Six

1070 Words
Halos kapusin na siya nang hininga sa marahas na paghalik ni Gray. Napasinghap siya nang dumako iyon sa leeg niya at hindi siya nakatutol nang dalhin siya nito sa loob ng kwarto. Natigilan si Hunter. This was Danna's room before. Noong itinira ni Gray ang babae sa mansyon at wala na siyang nagawa dahil ayaw niyang mag-away sila ni Gray. Tila may kumurot sa puso niya at hindi niya na nagawang tugunin ang halik nito. Hindi niya maiwasang isipin na ginagamit siya ni Gray para buhayin ang nakaraan nito at ni Danna. Maybe, this place reminded him of his greatest love. "May problema ba?" bahagyang lumayo sa kanya ang lalaki. Umiling si Hunter at bumangon, "N-nagugutom lang ako." It was a lie pero iyon ang una niyang naisip na idahilan. Kumunot ang noo ni Gray lalo na nang sinubukan niyang mag walk out. Tila may kung anong kuryente ang dumaloy sa braso niya nang maramdaman ang kamay nito na humawak doon para pigilan siya. "You remember her again," bahagyang natawa si Gray. Napatingin si Hunter sa lalaki. Ganoon na ba siya katransparent? "W-who?" Tuluyan na itong napahalakhak, "You know who I'm talking about." "Malay ko sa'yo-" "Si Danna." Pinilit niyang makipagtitigan dito kahit ang totoo ay nanlalambot ang mga tuhod niya. "So, iniisip mo nga siya?" kunwari'y tumawa si Hunter. "Nahulaan mo kung ano ang nasa isip ko e." Napailing si Gray, "Naisip ko lang dahil ilang beses mo rin siyang tinanong sa'kin. You don't have to worry about her. Matagal na akong naka move on. Ikaw na lang hindi." "This was your love nest before," hindi na napigilang sabihin ni Hunter. "Masisisi mo ba ako?" Napatingin sa kanya si Gray. "I think you should leave," taboy ni Hunter. "Next time mo na ako landiin. Wala na ako sa mood." Muntik na siyang sumigaw nang bigla siyang pasanin nito. "Hoy, saan mo ako dadalhin?" natatarantang tanong ni Hunter. "In my room," sagot nito. "Don't worry, ikaw pa lang ang unang dadalhin ko roon." "Put me down," utos niya pero tila naging bingi ito. Lalong kinabahan si Hunter nang makarating sila sa loob ng bahay and saw Clarie. Tila hinahanap nito si Gray at nagulat nang makita sila. "Hi," bati nito na gustong matawa sa ayos nila. Tiningnan lang ito ni Gray at tila nakaintindi naman ang babae. "I think babalik na lang ako mamaya," natatawang paalam ni Clarie. Bago lumabas ng bahay ay may pahabol pa. "Be a gentleman and carry her like a bride, idiot. You're so not romantic." "Go away," sabi lang ni Gray. Tuloy-tuloy lang itong umakyat sa second floor. Pumasok sila sa kwarto at inilock nito ang pinto bago siya ihiga sa kama. "Tapos agad?" tudyo ni Clarie nang makita siyang pababa ng hagdan. Gray caught himself grinning pero agad niya ring pinawi iyon. "Akala ko umalis ka," sabi niya. "Importante ang sasabihin ko." Tumango siya at inaya ito sa garden kung saan walang makakarinig. "Nagsumbong si Tito Conrad sa buong angkan. Sinabi niyang tinutukan mo sila ng baril." Hindi nakapagsalita si Gray. "You should learn how to control your emotion, Gray," payo ni Clarie. "Baka si Hunter ang pag-initan nila." "Ayoko lang namang ma stress si Hunter. Kung hindi mo pa sinabi sa'kin, hindi ko malalaman na plano nilang gawin ngayon ang press release without even informing me. Mabuti na lang at nakabalik ako agad." "They're desperate, Gray. Lalo na kalaban natin ang pamilya ni Hunter. Which reminds me, Dawn told me about the Alicante's family dinner this weekend. They are inviting Hunter to come, 'di ko lang alam kung nabanggit niya sa'yo. Kung pwede ka lang sumama para makita nilang wala ka talagang kasalanan sa nangyari kay Hunter at itigil na nila ang kakahabol sa'yo." "I don't give a f**k kung anong gusto nilang gawin sa buhay nila. But I'll come in case pagtulungan nila si Hunter." "Are you sure?" tanong ni Clarie. "Siguradong nandoon si Craig." Hindi nakasagot si Gray. It's been almost eight years pero until now ay hindi niya maiwasang makaramdam ng panibugho. Paano ba niya makakalimutan ang lalaking naging dahilan kung bakit muntik nang hindi sumipot sa kasal nila si Hunter? Wala si Gray kaya nagmamadaling bumalik si Hunter sa guest house at agad na nilock ang pinto. Napapikit siya nang maalala na muli niyang ipinagkaloob dito ang sarili katulad dati. Hoping na mamahalin din siya nito at iiwan nito si Danna. Agad niyang tinawagan si Dawn nang makita ang maraming miscall mula rito. "Hey, I'm sorry. Nakatulog ako," pagsisinungaling niya. "It's okay," masiglang sagot nito sa kabilang linya. "Ireremind lang sana kita sa family dinner natin." "Of course, alam mo namang miss ko na ang family," biro niya at sabay silang natawa. "Isasama mo ba si Gray?" tanong ni Dawn. Natigilan si Hunter. "N-no. Bakit ko naman isasama 'yon?" "Akala ko okay na kayo?" "Kailan kami naging okay?" lalong naguluhan si Hunter. Baka naman sinabi agad ni Clarie sa babae ang nakita kanina. No. Kilala niya si Clarie. Hindi ito chismosa. "Magkasama lang kayo last night. Siya pa nga nag-uwi sa'yo." Kinabahan si Hunter. "L-last night?" "Yeah. At the club. Sumunod siya, 'di ba? We thought you invited him." "I-I didn't," lalong bumilis ang kabog ng dibdib niya. "W-what did I do last night?" Narinig niya ang malakas na tawa ni Dawn, "Oh my god, Hunter! You drank the cocktail with aphrodisiac na inihanda ko para sa target namin and went to his table. Nakita na lang namin kayo na sweet na sweet and you were making out. Then you left together." Tila bumalik sa kanya ang mga nangyari kagabi. The stranger, the wild incident in his car at pagising niya ay nasa bahay na siya. Siya ba ang gumawa ng kiss mark sa lalaki? Natatandaan niya na may tattoo ang lalaking kasama at ngayon niya lang naalala na Gray has plenty of them aside from a dragon tattoo on his right shoulder. The Blacksmith tattoo. Lalo siyang nanlamig nang maalala ang usapan nila kaninang umaga. "How was your bonding last night?" kaswal na usisa nito. "Fun," pinilit niyang ngumiti. Kailangan niyang gumanti sa pambababae nito. "It was an unforgettable night." Kumunot ang noo ni Gray pero agad ding ngumiti, "I'm glad nag-enjoy ka." Wala sa sariling nagpaalam siya kay Dawn nang marinig na may kumakatok sa pinto.  It's him. "H-hi," kinakabahang bati niya. "May kailangan ka?" Napangiti si Gray, "Kakain na. Clarie will be having dinner with us." Kahit gusto magkulong ni Hunter sa loob ng guest house ay mas nanaig ang kagustuhang makasama ang ate na matagal niya ring hindi nakaka bonding. "Susunod na ako." Napabuntong-hininga si Gray at sumeryoso ito, "I want you to go back to the house." Napatingin si Hunter sa lalaki. "I don't want my wife to be living in a guest house. You should live in the house with me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD