Para siyang bumabalik sa pagiging teenager. Kagat-kagat niya ang pang-ibabang labi habang nakaunan sa bisig at nakatingin sa bubong. Naka-plaster ang ngiti niya sa labi. ‘Di niya maiwasang kiligin. Lara tasted so sweet. Para itong kendi na hindi pagsasawaan. Mabuti na nga lang at nakapagpigil pa siya. Ending that kiss took a halluva of self control. Binunot pa niya ang katinuan mula sa kung saan ang urge na huminto. Alam niyang mailap din ang antok kay Lara. Naririnig niya sa kinahihigaan ang mga kaluskos nito. At paano ba siya makakatulog gayong dingding at pintuan lang ang pagitan nila. God knows kung saan umabot ang tagpo kanina kung hindi siya nakapagtimpi. He wanted to take Lara right at that moment. Ngunit ‘di siya pwedeng maging mapusok. Bago kay Lara ang lahat ng ito at kailangan

