nito ng damit kung sakaling gusto niya ulit na magpalit. Kahit alam niyang naweweirduhan na si manang sa ginagawa niyang pagkukulong sa guest house ay hindi ito nagtatanong na ipinagpasalamat niya. Kasalukuyan siyang nag-aayos nang may kumatok sa pinto, sa pag-aakalang si manang iyon ay agad niyang pinagbuksan. "Hi," kaswal na bati ni Gray. Walang paalam itong pumasok at umupo sa sofa. "H-hi," sinubukan niyang patatagin ang boses. Hindi niya dapat ipahalata na natatakot siya dito. Hindi naman talaga siya takot. Subukan lang nitong gawan siya nang masama at makikita nito ang dating second leader ng Blacksmith. "I just came to pick you up. Dumating na kasi sila." Hindi agad nakasagot si Hunter. "I told them not to come this early pero mapilit sila tita. Alam kong naninibago ka pa. You don't have to join our lunch if you're not ready." "N-no, I'll be there," sinubukan niyang maging kaswal kahit ang totoo ay nanginginig na ang tuhod niya. How could she forget that she tried to murder him once? "Are you ready?" pukaw ni Gray sa atensyon niya. He's being talkative now at hindi siya sanay doon. The Gray she was used to was very quiet. Puro tango at iling lang. Sobrang tipid magsalita. Walang emotion at para kang nakipag-usap sa pader. Pero ngayon, halatang he's trying to make a conversation. "Mukhang bihis ka na," bahagya siyang pinasadahan ng tingin ng lalaki. "Susunod na ako," mabilis niyang sabi. "Why don't you go inside at baka mabored ka lang kakahintay sa akin." "Sige." Nagpasalamat siya nang hindi na ito nakipagtalo. Para namang gustong-gusto na rin nitong makalayo sa kanya. Akala niya ay lalabas na ito kaya inabala na niya ang sarili sa pag-aayos. Humarap siya sa salamin at sinibukang isuot ang kwintas na regalo ng daddy niya noong debut niya. She could feel her heart beats fast nang lumapit si Gray. "Let me," sabi ng lalaki at tinulungan siya isabit ang kwintas. She was expecting Gray to strangle her using the necklace pero ikinabit lang naman nito ang lock noon kaya nakahinga siya nang maluwag. He looked at their reflection in the mirror at bahagyang nagtama ang mga mata nila bago siya mabilis na nagbawi. "Salamat," nahihiya niyang sabi. Bahagya itong ngumiti bago lumayo sa kanya. Something na madalang nitong gawin. Gray always looks serious at mukha laging may binabalak na krimen. "You look great," puri nito na ikinagulat niya. Anong ibig sabihin ng lalaki? You look great for your funeral? Naguguluhan siyang napatingin sa suot na light pink na dress. "It was my first time to see you wearing something in pastel color," dagdag pa ni Gray. Naalala niya na dark colors nga ang madalas niyang suotin noon. Hindi niya alam kung maniniwala sa pambobola ng lalaki. Kapag ba may balak kang patayin bobolahin mo muna? Sinubukan niyang isipin kung binola niya ba noon si Gray bago niya saksakin. "We don't have to talk about it now," narinig niyang sabi ni Gray kaya napatingin siya rito. "We'll talk about it when you're ready." Hindi nakasagot si Hunter. Inilibot ni Gray ang paningin sa paligid na tila may hinahanap pagkatapos ay muling bumaling sa kanya, "I'll see you later." Bago lumabas ay lumapit ito sa harap ng t.v. at may kinuha. Nasundan na lang ng tingin ni Hunter si Gray na lumabas dala ang mustard na kinuha niya kagabi sa malaking bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD