Four

2904 Words
Everyone was already in the dining room nang dumating siya. Hunter felt awkward dahil sa malamig na pakikutungo ng mga bisita. Mga kamag-anak ng asawa na minsan rin siyang itinuring na pamilya. Nag-iwas siya ng tingin nang makita ang matatalim na tingin ng ina at mga kapatid ni Gray. Amanda, her and clarie's adoptive mom stood up and hugged her "You look beautiful, iha." Ngumiti din si Clarie at hinila ang bakanteng upuan sa tabi nito. medyo gumaan naman ang pakiramdam niya pero dahil isa na lang ang bakanteng silya, wala siyang nagawa kung hindi umupo katabi ni Gray. "I'm glad you survived this tragedy, Hunter," kahit seryoso ang tita Gretchen niya ay alam niyang sincere ito. She's the wife of Gray's uncle at ninang nila sa kasal. "At least ngayon, you can now clean your husband's name," pormal na sabi ng Lola nila. "We'll organize a presscon so the gossips and wrong information will stop. Our family's reputation was greatly affected by this scandal. I expect your cooperation," ma-awtoridad na dagdag ni Conrad, their dad's younger brother. "I'll call the media tomorrow to schedule a press conference," Sabi naman ni Queenie, their cousin. "Hunter just woke up from being comatose for five years," napatingin ang lahat Kay Gray. " Hayaan muna natin siyang makarecover." The feeling of disappointment from her family's reaction was replaced with happiness. Of all people, hindi niya alam na si Gray pa ang magtatanggol sa kanya. Napatingin siya sa lalaki pero poker face lang itong nakatingin sa lahat. She glanced at Clarie and caught her trying to suppress a grin. "We can't lose time, Gray," Hindi nagpaawat si Conrad. "Sobrang laki na ng damage sa reputasyon ng mga Saavedra. We have waited for five years para malinis ang pangalan ng pamilya. All we're asking is for her to answer the press. Mahirap bang gawin iyon?" "Conrad," mahinahon na sabat Ni Amanda, "Ang gusto lang naman ni Gray ay makapagpahinga muna ang asawa niya. Hindi ba kayo natutuwa na nagising pa si Hunter?" "Masyado nang mahabang pahinga ang five years," sumabat na rin si Grace, ang bunsong kapatid ni Gray sa mother side. "Sirang-sira na si kuya sa mga tao." "Hindi kasalanan ni Hunter na na-coma siya ng limang taon. Kung hindi siya nagising, lalong walang pag-asang malinis ang pangalan ng kuya mo," hindi na nakatiis si Clarie. Inirapan lang ito ni Grace. "How about her family?" singit naman ng Lolo nila. "Hindi na tinantanan ng mga Alicante si Gray. Pati tayo nadadamay." "I thought this lunch would serve as a celebration for Hunter. Kung alam kong ganito lang ang gagawin niyo, hindi na sana ako pumayag na bumisita kayo," tumaas na ang boses ni Gray na ikinagulat ng mga kasama. Madalas kasi ay sumusunod lang ito sa utos ng mga nakakatanda lalo na ng lolo't-lola. "Gray, time is running," agad ding nakabawi sa pagkagulat ang Tito ni Gray. "Malapit na ang board election. Kapag hindi pa nagsalita si Hunter, mawawala ang pag-asa mong manalo. We'll have a presscon and she will be there. That's final." Tumigas ang ekspresyon ni Gray, "She's still my wife. Ako pa rin ang masusunod. I'm not going to let anyone force her to-" "I'll do it." Napatingin ang lahat kay Hunter. "Just tell me when." "Hunter..." nag-aalalang tutol ni Clarie. "It's okay, ate. Ayoko ring patuloy na masira ang pangalan ng pamilya." Pilit na ngumiti si Hunter, "Shall we eat? Kanina pa ako nagugutom e." Tumahimik na ang lahat at nagsimula nang kumuha ng pagkain. Nagulat si Hunter nang lagyan ni Gray ng pagkain ang plato niya. Siguro gustong ipakita ng lalaki sa pamilya na maayos pa ang pagsasama nila. "T-thanks," alanganin niyang sabi na hindi naman pinansin nito. Nahuli niyang pinapanood sila ng lahat pero agad ding nagbawi ng tingin ang mga ito at nagsimula nang kumain. Susubo na sana siya nang matigilan. What if the purpose of this lunch is to poison her? Naalala niya na Gray served her first. Napatingin siya sa lalaki at nakita niyang kinagatan nito ang fried chicken bago sumubo ng kanin. Bahagya siyang nakahinga nang maluwag. Maybe, she's just being paranoid. Kakagatan na sana ulit niya ang fried chicken nang may maalala. Gray gave her the first piece of chicken. What if ito lang ang may lason? Napatingin siya sa lalaki na abala sa pagkain. Tila naramdaman nitong may nakamasid at nagtataka itong napatingin sa kanya. "May problema ba?" he asked, casually. "I-," kinabahan si Hunter. Hindi siya dapat magpahalata na nagdududa siya at baka tuluyan na siyang tapusin ni Gray. "I want that piece of chicken." Lalong naguluhan si Gray at tumingin sa hawak na manok. "P-pwedeng akin na lang 'yan?" "Sure," seryoso pa rin ito pero bakas sa mata na nawei-weirduhan na sa kanya. Gray took the chicken out of her plate and gave her his chicken na may kagat na. Nakahinga lang nang maluwag si Hunter nang makaalis ang mga bisita. She helped manang cleaned-up dahil na rin nabobored siya mag-isa sa guest house. Isang bagay na hindi niya ginawa noon. Aaminin niya namang spoiled brat siya dati at halos subuan na ng mga katulong. Pabalik na siya sa guest house nang makita si Gray na nagkakape sa porch habang nagbabasa ng libro. Hindi niya alam kung lalagpasan ito o kakausapin. Napatingin ito sa kanya at ibinaba ang binabasang libro. "Coffee?" he asked. "S-sure," ayaw na sanang kausapin ni Hunter ang asawa pero naalala niya ang ginawa nitong pagtatanggol sa kanya. Alanganin siyang umupo sa wooden chair sa tabi nito at tahimik na pinanood ito habang nagtitimpla ng kape. Inilapag ng lalaki ang ceramic cup sa harap niya pagkatapos. "Salamat pala kanina," basag ni Hunter sa katahimikan. "Sa Fried chicken?" kunot-noong tanong ni Gray. "Sa pagtatanggol sa akin and yeah, sa fried chicken na rin." Tumango lang lalaki. "Suplado talaga," bulong ni Hunter sa isip. "Ano kayang krimen ang binabalak nito?" Natigilan siya sa gagawin sanang paghigop sa kape. What if may lason ang kape? Hindi na napigilang mapangiti ni Gray nang makitang natigilan siya. He took the cup from her at humigop ng kape mula roon. "I'm not planning to poison you, Hunter. You're being paranoid," napapailing na sabi nito. Hindi alam ni Hunter kung anong sasabihin. Nahihiya niyang binawi ang cup mula rito. "Hindi iyon ang nasa isip ko." Lalong natawa si Gray at matiim na tumitig sa kanya. Hindi niya alam kung saan siya naiinis. Sa lalaki dahil halatang pinag-tritripan siya nito o sa sarili dahil hindi niya maiwasang kiligin kapag ngumingiti ito. "Then what?" seryoso nang tanong nito. "Naisip ko lang na nakalimutan kong tawagan si Dawn." Hindi na nakayanan ni Hunter ang matiim na pagtitig ni Gray kaya nagpaalam na siya. Tsaka niya na ito kakausapin tungkol sa kaso ng isinampa ng pamilya niya at tungkol sa mga nangyari five years ago. Tumayo na siya para magpaalam dala ang tasa na may kape. "I'll drink this inside. Salamat ulit," wala sa sariling paalam niya. Hinayaan na siya ni Gray at muling dinampot ang librong binabasa kanina. Nakaramdam ng kaba si Hunter nang makita ang title noon. KILLING HER SOFTLY Hunter's Browsing history How would you know if someone was plotting to kill you? Signs that your husband is planning to kill you 10 ways to know if your spouse is a potential killer How to tell if your life insurance beneficiary is trying to kill you What should I do if I suspect my spouse is planning to kill me? Hindi na nag-dinner si Hunter dahil lalabas siya para makipagkita kay Dawn. She will meet her in a club with Zack and his friends. Hazel was out of the country kaya hindi makakasama. Nagulat siya nang malamang magkakilala pala ang step-sister at mga kaibigan. Dawn said na nagkakilala ang mga ito when her friends visited her in the hospital. It's another reason to trust Dawn then. Mahirap makuha ang tiwala ni Zack, lalo na ni Hazel. Palabas na siya ng guest house nang makitang bukas ang ilaw ng porch. Ganoon na lang ang kaba niya nang makitang nandoon si Gray. Cleaning his gun. "Hi, lalabas ka?" kaswal na tanong nito at ibinaba ang baril. "Y-yeah. Pwede ba? I'll just hang out with Dawn." Kumunot ang noo ng lalaki, "Of course. Why are you asking for my permission?" Sinubukang patatagin ni Hunter ang sarili. She was Blacksmith's second in command, she reminded herself. Hindi siya dapat matakot sa gunggong na ito. "I might sleep at Dawn's house." "Ingat ka." Nahigit ni Hunter ang paghinga, "Thanks." "Hunter..." Napalingon siya nang marinig ang pagtawag ng lalaki. "Why don't you transfer all your things in your old room?" tanong ni Gray. Bahagyang nagulat si Hunter. Hindi niya akalain na nag-eexist pa pala ang dati niyang kwarto na master's bedroom. Akala niya ay wala na siyang kwarto sa bahay kaya dumeretso na siya sa guest house. "Why?" hindi napigilan ni Hunter na maalala ang nakaraan and it brought back a bitter memory. "Because Danna used to live in the guest house?" Napabuntong-hininga si Gray, "No. Because I feel sorry for you sneaking inside the house late at night just to take the mustard." Gusto na namang kumulo ng dugo ni Hunter. Obviously, Gray is mocking her. "I'm fine," pilit niyang pinakalma ang sarili. "I like being in the guest house. Unless, you want someone else to use it. It's better kung lumipat na rin ako ng bahay." "Wala akong sinabing ganoon." Nakaramdam ng kaba si Hunter nang maramdamang tila nagalit ang kausap. "I-I'm just kidding," bawi niya. Gusto niya nang kumaripas nang takbo nang makitang muling pinunasan ni Gray ang baril. "Aalis na ako," kinakabahang paalam niya. "Goodnight, Gray." "Goodnight, Hunter," bahagya pang ngumiti si Gray. "Enjoy your night." Halos nanginginig na sa takot si Hunter nang makasakay ng kotse. Bahagya lang siyang kumalma nang makalayo na. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya mabubuhay. Hindi kaya hinihintay lang ni Gray na malinis ang pangalan nito at pagkatapos ay patatahimikin na siya? Buo na ang pasya niya, she will leave the house and stay with Dawn. Nawala ang takot na nararamdaman ni Hunter nang makita ang mga kaibigan. Zack, Ulysses and Marco were sitting in the bar with Dawn. It was obvious that they missed her too dahil bakas ang mga katuwaan sa mukha ng mga ito. "Buhay ka nga," hindi makapaniwalang bati ni Zack. "Masamang damo ka talaga." Natawa si Hunter. Dawn gave her a tight hug, "Sorry kung hindi kita nabisita. Medyo busy ako sa trabaho." "It's fine," nakangiti niyang sabi. "Can I talk to you privately?" "Mamaya na," sabi ni Marco. Wala pa ring pinagbago ito. Suplado pa rin. "Kailangan namin siya para sa misyon namin." "What?" nagtatakang tanong ni Hunter. "We'll hang out later, promise," sabi ni Dawn. "Tutulungan ko lang sila. Order whatever you want. Akong magbabayad." Hindi makapaniwala si Hunter. "Nakita kasi namin 'yung isang target na nagpunta dito kaya sasamantalahin na namin," Ulysses said pagkatapos guluhin ang buhok niya. "Bawi kami sa'yo mamaya. Trabaho muna." "You haven't seen me in five years..." reklamo ni Hunter. "Interesting ang case na ito. Makinig ka na lang muna sa'min," sabi ni Zack. "Sorry talaga. Nagkataon na dumating ang big fish." Napabuntong-hininga si Hunter. She tried to listen to their conversation pero hindi siya makasunod kaya inilibot na lang niya ang tingin sa paligid. Nakita niya ang cocktail sa tabi ni Zack at walang paalam na ininom iyon. "Sarap nito ha?" bulong ni Hunter sa sarili habang sinisimsim ang cosmopolitan. It's her first time hanging out in this club at sa tingin niya ay kabubukas lang ng club na iyon. Wala pang ilang minuto nang makaramdam siya ng pagkahilo pero pilit niyang nilabanan. She needs to dance para mawala ang antok. Hindi niya alam kung namamalikmata lang siya pero nagulat siya nang may dumaang isang anghel na may pakpak. "Bakit may anghel sa club?" Bahagya niyang kinusot ang mata. It wasn't an angel. But a girl wearing a white dress. Nakita niyang seryosong nag-uusap ang mga kasama kaya muli niyang inilibot ang paningin sa paligid. Napako ang tingin niya sa isang lalaking nakaupo mag-isa sa table, sipping his brandy. He was wearing a plain, black fitted shirt kaya kita ang muscles. Dumagdag pa sa rugged look nito ang wavy nitong buhok na medyo mahaba para sa isang lalaki. "He's so sexy," naisip ni Hunter. Hindi sinasadya na napatingin rin ito sa kanya at saglit na nagtama ang mga mata nila. Agad din itong nagbawi ng tingin at itinuon ang atensyon sa cellphone. "Mukhang may girlfriend," sabi ni Hunter sa isip at agad na pinagalitan ang sarili. "Bakit ikaw? May asawang tao, nakikipagtitigan pa sa iba." Napabuntong-hininga si Hunter. Sa papel lang siya kasal. Muling tumingin ang lalaki sa kanya at kumunot ang noo. Hindi na nakatiis si Hunter. She gave him a sweet smile. Hindi siya papayag na mauwi sa wala ang gabi niya. She will enjoy this night bago siya tuluyang patayin ni Gray. She saw the guy grinning kaya lalong lumakas ang loob ni Hunter na lapitan nito. "Hey, Edel," tinapik niya sa balikat ang katabi. "Dyan muna kayo. I'll be right back." "The f**k? Kamuka ko ba si Edel?" narinig niyang reklamo nito pero hindi niya na pinansin iyon kahit nagtataka siya kung bakit parang naging kaboses ni Zack ang babae. Excited siyang lumapit sa table ng lalaki. "Hey," nakangiti niyang bati. "Hi," he smiled too na lalong nagpakilig sa kanya. Kahit pa medyo blurred na ang mukha nito ay sigurado siyang gwapo ito. Lalong nagpasexy dito ang medyo paos nitong boses. "Can I join you?" nang-aakit na tanong ni Hunter. "Sure," ngumisi ito. "Can I buy you a drink?" "No, thank you," tanggi niya. Napatingin siya sa mga kasama na halatang naguguluhan sa ginawa niyang paglapit sa lalaki. Tinaasan niya lang ng kilay ang mga ito at agad namang nagbawi ng tingin ang mga kaibigan at hinayaan siya. "I think you should go back to your friends," sabi ng lalaki. "No," tutol niya. "I want to stay with you. Kung walang magagalit." He smiled, "Walang magagalit." Lalong napangiti si Hunter, "What's your name?" Natigilan ang lalaki at napatitig sa kanya. "I don't give my name to strangers," seryosong sagot nito. "Trying to be mysterious," Natawa siya. "I like that." Muli itong natawa, "Are you married?" Si Hunter naman ang natigilan pero agad rin siyang natawa, "Who cares?" "I don't flirt with married women," sabi ng lalaki. "No, I'm not married," maagap niyang sagot. Okay, she's lying. So what? Napangiti ang lalaki. Hindi na nakatiis si Hunter. She moved closer to him at hinayaan naman siya nito. "Let's dance," aya niya nang marinig ang paboritong upbeat music. "I don't dance," tanggi ng lalaki. Naramdaman niya ang pag-akbay nito. "Let's stay here." "Please," she gave her sweetest smile at wala itong nagawa kung hindi tumayo at sumama sa kanya sa dance floor. "You're good," bulong niya dito bago isinabit ang mga kamay sa leeg nito. They were dancing in the middle of the dance floor na parang silang dalawa lang ang nandoon. He smiled. His eyes fixed on her, "You're so beautiful." "Seriously?" natawa si Hunter kahit pa ang bilis ng kabog ng dibdib niya. "Ganyan ka ba sa lahat ng babaeng nakilala mo sa club?" Ngumisi ito na lalong nagpagwapo rito, "Maniniwala ka ba sa akin kung sasabihin kong sa'yo lang?" "Obviously, hindi," mataray na sagot niya. "Mukhang professional ka sa pambobola e." "You don't know me well,"seryoso nang sabi nito. "Do I need to?" she retorted. "I know a womanizer when I see one." Muli itong napangiti at matiim na tumitig sa kanya, "You have to thank me for being a gentleman." "What do you mean?" Napailing ang lalaki, "I want to kiss you kanina pa." She smiled, "Bakit hindi mo gawin?" "Dahil baka bigla ka na lang umalis. Isa pa, ikaw ang unang lumapit." "So ako dapat ang unang hahalik?" tumaas ang kilay ni Hunter. Tumango ito. "You're really weird," napailing siya. "You didn't even ask for my name." "I don't need your name," he pulled her closer. "I need you." Matagal na nagtama ang mga mata nila. "Maghihintayan na lang ba tayo?" hamon ni Hunter. "I'm a patient person," sagot nito. "Fine." They continued dancing pero talagang matigas ang lalaki. Wala talagang balak na mauna. Hunter couldn't stand his stubbornness. She couldn't control herself anymore. The music was making her insane and the alcohol has already consumed her remaining consciousness. Hindi siya nakatiis at marahas na hinila ang lalaki at hinalikan ito. Hindi naman siya nabigo dahil parang naghihintay lang ito ng signal niya. Natagpuan niya na lang ang sariling nakikipaghalikan sa estranghero. Kapwa sila hingal nang bumalik sa table. She stopped laughing nang muling halikan ng lalaki. His kiss reminded her of someone pero dahil lasing na ay wala na siya sa sarili. Tinugon niya na lang iyon. Walang pakialam na hinubad niya ang suot na t-shirt ng lalaki and saw the scars in his body. "Are you a soldier?" tanong niya habang nakatingin sa katawan nito na halatang nag-gygym. "No," he replied while sucking her neck. "I'm a vampire." Hunter chuckled at nagsimulang hubarin ang suot na blouse. Agad siyang pinigilan ng lalaki at mabilis na isinuot sa kanya ang jacket nito. "Let's go," aya ng lalaki. "Why?" reklamo ni Hunter. "Nagsisimula pa lang tayo e." "We're still inside the club. We can't do that here." "Let's go to my car," bulong ni Hunter. "But please, don't leave. Gusto pa kitang kasama." "I won't," makahulugang sabi nito bago siya akayin palabas ng club. Hindi na siya nakapagpaalam sa mga kasama at walang pakialam na umalis. Hindi rin naman siya pinigilan ng mga ito. "I didn't put a lot of dosage at dinagdagan ko rin ng maraming juice para hindi lumasa sa cocktail. Just enough to cause hallucinations and high drive. Hindi na maghihinala iyon na may halong droga 'yung iniinom niya. Baka kayo naman ang mahuli kapag may nangyaring masama sa kanya," Dawn told the team. "Don't worry, kilala ako ng bartender." "Salamat, Dawn," seryosong sabi ni Ulysses. "Sana mahuli namin siya ngayon." Napatingin ang lahat sa entrance nang makita ang parating na matanda with his bodyguards. "Okay, guys. I'm going to attract his attention," paalam ni Dawn. "Give me the cocktail, Zack." "Nasaan?" nagtatakang tanong ni Zack at tumingin sa tabi nito na maraming empty glasses. "I put it beside you. Don't tell me you drank it." "Wala akong iniinom." "Nilagay ko lang sa tabi mo," kinabahan na si Dawn. "May natandaan akong cosmopolitan dito kanina..." Nagkatinginan ang dalawa. "Oh, God," namutla si Dawn nang maalala si Hunter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD