Inilipad nga sa Maynila ang pamilya ni Darwin at si Eman ang personal na nag-asikaso ng mga pangagailangan ng mag-anak. Lahat-lahat. Wala nang iisipin pa sina Giselle. Aaminin niyang nami-imiss niya si Eman. Natutukso na nga siyang tawagan o i-text ito, pero labis siyang nagpigil. She had to maintain modesty. Babae pa rin siya at ‘di dapat umaaktong atat na atat sa isang lalaki. Pero miss na miss na talaga niya ito. Dalawang araw lang na nawala ito sa paningin niya at may aasikasuhin din daw sa Maynila. Siguro tungkol sa naiwang negosyo sa US. Naging natural reflexes na ang maya-maya njyang pagsilip sa phone niya. Bakasakaling may mensahe o tatawag si Eman. Kahit nasa harap ng computer kailangang nasa tabi niya iyon. Kapag nagluluto naman o nagdidilig bitbit niya iyon palagi. May mangila

