Seven

2184 Words
"May blooming dito," tudyo ni Clarie nang makita siya. She was wearing a yellow house dress kaya naman nagmuka siyang inosente. Natawa si Hunter bago umupo sa harap nito, "Mukhang ikaw iyon. Are you finally dating someone now?" Gray, who just came and overheard their conversation, chuckled. Naupo ito sa tabi ni Hunter. Lalo itong natawa nang irapan ni Clarie. Tila musika sa pandinig niya ang tawa nito. Madalang ngumiti ito noon and that kind of laugh was only reserved for Danna. Hunter could sense na may inililihim ang dalawa sa kanya. "Ipapakilala kita someday," pangako ni Clarie. "W-we're still in the early stage so baka mag-break lang kami." Ngumiti si Hunter. Kung sino man 'yon, he's one lucky guy. Napakabait kasi ng ate nila. Naging masaya naman ang dinner at naramdaman ni Hunter na bumalik na ulit ang dati nilang relasyon ng ate. Gabi na nang umuwi si Clarie. Nag volunteer si Hunter na maghugas ng pinagkainan at inutusan nang magpahinga ang mga katulong. Kanina ay ipinahanda niya na ang dati niyang kwarto sa mansyon. Pagbibigyan niya na si Gray bago sila maghiwalay. Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makita na may naghihintay sa kanya sa dating kwarto. "W-what are you doing here?" tumahip ang dibdib niya. Gray was lying in her bed, reading a book. "Matutulog na," kaswal na sagot nito. "I want to sleep beside you." Hindi alam ni Hunter kung matatawa o maiinis dito. Kinuha ni Hunter ang isang unan at kumot at inilatag iyon sa sahig bago humiga doon. Gray was watching her, amused. Ganoon na lang ang kaba ni Hunter nang lumipat si Gray sa tabi niya. "I didn't know you like sleeping on the floor," sabi nito bago tumabi sa kanya. "Seryoso?" kunwari ay napipikon na siya. "Ayoko nang walang katabi," tila bata namang sabi nito. Hindi alam ni Hunter kung anong nakain ni Gray at bigla itong naging sweet. But he looks cute kapag naglalambing, something she can't resist. "Fine," pumayag din siya sa huli. "Basta huwag kang malikot ha." Napangisi si Gray bago ipikit ang mga mata. Nahigit naman ni Hunter ang paghinga bago talikuran ito at sinubukang matulog. Hindi naman siya nabigo.Hindi niya na nakita nang muling dumilat ang lalaki at tahimik siyang pinagmasdan. "Huwag ka na kayang sumama," sabi ni Hunter kay Gray. Papunta sila sa family dinner ng mga Alicante at natatakot si Hunter na baka magkagulo. "Ihahatid lang kita," balewalang sabi ni Gray habang seryosong nagmamaneho. Nakaramdam naman ng awa si Hunter sa lalaki. He's obviously making an effort kahit hindi niya alam ang motibo nito. "Fine," she sighed. "You can come as long as you'll behave. Ngumisi ang lalaki, "I'm always behave." Tumaas ang kilay niya, "Yeah, right. Coming from someone na tinutukan ng baril ang pamilya kahapon lang." Natawa si Gray, "Tinakot ko lang naman sila." Hindi na kumibo si Hunter. She knew how Gray could turn from being a charming gentleman into the most ruthless person. Kung ordinaryong babae lang siya, siguradong natakot na siya rito. Nakarating na sila sa mansyon ng mga Alicante at bahagyang gumaan ang loob ni Hunter nang makita ang kotse ni Dawn. At least, may kakampi siya kung halimbawang pagtulungan siya ng pamilya. "Hi," nakangiting bati nito nang makita silang palabas ng kotse. "Look at you two. Para kayong celebrity couple." Natawa si Hunter at kahit si Gray ay napangiti. Masaya silang nag beso-beso ni Dawn at tinapik nito sa balikat si Gray bago sila inaya sa loob. Nandoon na halos ang buong pamilya maliban kay Samantha at sa asawa nito. Hunter felt awkward. Mas awkward pa kay sa sa nakaraang dinner nila ng pamilya ni Gray. Sabagay, ang pamilya ni Gray ang nakagisnan niyang pamilya while the Alicantes are total strangers to her. Halatang hindi nagustuhan ng mga ito na isinama niya ang asawa. "How dare you bring that murderer here?" galit na tanong ng mommy ni Hunter. "Gray is Hunter's husband, auntie. Of course, kasama siya," pagtatanggol ni Dawn. "And he's not guilty. Si Hunter na mismo ang nagsabi. Mas marunong pa ba kayo?" "I'm not talking to you," mataray na sabi ni Sylvia. "Well, I'm talking to you," hindi naman nagpatalo si Dawn. "You can't invite someone and disrespect her husband." "Dawn," awat ni Hunter at masuyong hinaplos ang balikat nito. "Hayaan mo na. Aalis na lang kami kung ayaw nilang nandito si Gray." Hindi na kumibo si Sylvia at nagdadabog na naupo sa dining table. "Umupo na kayo," matabang na utos ng daddy ni Dawn. Tahimik namang nagsiupo ang iba pa nilang mga kamag-anak pero halatang matalim ang tingin kay Gray. Lalo na si Malcom na representative ng pamilya sa darating na Blacksmith board meeting. Maya-maya ay dumating na si Samantha kasunod ang yaya na hawak ang isang batang babae at ang asawa nito, na walang iba kung hindi si Craig. Gulat na gulat si Craig nang makita si Hunter. Even Hunter was surprised a bit pero ano nga ba ang aasahan niya? Samantha has been vocal about liking Craig at alam niyang gagawin nito ang lahat para maagaw kung ano mang meron siya. Samantha smiled at her na tila nang-aasar. Ginantihan naman iyon ni Hunter ng nakakaloko ring ngiti. She even smiled at Craig at siniguro niyang makikita iyon ng asawa nito. "So, nagkabalikan na kayo?" tanong ni Sylvia nang magsimula ang dinner. "Nawalan lang ng silbi ang paghahabol namin ng hustisya sa nangyari sa'yo." Hindi nakasagot si Hunter samantalang sarkastikong natawa si Dawn. "Sino ba kasing nagsabi na kasuhan niyo si Gray?" nang-aasar na tanong ni Dawn. "That's enough, Dawn," saway ng daddy ni Dawn dito. "Hindi mo na nirespeto ang asawa ko. Matuto kang rumespeto habang nasa pamamahay ka namin." "Kung hindi dahil kay Hunter, hindi ako pupunta rito," tila balewala pa ring sabi ni Dawn. Namayani ang mahabang katahimikan. "So, sis," biglang nagsalita si Samantha, "I'm glad kayo na ulit ni Gray. Alam ko mahirap magpatawad lalo na if your husband had an affair while still married to you. Kung ako sa'yo bigyan mo agad siya ng anak para hindi na mambabae." Hindi nakasagot si Hunter. This witch really knows how to pull the trigger. Alam niyang alam nito na hindi na siya magkakaanak because of her complications. "Not just an affair. Itinira pa sa bahay nila," dagdag pa ni Sylvia. "Sabihin niyo nga. Dapat bang patawarin 'yan?" Tumahimik ang lahat nang biglang magsalita si Gray. "I've been in love with Hunter, driver pa lang ako ng mga Saavedra," Gray calmly said na tila balewala ang pambabatikos dito. "Nang malaman ko na anak ako ni Daddy, iniwasan ko siya dahil buong akala ko magkapatid kami. I pushed her away and our relationship became hopeless dahil sa mga nasabi namin sa isa't-isa. We were unable to repair our relationship kahit pa nung ikasal kami dahil na rin sa ex boyfriend ni Hunter. And now that he's out of the picture, wala nang dahilan para layuan ko si Hunter." Hindi makapaniwala ang mga ito sa narinig lalo na si Hunter. Totoo kaya ang sinasabi ni Gray? Kaya ba ito lumayo sa kanya noon? "Wow," sarkastikong palatak ni Samantha. "So kasalanan pa ni Craig? Samantalang ikaw itong itinira si Danna sa bahay niyo." Natawa si Gray, "Tumira rin naman si Craig sa bahay namin. Didn't he mention that to you?" Halatang muntik nang mapabunghalit ng tawa si Dawn. "That's enough," galit na sabi ni Sylvia. "Ito na nga ba ang sinasabi ko kapag dinala yang lalaking yan dito." "Who started it?" inis na tanong ni Dawn. "Kaya namimihasa yang anak mo dahil kinakampihan niyo." "Puro ka palusot," ungos ni Samantha. "Stop trying to hide the fact that you cheated with your first love." Sasagot pa sana si Gray nang maramdaman ang paghawak ni Hunter sa kamay nito kaya kumalma ang lalaki. "Don't worry, sis," sarkastikong ngumiti si Hunter at tumingin kay Samantha. "I've moved on from the past. What's important to me is nabuhay ako at kasama ko ngayon si Gray." She even looked at Gray at nginitian ito. Gray just stared at her with a serious face na tila tinitimbang kung totoo ang sinabi niya. "And I don't agree that Hunter should have Gray's baby just to keep him," sabat naman ni Dawn. "dahil bukod sa alam nating lahat na hindi na siya magkakaanak, hindi desperada si Hunter na gagamitin ang bata just to manipulate her husband." Halatang na offend si Samantha at lumikha ng ingay ang kubyertos na hawak nito. Galit na galit itong tumingin kay Dawn. "I'll just be a good aunt to your future baby, sis," tudyo ni Hunter kay Dawn at natawa ang babae. Hindi nila pinansin ang masasamang tingin na ibinibigay ng pamilya. "Good luck with that," sabi naman ni Dawn. Tumahimik ang lahat nang magsalita si Craig, "I'm glad you're alive, Hunter. I'm happy for you. You deserve a second chance." "Of course, I do," kaswal na tumingin si Hunter sa lalaki at binigyan ito ng matamis na ngiti. Agad namang nagbawi ng tingin si Craig lalo na nang tumikhim si Samantha. "I think I'll go to my room," matabang na sabi nito. "Nawalan na ako ng gana." "Sam," pigil naman ni Sylvia. "Let's go, Craig," aya nito sa asawa. "Sa kwarto ka na kumain." Walang nagawa si Craig kung hindi huminto sa pagkain. "Yaya, pakiakyat na lahat ng pagkain. Sa kwarto na lang kami kakain," utos nito sa katulong. Tahimik ang lahat nang wala na si Samantha. "Hindi niyo dapat pinagtutulungan ang kapatid niyo," mahinahon na sabi ng daddy ni Dawn. "You should make an effort to be closed to her. Ikaw, Dawn, mas matanda ka sa kanila. Ikaw dapat ang gumawa ng paraan para mapalapit kay Samantha. You're making her feel alienated dahil parang ipinapakita mo pa how close you are with Hunter na ngayon mo lang nakilala." "Paanong pinagtulungan?" maang na tanong ni Dawn. "Siya itong nagsimula. Is this how you're going to treat Hunter who just woke up from a five year coma?" "I'm sorry, tito," palihim na siniko ni Hunter si Dawn. "Don't worry, we'll try to include Samantha next time." Hindi na nagsalita ang mga ito at nagpatuloy na lang sa pagkain. Hunter couldn't wait to leave the house and go home. Amanda may not be her real mom but she loved her nang higit pa sa pagmamahal ni Sylvia na alama niyang kaya lang mabait sa kanya ay dahil sa kanya ipinamana ng namayapang ama ang halos lahat ng kayamanan nito. Nakahinga lang nang maluwag si Hunter nang matapos ang dinner at mag-aya na si Dawn umuwi. Paalis na sila nang dumating si Samantha. "I want to talk to my sister," ngumiti ito at tumingin sa kanya. Nagkatinginan si Dawn at Hunter. "Alone," dagdag pa nito na tila sinasabi na hindi pwedeng sumama si Dawn. "It's okay," sabi ni Hunter kay Dawn at sumunod kay Samantha. Nawala ang ngiti ng babae nang makalayo sila kay Gray at Dawn. "Binabalaan kita, Hunter," gigil na pagbabanta ni Samantha, "Lumayo ka sa asawa ko. Ako na ang mahal ni Craig kaya kung umaasa ka pa rin na babalikan ka niya, you're f*****g wrong. Wala na siyang pakialam sa'yo. He wouldn't marry me kung mahal ka pa rin niya." Hindi napigilang matawa ni Hunter, "Bakit naman sa akin ka gigil na gigil? Nakita mo bang lumapit ako sa kanya? Gaya nga ng sinabi mo, asawa mo na siya. Bakit parang insecure ka pa rin sa akin?" "b***h!" lalo yatang nainis si Samantha. "Sana hindi ka na nagising! Pareho lang tayong insecure and you have the reason to be. Akala mo totoo yung sinabi ng asawa mo? Did you even ask him kung nasaan na si Danna ngayon? Kaya lang yan mabait sa'yo because Danna's dead! Understand? Wala ka ng kaagaw dahil wala na si Danna so he had no choice but to force himself to love you para makalimutan ang greatest love niya. Pity you! Paniwalang-paniwala ka naman when we all know that Gray only married you para hindi patayin ni tito si Danna." Hindi nakakibo si Hunter. Tila nawalan siya ng lakas nung mga panahong iyon. Tila naman lalong ginanahan si Samantha at abot langit ang ngiti sa isiping nagtagumpay ito. "Ito na sana ang huling beses na aakitin mo ang asawa ko," sabi ni Samantha bago isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya, " That's for all the bad things you and Dawn said about me." Umalis na ito pero nanatili pa ring tulala si Hunter. Hanggang sa tawagin siya ni Gray at ayaing umuwi. Hindi na bumalik ang kanina'y masayang mood niya. Gabi na pero nanatili pa ring gising si Hunter. Hindi niya alam kung paano haharapin si Gray. Should she confront him? Siguradong magdedeny ito. Siguro hindi pa rin tanggap ng lalaki na wala na si Danna. "Hunter," tawag ni Gray na nakapasok na pala sa kwarto. May dala pa itong gatas. "Dinalhan kita ng gatas." Umiling si Hunter, "I don't want it." Bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Gray, "May problema ba? Kanina ko pa napapansin na wala ka sa mood. May sinabi ba si Samantha sa'yo?" "I want a divorce." Hindi nakakibo si Gray. "I can't wait anymore. I want the divorce as soon as possible," seryosong sabi ni Hunter. Matagal na katahimikan ang namayani sa kanila. Maya-maya ay nakita niyang tumango si Gray, "Kung iyon ang gusto mo. I'll talk to our lawyer tomorrow." Nang lumabas ng kwarto si Gray ay hindi na napigilan ni Hunter ang mga luha. Sobrang sakit umasa. Akala niya ay magiging masaya na sila. Hindi pala.  Muling bumalik sa ala-ala niya ang unang beses nilang magkita ni Gray. The time when she tried to steal him from Danna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD