Unang araw na opisyal na naging sila ni Eman at pinuno na siya nito ng surprises. Ngayon nga ay lulan sila ng isang chartered flight. Kung saan patungo ay hindi niya alam. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at masyado na rin siyang nagpapatianod sa agos ng pagkakataon kahit na nakakapanibago sa kanya ang lahat. Parang napaka-surreal lang. Habang nakaupo ay 'di niya maiwasang huwag libutin ng paningin ang loob. It was a six-seater luxury helicopter na sinakyan nila mula Bacolod, courtesy ng isang private jet operator. Air ambulance rin ng naturang aviation company ang naglipad kay Buboy patungong Manila. Sa naririnig niyang usapan kanina, si Connor ang nag-arrange ng air transportation nila. Saka niya nalaman na kahit si Eman ay may private jet ngunit nasa US nga lang. Iba talaga kapag

