Five

1445 Words
Hindi na matandaan ni Hunter kung paano siya nakauwi ng bahay. Nasa guest house na siya nang magising kinabukasan.  Nahihilo pa rin siya pero pinilit niyang bumangon at inalala kung anong nangyari kagabi. The only thing she could remember is she was with a guy na hindi niya na rin matandaan ang itsura. Naligo muna siya at nagpalit ng pambahay. Napansin niya ang pantulog na suot. Sino kaya ang nagpalit ng damit niya? Dahil gutom na ay sinubukan niyang pumuslit sa kusina. Huli na para umatras sa planong lihim na kumuha ng pagkain at itakas papunta sa guest house.  Someone's sitting in the kitchen table, eating breakfast. "Cereals again? Seriously," Hunter thought. "Hi," Gray greeted her. Tumigil ito sa pagkain at simpatikong ngumiti. Pinigil ni Hunter na kiligin nang makita ang inosenteng ayos nito. Bagong ligo kasi si Gray at hindi pa nagsusuklay. Bumagay dito ang magulo nitong buhok. "H-hi," she mumbled and made a bee line to the refrigerator. "Nagluto si manang ng pancake," sabi ni Gray. "Baka gusto mo." "Thanks," mahinang sabi ni Hunter. Hindi man lang siya tumingin sa lalaki. Kinuha niya ang box ng apple juice at isang cup ng greek yogurt. Isasara na niya ang ref nang marinig ang tinig ng lalaki. "Can I have some juice?" tanong ni Gray. Nakita niya ang walang lamang baso sa tabi ng cereal bowl nito. Bahagyang nag-init ang mukha ni Hunter. She still feels awkward talking to him pero bakit kaya hindi man lang ito nakakaramdam ng awkwardness? Parang mas komportable pa nga itong makipag-usap sa kanya ngayon. Naiinis siyang lumapit sa mesa at sinalinan ang baso ni Gray. Bahagyang natigilan si Hunter nang makita ang mga bakas sa leeg nito. Kiss mark?  Baka naman kagat lang ng kung anong hayop. "Hayop talaga kumagat dyan," gigil na bulong ni Hunter sa isip. "Siguradong kasama na naman niya yung hayop na babae niya kagabi." Tila may kumurot sa puso niya sa isiping iyon pero agad niyang pinalis. Sino ba siya para magselos? Isa pa, nakaganti na siya. Nag-enjoy naman siya kagabi kahit hindi niya na matandaan kung ano talagang nangyari at sino ang kasama niya. "How was your bonding last night?" kaswal na usisa nito. "Fun," pinilit niyang ngumiti. Kailangan niyang gumanti sa pambababae nito. "It was an unforgettable night." Kumunot ang noo ni Gray pero agad ding ngumiti, "I'm glad nag-enjoy ka." Nagbawi ng tingin si Hunter at nagpaalam na. Hindi niya na kayang magtagal pa kasama ang lalaki. "I'm going back to my room." Tumango lang si Gray.  Tsaka lang nakahinga nang maluwag si Hunter nang makarating sa guest house. Buong araw din niyang hindi nakita si Gray na ipinagpasalamat niya. Narinig niyang umalis ito sakay ng kotse. Pupuntahan siguro si Danna. Pupunta sana siya sa garden para magpahangin nang may kumatok sa pinto. Sa pag-aakalang si manang iyon ay agad niyang pinagbuksan pero mali siya ng hula. "May we come in?" it was Queenie, her cousin na obviously ay ayaw sa kanya. Kasunod nito si Grace, na younger sister ni Gray at ang tito Conrad nila. "Sure," pinaunlakan naman niya ang mga ito. Tumingin sa paligid si Queenie and pointed at the corner of the living room, "I think we can set up the camera there." Nagtungo si Grace at isinet up nga doon ang camera. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Hunter sa mga ito. "Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa." Deretsong sabi ni Conrad, "You need to do the press release now. We're running out of time. Blacksmith is the family's bread and butter. Once mawalan tayo ng posisyon sa board, malalagay sa alanganin ang kabuhayan ng mga Saavedra. We expect you to participate." It's not a request, it's an order, and Hunter being a member of the Saavedra family for so long, knew that she needed to comply para sa ikatatahimik ng buhay niya. Kinuha niya ang upuan at umupo sa harap ng camera stand. "Turn it on," utos niya kay Grace. "Your clothes are not appropriate," inis na sabi ni Quennie. "Pwede bang magpalit ka muna?" Tiningnan niya ito, "Do you want me to do it or not?" Bakas ang pagkagulat sa muka nito at tila gusto siyang sampalin. "Hayaan mo na, Queen," Conrad said at bumaling sa kanya. "Do it." Kahit walang kodigo ay naging maayos ang speech ni Hunter. Actually, pagkatapos ng dinner kahapon ay inihanda niya na iyon. Tama naman sila, she needs to save Gray's reputation. Halatang satisfied naman ang mga ito sa naging speech niya. Malapit na siyang matapos nang muling bumukas ang pinto at dumating ang galit na galit na asawa. Gray went straight to the camera at walang babalang sinipa iyon, causing it to fell on the marble floor. "What do you think you're doing?" mainit ang ulong tanong ni Conrad. "Who gave you the permission to enter in my house nang walang pahintulot ko?" Gray's voice roared like a thunder at nawalan ng kibo ang kausap. "Gray," awat ni Hunter sa lalaki. Minsan niya na itong nakitang nagalit at hindi iyon gugustuhin ng kahit sino. "Stop interfering," sabi ni Conrad nang makabawi. "We just came here to ask Hunter to do the press release." "Ask Hunter?" lalo yatang nag-init ang ulo ni Gray. "Or you're forcing her to do it? She just woke up from a five year coma, god damn it! Magkaroon naman kayo ng kaunting respeto. I just want her life to go back to normal first, mahirap bang intindihin iyon?" "You don't know the risk of postponing it," frustrated na sabi ni Queenie, "Huwag kang selfish." "You don't have the right to talk to us like that, bastard," dagdag ni Conrad. Tumahimik ang lahat ng ilabas ni Gray ang baril nito.  "K-kuya..." takot na takot na awat ni Grace. Hindi naman makapaniwala ang mga kasama nito sa ginawa. "Leave," mahinahon nang utos ni Gray pagkatapos ikasa ang baril. Takot na takot na umatras ang tatlo. "And next time you bully my wife again," may pagbabanta sa boses ng lalaki. "Hindi ako magdadalawang isip gamitin sa inyo ito." Walang nagawa ang mga ito kung hindi umalis, leaving Hunter with Gray, who was still fuming. "Gray..." Gusto na ring tumakbo palayo ni Hunter nang makitang nanginginig pa rin sa galit si Gray. But she needed to at least thank him for defending her kahit pa nag-over react ito. Tumingin sa kanya si Gray at ibinaba ang baril bago tila nanghihinang umupo sa sofa. "Natakot ba kita?" I'm sorry," halatang sinusubukan nitong kumalma. Mabilis na umiling si Hunter, "Are you kidding me? I'm your second in command, remember? I'm not afraid of anyone, not even you." Bahagya itong natawa. She went to the mini fridge and took out a bottled water. "Uminom ka muna," iniabot niya iyon sa lalaki. "Salamat." "Hindi ako takot sa kanila kung iyan ang iniisip mo," sabi ni Hunter. "Ayoko lang ng gulo. Isa pa, tama sila. I need to clear your name. I'm doing this for you too." Matiim siyang tinitigan ni Gray na tila tinitimbang kung seryoso siya sa sinasabi niya. Agad namang nagbawi ng tingin si Hunter.  "You don't have to," Gray said. "Alam naman natin kung ano talaga ang nangyari. It's enough for me." Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanila. "Are you planning to divorce me soon?" narinig niyang tanong ni Gray. Hindi alam ni Hunter ang isasagot. Kaya ba mabait sa kanya ito ay para makuha na ang matagal na gusto?  "I-if that's what you want," tanging nasabi ni Hunter kahit wala iyon sa isip niya. But she knows one day, kailangan niyang tanggapin ang katotohanang iba ang mahal nito. Seryoso siyang tumingin dito, "We'll just wait for the board election. I want you to win too. Ayokong mawala ang pinaghirapan ni daddy. Pagkatapos noon, ibibigay ko na ang gusto mo. So let's co-exist till then." Hindi sumagot si Gray. "I'm sorry for putting your life in danger," hindi na nakatiis si Hunter. "Natakot lang akong gawan mo ng masama ang anak natin. Nawala rin naman siya in the end. Bahagyang humina ang boses ni Hunter. "I can't blame you," Gray said. "Buhay naman ako so it doesn't matter." Bumilis ang t***k ng puso ni Hunter nang muli siyang titigan nito. "I'll do my best to win the election but can I ask you a huge favor?" "Ano iyon?" "Please be my wife till then." "Of course, tsaka na nga ako mag-fafile ng divorce-" "I want to experience being loved," seryosong sabi ni Gray na pumutol sa iba pa niyanh sasabihin. "Even for a moment. Even if it's fake." "Can you do that?" tanong ulit ni Gray nang hindi siya sumagot. Hunter couldn't believe what she heard. Hindi ang klase ni Gray ang magmamakaawa para mahalin ng kahit sino. Maliban siguro kung si Danna. Speaking of that bitch... "Are you still with Danna?" hindi nakatiis na tanong niya. Umiling si Gray. Lihim na napangiti si Hunter. Kaya naman pala. But it's her chance to make Gray realize na mas karapat-dapat siyang maging asawa nito and it was a great mistake choosing Danna over her. Hindi niya palalampasin iyon. Lumapit siya rito at napangiti nang bahagyang mapaatras si Gray. "How do you want to be loved?" tanong niya habang nakayapos sa lalaki. Instead of answering, he gave her a torrid kiss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD